Sunday, March 31, 2013

Problems are like washing machines

FROM : LETTY LAGOS LICUP


Saturday, March 30, 2013

National Doctor's Day

FROM : JOLLIBEE KIDS WORKSHOP


What would we do without doctors? The short answer is not much! We need them to get us better when we're ill whether that means help with something small or a much bigger, sometimes life-threatening illness.

National Doctor's Day wants to celebrate our medical professionals and all they do for us - because lets face it we probably take them for granted.

The holiday was first celebrated in 1933 in the US to mark the success of the new general anesthesia in hospitals.

The red carnation has become the symbolic flower for the day after flowers were placed on the graves of deceased doctors as one of the first ways to commemmorate the day.


Recognizing National Doctor's Day

National Doctor's Day is commonly celebrated in healthcare organizations as a day to recognize the contributions of doctors to individual lives and communities.

These events are typically organized by staff at a healthcare organization. Staff may organize a lunch for doctor's present the doctor with a gift, or coordinate a team lunch.

The most common recognition on National Doctor’s Day is a handwritten note or greeting card signed by the doctor’s staff.

Community members also get involved in the celebration by writing a letter to the local newspaper in honor of a doctor or sending a greeting card directly to a doctor.

Wouldn’t it be great if your friends and loved ones also knew about it? Share this to your friends right away! If you have loved it, Im sure they will love it too…

Friday, March 29, 2013

Libing Things

FROM : FRANCIS HUERGULA

 

Tuesday, March 26, 2013

Monday, March 25, 2013

Tatlong Alamat

ALAMAT NG SANTOL

Isang araw may dalawang magkapatid na nag-uusap :

Kapatid 1 : 'Tol ano bang prutas itong nandito sa ibabaw ng lamesa ?
Kapatid 2 :  Sa'n 'Tol 
Kaya tinawag siyang santol 

ALAMAT NG SAYOTE

Ate 1 : Ano ba itong gulay na nandito sa basket at kanino ba ito ?
Ate 2 : Sa'yo 'Te 
At naging sayote ang tawag sa isa sa ating paboritong gulay.

ALAMAT NG KAYMITO 

Pare 1 : Pare dalhin mo nga itong prutas na ito duon sa bahay ng kaibigan ko .
Pare 2 : Ano bang pangalan ng prutas na iyan at kanino ko dadalhin 'yan ?
Pare 1 : Kay Mito 

Yun na ! Ha ha ha happy reading !

Sunday, March 24, 2013

Dalawang Jokes lang Po !

FROM JERRY OLEA'S " JOKES LANG PO " COLUMN :

GINTONG TULA 


Taas duster/ labas flower
Bukas zipper/ labas monster
Buka flower/ pasok monster
Sarap monster/ kiskis flower
Suka monster
 9 months later/ labas daughter 


ITLOG  NG  BOYS

 Binatilyo: fresh egg
Binata: hard-boiled
Groom: sunny side-up
Matagal nang kasal: balut
Matandang binata: itlog na maalat
Lolo: century egg 

Saturday, March 23, 2013

4 Laws for Personal Growth and Self Fulfillment

From: Butch Rivero 

4 Laws for a Lifetime of Personal Growth and Self Fulfillment 

1.) Always make your FUTURE greater than your PAST
2.) Always make your CONTRIBUTION greater than your REWARD
3.) Always make your PERFORMANCE greater than your PREPARATION
4.) Always make your GRATITUDE greater than your SUCCESS

Allow God to enable you to do these in your life . He'll walk with you always in this journey , so count on Him and follow His ways.

Thursday, March 21, 2013

Apat na issues ngayong March 2013

1. ) Mga magulang ni Heart Evangelista tutol sa relasyon nila ni Senator Chiz Escudero - nakakagulat naman ang balitang ito dahil akala ng marami  ay swak na swak at okay sa olrayt ang relasyon  ng mag-wishart na ito  , iyun  pala ay may mga tutol na partido sa kanilang Tayong Dalawa ang peg na pagmamahalan . Ayon sa mga magulang ni Heart na sina Rey at Cecilia Ongpauco  , si Heart daw who is now 28 years old , na bagamat nasa ganitong edad na ang  kanilang youngest child ay very immature pa rin daw ito at walang tamang desisyon pagdating sa pakikipagrelasyon . At para sa kanila si Chiz ay hindi karapat-dapat sa heart ni Heart dahil sa ito daw ay diborsyado , masama ang pag-uugali at pakikitungo sa kanila , palainom o lasinggero at higit sa lahat ay bastos ( naghuhubo kaya si Senator Chiz ? ) ! Depensa naman ni Heart ( ache? ) siya daw ay matanda na at may sapat nang kaisipan upang magdesisyon para sa kaniyang sarili at kung sino ang kaniyang pipiliing lalaking mamahalin at pakakasalan .



Nuon daw sila pa ni Jericho Rosales ay sumang-ayon siya sa desisyon ng kaniyang mga magulang na maghiwalay sila dahil tutoo namang bata pa daw siya nuong mga panahong iyon  . Subalit hanggang ngayon ba naman daw na siya ay nasa tamang edad na at pag-iisip ay hindi naman puwedeng patuloy siyang kontrolin at pangunahan ng kaniyang mga magulang pagdating sa pagdedesisyon sa pakikipagrelasyon  . Ang masasabi ko lang : timing na timing naman para sa libreng publisidad ni Senator Chiz para sa nalalapit na eleksyon . Ang sabi nga ay good or bad publicity is still a publicity . At ang tila lumalabas na underdog sa tunggaliang ito  ay si Chiz at si Heart  . Kaya baka ang ending ay sa kanila pa mapunta ang sentimyento ng mga tao at tuluyang manalo sa puwesto si Senador. Hindi kaya may malaking sabwatan dito ? Lalo pa at ang adviser ng mag-asawang Rey at Cecilia Ongpauco ay si Senator Miriam Defensor Santiago na siya namang nag-matchmake sa dalawa in the first place ? Ah tigilan na ang mga Chizmis. Ang tatanda na  ng dalawang iyan noh para pakialaman pa natin ang mga lovelife cheverlins nila huh! Next topic please.

2.) Speaking of Senator Miriam Defensor Santiago - napakatapanag naman ng senador na ito at sukat ba namang tawaging isang berdaderong  bakla ang kapwa senador na si Panfilo ( Ping ) Lacson. Siya lang ang narinig ko na tahasang nag-akusa at binulatlat sa publiko ang natatago daw na pagkatao ni Senator Ping .


Todo tanggi naman ang buthing Senador sa paratang ni Mam Miriam " I Lied " Santiago .Hindi kaya isa na naman ito sa maraming mga  lying games ni Madam Pick-up lines? Anyway , kung totoo man ang paratang ni Senadora kay Sir Ping , we will gladly welcome  sa ating mundo ang butihing senador bilang kasapi ng federasyon . Samantala , matuwa kaya si Jodi/Maya dahil sa pangyayaring ito ?  Ano ba naman itong ating Senado ngayon at masyadong makulay like the rainbow at hitik na hitik sa mga kontrobesiya . Ayaw ko na ngang isali pa ang usapang Migz Zubiri versus Koko Pimentel dahil nakakaumay na huh ! Next topic please 

3. ) Kris Aquino nag-file ng petisyon for Temporary Protective Order ( at inaprubahan na ito ng Korte Suprema )   laban sa  dating dyowang si James Yap for the sexual harassment na nangyari nito daw nakaraang December 2012 . Ang tanong eh bakit palilipasin pa ang halos tatlong buwan bago ihahabla ang kaniyang waswit.?Sabi nga ni Vice Ganda dapat karaka-raka at huwag nang magpatumpik tumpik pa na inihabla niya ito ora mismo nuong mangyari ang atake  . Hindi kung kailan all the dust was settled down to the bottom of the cup ay saka pa niya muling liligaligin ang dumi para muling umalimbukay sa ibabaw ng tasa. Ang ending nito , talo ang kanilang anak na si Bimby  . Naiipit ang bata sa gulo nang mag-asawa .


Masyado namang nagpapaka-controversial si Tetay dahil dito . Hindi naman siguro siya tatakbo sa pulitika di ba ? O si James ba may balak ? Hindi niya ba naiisip that  James is still the father of her son Bimby kahit ano pang baligtad ang gawin mo dito .Na anumang putik o duming ikulapol niya dito ay tiyak na hindi puwedeng mamantsahan o maulingan siya at lalo na ang anak niya . Narinig na ba niya ang kanta nila Hall And Oates na " Some Things Are Better Left Unsaid "

4.) Ito namang mga estudyante ng PUP sa Maynila ang gusto kong puntusan . Lagi na lang  na kapag may isyung gustong sumawsaw ang mga estudyanteng ito ng naturang paaralan ay lagi nang idinadamay at  nangwawasak ng mga walang kamuwang-muwang na mga gamit ng kanilang paaralan bilang protesta . Biruin mo ba namang sunugin  , ibalibag , itapon at pagpira-pirasuhin ang mga lamesa , upuan at iba pang mga kagamitan  ng kanilang eskwelahan bilang senyales diumano ng kanilang protesta lately ay para sa isyu ng  pagpapakamatay ng estudyanteng si Kristel Tejada ng UP Manila . Ano naman ang kinalaman ng mga upuan at lamesa sa galit at hinanakit nila sa maling sistema o patakaran ng ating lipunan? Mabubuhay pa ba nila si Kristel kapag sinunog at ibinalibag at sinira nila ang mga letseng gamit na iyan ng eskwelahan?  Tila ba imbes na makatulong ang mga estudyanteng ito ay nagpapasaway pa . Saan ngayon kukuha ng perang ipambibili ng mga bagong lamesa at upuan na gagamitin din nila later on kung hindi ba naman utak pulpol meron sila . Mga utak pulbura kasi . Hindi naman lahat ng bagay ay nadadala sa galit at pangwawasak. Hinahon din at relax relax pag may time .

Actually , hindi sila nakakatulong sa problema , bagkus ay nakakadagdag pa . Bakit hindi ito ang mga pagsisipain at patalsikin sa mga paaralang iyan . Mga utak radikal na wala rin namang naitutulong na maganda sa pamahalaan bagkus ay perwisyo pa . Akala mo kung sinong mga magagaling pero wala din namang alam . Puro ngawa kulang naman sa mga gawa .  Ang mga Pinoy nga naman . Estudyante pa lang ay bully na sa pamahaalan . Ano pa nga ba ang aasahan mo sa ganitong sistema ng lipunan .Sa eskwelahan pa lang ay ipinaiiral na ang asal hayop na patakaran .  Umayos nga kayo huh !

Wednesday, March 20, 2013

A case of suicide : Kristel Tejada

Nakakalungkot naman ang balitang bumandera sa mga pahayagan at newsrooms sa Pilipinas nitong nakalipas na mga araw .

Ito ay ang balitang pagpapakamatay ng isang dalagang estudyante ng UP Manila sa pamamagitan  ng pag-inom ng isang bote ng silver cleaner dahil sa matinding problemang dala ng pagsususpinde sa kaniya ng pamunuan ng eskwelahang pinapasukan dahil sa hindi niya pagkakabayad ng matrikula sa takdang panahon .

Ang nasabing estudyante ay nagngangalang si Kristel Tejada na mula sa isang mahirap na pamilya subalit desididong makatapos ng pag-aaral upang matulungan ang kaniyang pamilya na makaahon sa kahirapan ngunit kinitil ang sariling buhay dahil sa tila pagkabigong makamit ang pangarap dahil sa nakatakdang pagpapatigil ng eskwelahan sa kaniya upang magpatuloy na pumasok sa nasabing eskwelahan.

Diumano ay may kakulangang humigit kumulang sa 10,000.00 ang utang ni Kristel sa eskwelahan kung kayat pinayuhan siya ng pamunuan nito na mag-leave of absence muna pansamantala hanggang hindi nababayaran ang kabuuan ng utang sa matrikula .

Bagay na labis na  dinibdib at ininda ng dalaga kung kaya't humantong sa pagpapakamatay gamit ang bote ng silver cleaner.

Unang punto : Paano nakabili ng silver cleaner ang dalaga gayong ipinagbabawal na itong ibenta sa merkado dahil sa nakalalasong sangkap nito  ? Panigurado na may mga pailalim na  nagbebenta nito sa pamilihan kung kaya't malayang nakakuha ng sample ang dalaga na siya niyang ginamit sa pagpapakamatay . Ano ang ginagawa ng mga kapulisan at ng DTI upang ito ay mahinto at masawata ?

Pangalawang punto : Bakit hindi nabigyan ng pagkakataon ang isang mahirap ngunit deserving makapagtapos sa pag-aaral na estudyanteng tulad ni Kristel upang makapag-aral ng maayos at marangal sa isang unibersidad na suportado ng gobyerno ? Di ba dapat nga ay 100 % porsiyentong libre na sa school fees ang isang mahirap na tulad ni Kristel ? Ngunit kung sa anong kadahilanan ay pinagbabayad pa rin siya ng matrikula na sana ay libre na lang niyang makukuha .

Ano pa ang silbi ng pamunuan ng UP na isang insititusyon sanang nanganganlaga sa kapakanan ng mga mahihirap na estudyante subalit deserving at gustong makapagtapos ng pag-aaral.

Dahil sa pangyayaring ito ay magsilbi sana itong eye-opener upang rebisahin o repasuhin ng mga kinauukulan ang mga probisyon ukol sa pagbibigay ng scholarships sa mga mahihirap ngunit deserving na mga estudyante.

Kailangan pa talagang magbuwis ng buhay ang isang tao bago tayo mamulat sa katotohanan.

Sana hindi pa huli ang lahat !

Nakikiramay tayo sa mga naulila ni Kristel Tejada .




Tuesday, March 19, 2013

Buko - Jireh Lim

2011 hanggang early 2012 pa ginawa ang kantang ito ni Jireh Lim subalit tila nagbabalik sa sirkulasyon at ngayon lang pumapailanlang  sa ere ang awiting ito na pinamagatang Buko
( I wonder kung bakit Buko ang titulo nito? )

Ito ay dahil na naman kay Vice Ganda na muling pinauso ang awiting ito sa programang It's Showtime .

Marami tuloy ang mas nakapansin dito ngayon .

Sige nga at pagpiyestahan natin ang video ng kanta dito :






Monday, March 18, 2013

Sunday, March 17, 2013

R.I.P. Subas Herrero

Pumanaw nitong ika 15 ng Marso , 2013  ang isa sa mga beterano at iginagalang na  komedyante at karakter aktor ng pelikulang Pilipino na si Subas Herrero sa edad na 69 sa Rochester , New York kung saan siya namalagi matapos ma-diagnose dahil sa sakit na pneumonia .

Isa si Subas sa mga paborito kong karakter aktor , komedyante at kontrabida sa pelikula lalo na nuong magsimula ang TV sitcom na Champoy sa dating RPN Channel 9 kasama ang kapwa batikang aktor na si Noel Trinidad bilang mga hosts nito.

Hindi ko rin malilimutan ang mga pelikulang nagawa niya kung saan ay kadalasang kontrabida ang kaniyang karakter na ginampanan kung saan ay epektibo siya katulad sa Alyas Pogi 2 ,Mabuting Kaibigan Masamang Kaaway , Di na Natuto (Sorry na, Puwede Ba?) , Batas Ko Ang Katapat Mo at marami pang iba .

Nakapagtayo rin ng isang restaurant si Subas na kilala sa pangalang Senyor Subas na dinarayo nuon ng maraming mga parukyano.

Isa na namang beterano at magaling na aktor ang pumanaw sa ating kalagitnaan.

Ang espasyong ito ay nakikiramay sa mga naulila ni Senyor Subas Herrero .





Saturday, March 16, 2013

PINK LAKES

Akalain mo nga naman at mayruon palang mga bodies of water dito sa mundo na kakulay ni Placido Flamingo ang peg.

Oo kulay pink po kung hindi ninyo alam ang kulay ni Mang Placido huh.

Kung hindi pa nai-tag sa aking FB account ang picture na itetch eh hindi ko knows na may mga lakes o lawa pala sa mundo na kakulay ng ulo ng mga lalaki ( o huwag nang magpa-demure knows n'yo na ang nais kong iparating  ) ang kulay ng tubig .

Ang tanga tanga ko lang 'noh !

Ayon sa Wikipedia , i-quote ko na lang , nakakatamad kasi mag-type he he ...  " the pink colour of other salt lakes  in the region arises from a dye created by the organisms Dunaliella salina and Halobacteria. Another hypothesis is that the pink colour is due to red halophilic bacteria in the salt crusts. "

At nakuha ko naman mula sa website na " 8 Things To Do " , dito ko nalaman na mayruon palang 8 lawa sa buong mundo na pink ang kulay ng tubig na bumubulwak dito .

Ito ay ang mga sumusunod :

1. ) Pink Lake Retba, Dakar Region, Senegal

 2.) Pink Hutt Lagoon, Australia

3.) Pink Lake, Australia (Goldfields-Esperance area)


4.) Lake Hillier, Western Australia



5.) Pink Lake of Salina de Torrevieja, Spain



6.) Dusty Rose Lake, Canada

 7.) Pink Masazir Lake or Masazirgol, Azerbaijan

8.)  Pink Lake of Quairading, Australia


There you go , biruin mo nga naman at may ganiyan palang itinatagong yaman ang ating mundo . Truly a sight to behold .

I'm sure 'pag nalaman ito ng sangkabekilandia , maraming magswi-swimming diyan na mga sirena at mga butanding para mag-blend sa kanilang favorite color na pinkish he he he. 

Isa na namang dagdag kaalaman mula sa inyong  malanding  abang lingkod.

Enjoy !

 

 


 

 

Friday, March 15, 2013

The student and the professor's argument about FAITH

Shared from Facebook :

Professor : You are a Christian, aren’t you, son ?

Student : Yes, sir.

Professor: So, you believe in GOD ?

Student : Absolutely, sir.

Professor : Is GOD good ?

Student : Sure.

Professor: Is GOD all powerful ?

Student : Yes.

Professor: My brother died of cancer even though he prayed to GOD to heal him. Most of us would attempt to help others who are ill. But GOD didn’t. How is this GOD good then? Hmm?

(Student was silent.)

Professor: You can’t answer, can you ? Let’s start again, young fella. Is GOD good?

Student : Yes.

Professor: Is satan good ?

Student : No.

Professor: Where does satan come from ?

Student : From … GOD …

Professor: That’s right. Tell me son, is there evil in this world?

Student : Yes.

Professor: Evil is everywhere, isn’t it ? And GOD did make everything. Correct?

Student : Yes.

Professor: So who created evil ?

(Student did not answer.)

Professor: Is there sickness? Immorality? Hatred? Ugliness? All these terrible things exist in the world, don’t they?

Student : Yes, sir.

Professor: So, who created them ?

(Student had no answer.)

Professor: Science says you have 5 Senses you use to identify and observe the world around you. Tell me, son, have you ever seen GOD?

Student : No, sir.

Professor: Tell us if you have ever heard your GOD?

Student : No , sir.

Professor: Have you ever felt your GOD, tasted your GOD, smelt your GOD? Have you ever had any sensory perception of GOD for that matter?

Student : No, sir. I’m afraid I haven’t.

Professor: Yet you still believe in Him?

Student : Yes.

Professor : According to Empirical, Testable, Demonstrable Protocol, Science says your GOD doesn’t exist. What do you say to that, son?

Student : Nothing. I only have my faith.

Professor: Yes, faith. And that is the problem Science has.

Student : Professor, is there such a thing as heat?

Professor: Yes.

Student : And is there such a thing as cold?

Professor: Yes.

Student : No, sir. There isn’t.

(The lecture theater became very quiet with this turn of events.)

Student : Sir, you can have lots of heat, even more heat, superheat, mega heat, white heat, a little heat or no heat. But we don’t have anything called cold. We can hit 458 degrees below zero which is no heat, but we can’t go any further after that. There is no such thing as cold. Cold is only a word we use to describe the absence of heat. We cannot measure cold. Heat is energy. Cold is not the opposite of heat, sir, just the absence of it.

(There was pin-drop silence in the lecture theater.)

Student : What about darkness, Professor? Is there such a thing as darkness?

Professor: Yes. What is night if there isn’t darkness?

Student : You’re wrong again, sir. Darkness is the absence of something. You can have low light, normal light, bright light, flashing light. But if you have no light constantly, you have nothing and its called darkness, isn’t it? In reality, darkness isn’t. If it is, well you would be able to make darkness darker, wouldn’t you?

Professor: So what is the point you are making, young man ?

Student : Sir, my point is your philosophical premise is flawed.

Professor: Flawed ? Can you explain how?

Student : Sir, you are working on the premise of duality. You argue there is life and then there is death, a good GOD and a bad GOD. You are viewing the concept of GOD as something finite, something we can measure. Sir, Science can’t even explain a thought. It uses electricity and magnetism, but has never seen, much less fully understood either one. To view death as the opposite of life is to be ignorant of the fact that death cannot exist as a substantive thing.

Death is not the opposite of life: just the absence of it. Now tell me, Professor, do you teach your students that they evolved from a monkey?

Professor: If you are referring to the natural evolutionary process, yes, of course, I do.

Student : Have you ever observed evolution with your own eyes, sir?

(The Professor shook his head with a smile, beginning to realize where the argument was going.)

Student : Since no one has ever observed the process of evolution at work and cannot even prove that this process is an on-going endeavor. Are you not teaching your opinion, sir? Are you not a scientist but a preacher?

(The class was in uproar.)

Student : Is there anyone in the class who has ever seen the Professor’s brain?

(The class broke out into laughter. )

Student : Is there anyone here who has ever heard the Professor’s brain, felt it, touched or smelt it? No one appears to have done so. So, according to the established Rules of Empirical, Stable, Demonstrable Protocol, Science says that you have no brain, sir. With all due respect, sir, how do we then trust your lectures, sir?

(The room was silent. The Professor stared at the student, his face unfathomable.)

Professor: I guess you’ll have to take them on faith, son.

Student : That is it sir … Exactly ! The link between man & GOD is FAITH. That is all that keeps things alive and moving.

P.S.

I believe you have enjoyed the conversation. And if so, you’ll probably want your friends / colleagues to enjoy the same, won’t you?

Forward this to increase their knowledge … or FAITH.

By the way, that student was EINSTEIN.

Thursday, March 14, 2013

Habemus Papam , Pope Francis I

May bago nang Papa.

Hindi ako 'noh , kundi ang Simbahang Romano Katoliko he he!

Ito ay sa katauhan ni Pope Francis I na Jorge Mario Bergoglio sa tunay na buhay mula sa bansang Argentina.

Kauna-unahang Santo Papa sa labas ng Europa at kauna-unahang paring Jesuita na naging Santo Papa.

Napurnada man ang pag-upo ng ating iginagalang na Cardinal Luis Antonio Tagle Junior para maging bagong Papa , tanggap na rin  ito ng karamihang Pilipino  kung ito ang kalooban ng Panginoon na igawad sa atin bilang mga Kristiyano .

Anyway tiyak na may kapasidad naman at kakayahan ang bagong hirang na Santo Papa upang gampanan nang maigi at mabuti ang mabigat na tungkuling iniatang sa kaniyang balikat upang pamunuan ang milyun-milyong mga miyembro ng Simbahang Katoliko sa buong mundo.

At siguradong hindi naging madali ang pagpili sa kaniya upang maging ika 266 na bagong Santo Papa. Kumbaga ay dumaan siya sa butas ng karayom bago ito nakamit.

Wait na lang ulit tayo pagkatapos ng ilan  pang mga dekada kung masusungkit na ni Cardinal Tagle ang posisyong ito na tiyak na ikatutuwa ng maraming mga Pilipino .

Mabuhay Santo Papa Francis I



Wednesday, March 13, 2013

" ... si AJ nadulas ... "

I-share ko lang itong video involving my pamangkin na si  AJ na nadulas sa hagdan habang paakyat ng stairs upang sunduin ang kaniyang Tita Joy para sa kasal nito on that day going to the wedding venue .

Nakakatuwa lang balikan ang ala-ala he he he.

Super miss ko na rin si Madam Joy and her hubby Jess Lopez na nasa Amerika na ngayon at nagbubuhay donya he he he.

Smile and be happy !

Tuesday, March 12, 2013

Mr. Binatog

Sa aking pagpasyal sa SM Masinag na malapit lamang sa aming balur napansin ko ang isang foodcart na nag-ooffer ng walang iba kundi ang - favorite afternoon meryenda ng masang Pilipino - ang Binatog , bow !

Ngayon hindi na lang siya pang-masa kundi lumevel-up na dahil nasa mall na ang isa sa aking paboritong meryenda.

Courtesy of Mr. Binatog foodcart franchise .

May mga toppings pa na puwedeng pagpilian bukod sa original flavor na may niyog .

Tignan ang picture ditech :


Kaya ano pang hinihintay ninyo , kung gusto ninyong mag-meryenda anytime you want ng isang masarap na tasa ng binatog na hindi na kinakailangan pang hintyain si mamang magbi-binatog , sugod na sa inyong paboritong SM malls at tiyak na makikita mo sila dito na naka-puwesto.

It is a yummy binatog dessert experience minus the kalembang and bisikleta ni manong na umiikot sa mga kalye at eskinita .

Sugod na !



Monday, March 11, 2013

Fun. - We Are Young featuring Janelle Monae

LSS na naman ako sa kantang ito ng bandang FUN. entitled We Are Young featuring Janelle Monae.

Indie music ang tawag sa ganitong genre ng mga awitin ng  FUN.

Madaling main-love sa kantang ito dahil sa kakaibang melody lalo na ang chorus at swak din ang lyrics.

Favorite ko na si Nate Ruess ( lead vocalist ) , pramis .

Heto ang ang official video , remix version at ang version ng show na Glee :






Sunday, March 10, 2013

Pusong Bato - Nigerian version

FROM : DONN PARAS CANLAS

Ang cute nito - Pusong Bato - Nigerian version .

Aba at international na ang peg ng kantang ito huh .

At ang galing gumiling  nung isang egoy na nasa dulo he he he .

Panuorin dito :


Saturday, March 9, 2013

An invitation from Don Facundo ....

From : Nicko Sayson

" Uyyy , invited daw tayo.

Sa birthday party ni Don Facundo sa Sabado , January 26 , 2013 . Alas 8 ng gabi , night swimming sa isang private pool sa  Pansol , Laguna .

Don't worry , walang entrance fee at libre ang foods .

Tsibog at laklakan to the max .

Eat all you can ang drama ni Don.

Si Don Facundo lahat ang taya.

May lechon baka at baboy pa daw na iihawin.

Babaha ng alak at pulutan .

Basta isuot mo lang ang iyong best swimsuit attire .

Ang problema na lang natin ....






Hindi ko kilala si Don Facundo eh ....

Napulot ko lang ang invitation na ito sa daan.

Ikaw, kilala mo ba si Don Facundo ?

Sabihin mo naman , invite niya rin tayo sa swimming party niya he he !

Thursday, March 7, 2013

Pansit Bato

Pinagdalhan kami ng aking pinsan ng isang kilo ng Pansit Bato straight from her Bicolano relatives .

Ito ay isang uri ng pansit na galing sa bayan ng Bato sa Camarines Sur kaya ganito ang tawag sa kaniya .

Mali kayo kung iniisip ninyo na ito ay  gawa sa bato o kaya naman ay may sangkap na bawal na gamot kaya ganito ang katawagan  huh. 

Diumano ay mas malasa at masarap ito kumpara sa ibang klase ng pansit.

At nang niluto na nga ni Mother dear ang bato ni Ding   este pansit na ito , tsarraannnn , heto ang finished product.




Masarap nga at malasa impernes.

Panalo ang lasa at yumminess.

Ibang iba kaysa sa naglipanang mga pansit pansitan diyan he he he.

Try n'yo nang hindi ko kayo mabato .

Wednesday, March 6, 2013

Happy Dentist Day

FROM : JOLLIBEE KIDS WORKSHOP

HAPPY DENTIST DAY

Smiling is a great way to make yourself stand out while helping your body to function better. Smile to improve your health, your stress level, and your attractiveness. Smiling is just one fun way to live longer. (Source: About.com Mark Stibich, Ph.D.)

1. Smiling Makes Us Attractive - We are drawn to people who smile. There is an attraction factor. We want to know a smiling person and figure out what is so good. Frowns, scowls and grimaces all push people away -- but a smile draws them in (avoid these smile aging habits to keep your smile looking great).

2. Smiling Changes Our Mood - Next time you are feeling down, try putting on a smile. There's a good chance your mood will change for the better. Smiling can trick the body into helping you change your mood.

3. Smiling Is Contagious - When someone is smiling they lighten up the room, change the moods of others, and make things happier. A smiling person brings happiness with them. Smile a lot and you will draw people to you.

4. Smiling Relieves Stress - Stress can really show up in our faces. Smiling helps to prevent us from looking tired, worn down, and overwhelmed. When you are stressed, take time to put on a smile. The stress should be reduced and you'll be better able to take action.

5. Smiling Boosts Your Immune System - Smiling helps the immune system to work better. When you smile, immune function improves possibly because you are more relaxed. Prevent the flu and colds by smiling.

6. Smiling Lowers Your Blood Pressure - When you smile, there is a measurable reduction in your blood pressure. Give it a try if you have a blood pressure monitor at home. Sit for a few minutes, take a reading. Then smile for a minute and take another reading while still smiling. Do you notice a difference?

7. Smiling Releases Endorphins, Natural Pain Killers and Serotonin - Studies have shown that smiling releases endorphins, natural pain killers, and serotonin. Together these three make us feel good. Smiling is a natural drug.

8. Smiling Lifts the Face and Makes You Look Younger - The muscles we use to smile lift the face, making a person appear younger. Don't go for a face lift, just try smiling your way through the day -- you'll look younger and feel better.

9. Smiling Makes You Seem Successful - Smiling people appear more confident, are more likely to be promoted, and more likely to be approached. Put on a smile at meetings and appointments and people will react to you differently.

10. Smiling Helps You Stay Positive - Try this test: Smile. Now try to think of something negative without losing the smile. It's hard. When we smile our body is sending the rest of us a message that "Life is Good!" Stay away from depression, stress and worry by smiling.

Wouldn’t it be great if your friends and loved ones also knew about it? Share this to your friends right away! If you have loved it, Im sure they will love it too.

Tuesday, March 5, 2013

At nag-alburuto na naman si Willie ...

At nagalit na naman ang Willieboy dahil sa kaeklatan ng Ethel Boba este Booba at ni Ate Gay  sa programang Wowowillie .

Ito ay nag-ugat diumano dahil sa pag-alma ng dalawang hosts ng show sa pagkapanalo ni Anna Feliciano sa isang game portion ng programa imbes na sila .

Kinuwestiyon diumano ng dalawa sa dressing room si Willie pagkatapos ng laro dahil dito .

May pinapaboran diumano si Willie.

At isa pa sa umano'y ikinagagalit ni Ethel ay ang pagbanggit at patutsada ni Willie tungkol sa suot ni Ethel na " parang katulad ng kay Anne Curtis na sinuot niya sa ASAP show nito . "

Nabastos diumano ng mga fans ni Anne si Ethel dahil dito , whatever .

Kayat galit na lumabas si Willie sa kalagitnaan  ng show at inere ang kaniyang hinanakit at sentimyento sa pangyayari  .

Isinapubliko ang dapat sana ay pribadong pinag-usapan ang gusot between an employer and an employee. Hindi na dapat brinodkas pa .

Sa kabilang banda , may katwiran din naman na maghinanakit ang producer ng show na si Willie dahil nga sa pagbatikos na ginawa ng dalawa . Lalo pa at sasagutin at sisigawan mo nang ganun na lang ang taong nagpapasweldo sa iyo .

Ngunit iyon nga lamang , dapat ay ginawa ang lahat sa likod ng kamera, hindi na kailangan pang ipaliwanag at ipagwagwagan  sa publiko ang lahat ng pangyayari.

Balik tanghali si Willie , balik kontrobersya na naman siya .

Marami pang susunod diyan , wanna bet ?

Dito ang video ng pag-aalburuto ni Willieboy:




Dito naman ang version ni Vice Ganda , siyempre meron he he he:

Monday, March 4, 2013

Chinese restaurant bans Filipinos and ... dogs !

Ano ba namang klase ng utak merun ang may-ari ng isang restaurant sa Beijing , China at malinaw na nakapaskil sa pintuan ng kaniyang kainan ang isang abiso o pasubali na nagbabawal na pumasok sa nasabing establisimyento ang mga Filipino , Vietnamese , Japanese at ang mga .... aso !

Mantakin mo yun , ha ha kalokah .

Marahil may epekto rin dito ang pag-aagawan ng mga bansang nabanggit sa Spratly Group of  Islands na involve din ang kanilang bansa sa pakikipag-agawan base .

Anu't anuman ay wala daw kinalaman dito ang mga mismong opisyal ng bansang China at sariling opinyon at kuro-kuro daw ito ng may-ari ng restaurant.

Oh well , i-ban na din iyang singkit na iyan sa mga bansang nabanggit at huwag palalapitan sa mga aso dahil baka lapain siya he he .




Saturday, March 2, 2013

Sebastian Castro comes out

Nagcome-out na rin ang muy guapo at muy simpatico na si Sebastian Castro .

Nag-spread na ng kaniyang pink wings like a butterfly ang guwapitong hunk na itetchiwa huh.

Coming out of the cocoon ang drama ng bruha.

Kung ganito naman ka-guwapo ang mga beki , di baleng beki to beki na lang ang maging labanan he he he .

Check out his BUBBLE video here :


Friday, March 1, 2013

Anong Nangyari Sa Ating Dalawa ?

Wagi sa katatapos na 5th Himig Handog P-Pop Love Songs festival ng ABS-CBN ang komposisyon ni Jovinor Tan na " Anong Nangyari Sa Ating Dalawa ? " as interpreted by Aiza Seguerra .

Very soulful , heartfelt and full of emotions ang pag-awit dito ni Aiza S . na parang may pinaghuhugutan he he he.

After two heartaches ni Pareng Aiza siyempre naman relate na relate ang ating kapatid sa lyrics ng kantang ito I'm sure.

Congratulations sa mga nagpakulo ng mini songfest na ito  . At ganundin sa mga nagwagi . You all deserve it.

Bravo !

Dito ang video :