Thursday, February 28, 2013

Paalam , Papa Benedict XVI

Ngayong araw na ito  nakatakdang magbitiw at bumaba sa kaniyang tungkulin ang 85 anyos na si Papa Benedict XVI na Joseph Aloisius Ratzinger sa totoong buhay matapos magsilbi ng 8 taon dahil sa katandaan at problema sa sariling kalusugan .

Siya ang panagalawang Papa na nagbitiw sa kaniyang puwesto makaraan ang halos  600 taon na unang ginawa ni Papa Gregory XII nuong taong 1415.

Mabuti pa ang Santo Papa at alam kung hanggang saan lamang siya uubrang gumanap sa iniatang na  mabigat na tungkulin sa kaniya.

Eh ang mga pulitko natin dito sa Pilipinas ay hindi nagbibitiw na kung hindi  pa talaga nakaratay na at hinuhugot na lang ang nalalabing huling hininga ay kapit-tuko pa rin sa puwestong kinasasadlakan .

Lagi na ngang may kaakibat na responsibilidad  ang anumang tungkulin na tinanggap mo at napili mong gampanan .

Subalit kung dumating ang oras na pakiramdam mo ay hindi mo na ito kayang gampanan , mas makakabuting bumitaw ka na at isalin ang pamumuno sa mas bata at mas epektibong makakaganap ng nasabing tungkulin.

Kaya dito kami labis na humanga sa nasabing Santo Papa dahil sa kaniyang selfless act dahil sa pagbibitiw na ito .

Saludo sa iyo ang buong mundo Papa Benedict XVI .

Mabuhay ka and we will  truly miss you !

Samantala , simulan na ang conclave upang pillin ang bagong Papa na mangangalaga sa sambayanang Romano Katoliko .





Wednesday, February 27, 2013

Field Trip tragedies 2013

Sunod sunod ang mga trahedyang naganap kamakailan lamang na may kinalaman sa taunang mga field trips na ginaganap ng ibat - ibang mga eskwelahan sa buong bansa.

Una ay ang pagkamatay ng dalawang estudyante sa Tanay , Rizal dahil sa biglaang pag-dausdos pababa ng tourist bus na sinakyan nila kahit nakahinto at nakaparada na ito . Nagulungan ng bus ang kawawang mga estudyante na sumama lamang dahil sa field trip na taunang pakulo ng kanilang eskwelahan .

At pangalawa ay itong pagkamatay ng 7 katao at pagkasugat ng marami , mga estudyante at mga guro , sa Baguio City kaugnay pa rin ng isang field trip na ginagawa ng kanilang eskwelahan .

Kaya nga dahil dito ay may mga nag-iimbestiga ngayon kung talagang kinakailangan pa ang mga field trips na ito na tila yata kasama na sa kurikulum ng mga estudyante taun-taon.

Obligado kang sumama dahil kung hindi ay tiyak na babagsak ka sa mga grado at marka mo sa eskwelahan.

Sa ganang akin , may pros and cons ang pagsasagawa ng mga field trips ng mga eskwelahang ito sa ating bansa.

Ang benepisyong makukuha dito ay ang  marami kang impormasyon at kaalamang matututunan at mapupulot mula sa nasabing mga  field trips bukod pa sa nakakapasyal ka sa sarili mong bansa at nakakatulong sa turismo natin.

Sa kabilang banda ang hindi naman kagandahang epekto nito ay ang dagdag na pasanin ng mga magulang para sa kabayaran sa taunang ekspedisyong ito  na minsan ay kaakibat ang ganitong mga trahedya na hindi inaasahang dumarating , aksidenteng maituturing ngunit ang iba ay dahil na rin sa kapabayaan ng mga kinontratang tourist agency at ng eskwelahan na rin mismo .

Anu't anuman ay naniniwala akong may responsibilidad dito ang eskwelahang nag-organisa ng ganitong mga events dahil responsibilidad nila na tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyanteng sumasama sa nasabing field trips.

Naalala ko tuloy ang field trip na akin ding sinamahan nuong ako ay nasa high school kung saan ay inabot kami ng bagyo sa daan sa may bandang Laguna .

Mabuti na lang at walang disgrasya at aberyang nangyari sa pagkakataong iyon at ligtas kaming nakauwi sa aming mga tahanan.

 Dahil nga sa pangyayaring ito ay dapat na nating pag-aralan at pagtuunan ng pansin kung paano mas mapapabuti ang kalakarang ito para sa ikauunlad hindi lang ng mga paaralang nag-oorganisa nito  kundi lalo na ng mga estudyanteng sumasama sa mga ganitong aktibidades  .

Nakikiramay po ang espasyong ito sa mga naulila dulot ng nasabing mga trahedya .

Dito ang mga balita :













Tuesday, February 26, 2013

Harlem Shake

Gangnam Style is out , Harlem Shake is in !

Everybody seems to be doing this crazy dance moves .

Napakadali naman kasing isayaw at igiling , kahit walang choreographer , puwede he he he.

Ito na ang dance moves para sa mga parehong kaliwa ang paa.

Gumiling giling , kumembot kembot at iwagwag mo lang ang iyong mga kamay at paa na parang baliw , daig mo pa si Totoy Bibo sa " galing mong sumayaw at bibong bibo gumalaw " .

Samahan pa ng mga nakakalokang mga out of this world costumes , presto , instant meme artist ka na .

At lahat ng ito ay gawin mo sa saliw ng kantang Harlem Shake ng Baauer .

Salamat sa  sinumang nag-upload ng naging viral meme na ito sa Youtube dahil nakalikha siya ng isang instant dance craze na kayang isayaw ng kahit na sino ha ha ha ha .

Panuorin ang naglipanang mga versions dito :








Monday, February 25, 2013

PLDT myDSL’s best commercial for me is…

Tingnan mo nga naman at nakakaapat na installment  na pala ang  PLDT myDSL Anna Banana series of commercials .

Una ay ang Derek’s Anna Banana Song kung saan ay ipinakita na handang  sumuporta ang isang mapagmahal na ina sa kaniyang anak sa pamamagitan ng paulit-ulit na pag-click sa video na inupload nito  upang umabot sa sandaang hits ang nasabing video.

Heto ang nasabing kauna-unahang comercial :



Pangalawa ay ang  Derek Got Busted kung saan naman ay naitsa - pwera ang ating bidang si Derek Lorenzo ng kaniyang pinapantasyang babae na si Anna Banana . But Derek would not worry because he knows his family is always there to support him .

Dito ang pangalawang installment ng commercial :



Pangatlo ay ang Aria Is The New Anna Banana kung saan naman ay ipinakilala ang bagong Anna Banana sa katauhan ni  Aria na siya ngayong kinagigiliwan ng ating bidang si Derek Lorenzo. Aria Carino is the new apple of the eye ng cute nating bida na si Derek . Siyempre naman , nasa likod pa rin niya ang kaniyang ever supportive na Lorenzo Family .

Dito ang pangatlong installment ng commercial :



At ang pang-apat naman ay ang Booster, the Lost Dog kung saan naman nakilala natin ang aso ng mga Lorenzo na si Booster na nawala subalit natagpuan kapiling ng kaniyang pinakamamahal na pamilya.

Dito naman ang pang-apat na installment:



Sa nasabing apat na commercial installments ay pinakapaborito ko siyempre ang unang unang patalastas kung saan ipinakilala  sa atin ang cute na batang si Derek Lorenzo na super like ng kaniyang butihin at very supportive na mother na handang gawin ang lahat para sa kaniyang mahal na anak . Dito rin natin unang naring ang awiting Anna Banana na nagustuhan ng marami.  Kaya naman super like ko din ang patalastas na ito .

At dahil diyan ay  inaanyayahan kayo ng PLDT  myDSL na mag-subscribe sa nasabing mga video commercials ng PLDT  myDSL  nang sa gayon ay lagi kayong maging updated sa mga pangyayari sa buhay ng Lorenzo Family .

Beacuse “ Your home deserves unlimited sharing from the strong, reliable, family sized connection of myDSL. The strongest connections are at home, so visit www.pldthome.com to get your family connected today!




Sunday, February 24, 2013

Philippines' Best Comic Duo

Naaliw naman ako sa picturakang itetch na napulot ko mula sa Kami Ang Batang 90's Facebook page .

Kilala n'yo ba sila lahat ?

Kung hindi ay hayaan ninyong ipakilala ko sila sa inyo he he he

From left to right : Pugo and Tugo , Dolphy and Panchito , Reycards Duet  , Porkchop Duo , Redford White and Eric Quizon , Jose Manalo and Wally Bayola , Ariel and Maverick , Moymoy Palaboy

I wonder  where's Joey De Leon and Rene Requiestas ?

Saturday, February 23, 2013

Baby Gangnam Style

Share ko lang itong video from Khij Briones tungkol sa isang cute baby na gumigiling sa awiting pinauso ni Korean rapper Psy na Gangnam Style .

Ang cute lang , nakakatuwa , pang alis ng pagod , tensyon at stress he he he .

Watch n'yo dito ,dali :





Thursday, February 21, 2013

Meteor hits Russia

Parang eksena lang sa pelikula.

Isang bulalakaw ang sumalpok at rumagasa sa isang matao at pampublikong  lugar sa bansang Russia na nagresulta sa pagkakasugat ng libu-libong katao at pagkawasak ng ilang mga gusali at kabahayan sa Chelyabinsk , Russia nitong February 15 , 2013 .

Posible pala talaga ano na tamaan tayo ng isang ligaw na bulalakaw nang hindi natin namamalayan huh.

At kasabay pa kinabukasan naman ang paglapit sa orbit ng Earth ng isa pang higanteng Asteroid 2012 DA14 na dumaan malapit na malapit sa ating planeta .




Konting  konti na  lang at madadaplisan at directly ay masasapul tayo ng dyaskeng asteroid na iyan na nagliliwaliw sa kalawakan hmmppp!

Kakatakot naman .

End of the world na nga ba !

Lord , huwag po muna !

Bigyan mo pa kami ng mahabang oras pa para magbago .

Amen !

Video here :


Wednesday, February 20, 2013

Pink featuring Nate Ruess - Just Give Me A Reason



Dahil sa kaibigang Clifford Esteban ay nagustuhan ko na din ang kantang ito ni
Pink featuring Nate Ruess ( of FUN ) entitled Just Give Me A Reason .

Swak ang collaboration ng dalawang hitad.


Ang galing ng blending ng boses ng dalawa .

Puwedeng pang emote emote he he .

Dito ang video :


Tuesday, February 19, 2013

The Cutest Valentine’s Surprise

Bilang love month pa rin naman ngayon ng Pebrero , share ko lang itong cute video from Nuffnang starring Jacobo aka “The Heartbreak Kid”

From Nuffnang's own words :

What do you get when you take one of the cutest kids in the country and set him loose in a mall with dozens of red roses? 

GRNMNGO teamed up with SM Supermalls to figure out just that and the result was this timely and irresistibly adorable video which is bound to get a lot of shares this Valentine's.

Monday, February 18, 2013

SEXY BOYS GO BARE FOR HIV AWARENESS


A press release from a friend , MIGS of the MANILA GAY GUY :





PRESS RELEASE
Reference:
Mr. Toots Tolentino
0947-2985003

SEXY BOYS GO BARE FOR HIV AWARENESS


HIP ADVOCACY

Love Yourself, the country's fastest-growing HIV advocacy group with more than 200 trained volunteers, has launched its 2013 visual campaign dubbed ‘Project Indulge’ in collaboration with advertising agency Campaigns and Grey, and photographer Jeanne Young.

Project Indulge’ – a first-of-its-kind campaign, features provocative yet tasteful imagery coupled with insightful, witty ‘matter-of-fact’ copy that departs from the usual fear tactics of HIV awareness campaigns. It suggests that people include regular HIV testing as part of their personal grooming routine to stay healthy and sexy.

We have to break away from ‘fear’ since it prevents sexually-active individuals to go for HIV testing which is why we help avoid the stigma behind it through awareness, education and counseling. And based on the results, we believe it is working,” says Chris Lagman, Director for Counseling and Education for Love Yourself. “Love Yourself has reach 2.5 million online -- 2,253 of which were tested. Assistance for treatment were given to the 404 who tested positive.”

           Kit Guerra, Carlito Rosadino Jr and Jeremy Favia. So, what do these boys have in common? Their individual and unique sexiness and their willingness to take their shirts off to help the cause of Love Yourself.

Kit Guerra has been with the local rugby team, the Volcanoes, as a flanker for around 6 years now. He has modelled for Bench underwear in the controversial calendar and billboard shoot that featured the rugby team’s players. A graduate of Boston University with a major in Advertising, he has started working for Campaigns and Grey. CrossFit training is part of his routine almost twice a day to keep fit and prepare to compete in the 2013 CrossFit Games in June 2013. No, unfortunately he is straight and attached, with a 4-year long girlfriend based in Seattle. He has made it a habit to go for HIV screening regularly. This is his first chance to help out with the advocacy. “There is no need to be scared [about getting tested for HIV]. You get support every step of the way,” he says.

Carlito Rosadino Jr. is the current Mr. Gay World Philippines title holder, and has been an avid supporter of The Love Yourself, joining the advocacy in several events including last year’s Pride March in Makati. He is a trained contemporary, lyrical, folk and jazz dancer from the University of the Philippines where he was part of the UP FIlipiniana Dance Troupe, and after graduation, he has performed professionally for a number of local shows. He is currently in Dubai to pursue new opportunities. But before leaving, he obliged to help The Love Yourself Project this time by being part of this campaign.

Jeremy Favia is best known as a celebrity chef on TV5, with his shows “Chef vs. Mom” (awarded Best Lifestyle Programme category in the Asian TV Awards) and “Take-Out.” He claims to be a shy person in reality, but somehow landed a career in TV when he was urged by friends to audition for “Ka-Toque” at QTV 11. With “Take-Out” he gets to go around trying out unusual local fare, then prepares his own recipe take from his gastronomic experiences. Currently single, he says if he were to find someone special, “dapat mabait sya, maasikaso. Yung physical, bonus na lang yun. Age doesn’t matter. Number lang ‘yon.” He has friends who have admitted they were HIV positive, and he himself gets tested regularly. Chef Jeremy has this message for sexually-active people, “If you love yourself, get tested regularly.”


SEXY SERVICES

Love Yourself is also beefing up its efforts to roll out their new services, like the "ultra-discreet" and "ultra-premium" HIV testing service in Makati Central Business District called, "Love Yourself Platinum" (go.loveyourself.ph/platinum). The advocacy is also expanding soon in other key cities which includes Pasay, Cebu and in Angeles, Pampanga.

You can also visit the LoveYourself Hub (facebook.com/LoveYourselfHub), a Malate-based clinic open for testing from Thursdays to Mondays all year round.

Upcoming schedules will include FREE HIV Testing events in Cebu on February 23 and in Manila on March 10. Interested individuals may visit go.LoveYourself.ph/Cebu and go.LoveYourself.ph/Manila for details.



Carlito Rosadino Junior


Jeremy Favia

Kit Guerra



Sunday, February 17, 2013

Top 250 Greatest New Wave Songs - from Hubpages

Ire-repost / republish ko lang itong article from Hubpages website about the Top 250 New Wave Songs from the 1980s.

 Isa akong New Wave baby kaya naman nakaka-relate ako sa article na ito . Karamihan sa mga songs na nakalista dito ay alam ko at paborito ko :

Read about it on this link :



Saturday, February 16, 2013

Lost in translation

FROM: NELSON MORTIFERO
PEDRO: Pareng Juan, paki-translate naman itong sulat galing kay Samantha, penpal ko sa US. Hindi ko maintindihan yung sulat, English kasi eh. Paki-translate lang. Babasahin ko na.
JUAN: OK. Walang problema!
PEDRO: My dearest Pedro.
JUAN: Ikaw 'yun.
PEDRO: Oo ako 'yun. How I long for your arms.
JUAN: Paano daw humaba 'yung braso mo?
PEDRO: Hindi naman mahaba 'yung braso ko ah.
JUAN: Eh hindi ko alam, 'yun 'yung tanong niya.
PEDRO: The first time I saw your picture, I felt happy.
JUAN: Nilagare daw niya 'yung litrato mo. Natuwa daw siya nung nilagare niya.
PEDRO: Baket naman? You have beautiful eyes.
JUAN: Pangbabae daw 'yung mata mo. Ayaw siguro sa pangbabaeng mata kaya niya nilagare.
PEDRO: Eh bakit kailangan pang lagariin? Puwede namang guntingin na lang. I lost your picture last week.
JUAN: Winala daw niya 'yung picture.
PEDRO: Sana isinoli na lang niya! But I felt glad when I saw it again.
JUAN: Natuwa daw siya nung nilagare niya ulit 'yung picture.
PEDRO: Akala ko ba winala niya?
JUAN: Oo nga. Hindi ko din alam.
PEDRO: Even though you wrote me in Filipino, and I didn't understand your letter, I appreciate the thought.
JUAN: Kahit Filipino ka daw at hindi siya marunong magbasa, natutuwa siya na nag-iisip ka.
PEDRO: Hindi siya marunong magbasa? Tingin niya sa mga Pilipino, hindi nag-iisip?
JUAN: Siguro.
PEDRO: I hope you can send me more pictures.
JUAN: Padalhan mo daw siya ng litrato ng sigarilyo.
PEDRO: Baket?
JUAN: Ewan ko. Yung "More" daw.
PEDRO: Puwede naman ang Champion bakit More pa! I'm sure you won't mind? :)
JUAN: Sigurado daw siyang hindi ka nag-iisip. May smile pa.
PEDRO: Loko pala yan eh!
JUAN: Oo nga.
PEDRO: Pards, paki-sulatan nga. Sabihin mo lang na hindi ko na babasahin ang mga sulat niya. At hindi na din ako magsusulat sa kaniya! At paalam na sa kaniya!
JUAN: Sige sige... Eto na tapos na!!!! ("Dear Samantha, I am no read, no write." )

Friday, February 15, 2013

Usapang Suso

Overheard from a Store Tambayan :

Manong 1 : Ang mga babae talaga hindi ko maintindihan .

Manong 2: O eh bakit naman?

Manong 1 : Eh kasi kapag bata o dalaga pa lang at maganda pa ang hubog nang kanilang mga suso ay pilit na itinatago at hindi ipinapakita .

Manong 2: O eh ano naman ngayon ang problema duon?

Manong 1: Aba at kung kelan naman tumanda na at losyang ay saka naman ibinubuyangyang at ibinabalandra ang mga susong lawlaw na at puro kamot kahit sa harap pa ng publiko . Minsan nga kahit sa loob ng jeep ay inilalabas pa , mapasuso lamang ang mga inakay nila .

Manong 2: Sabagay may punto ka diyan sa obserbasyon mo . Hindi kaya exhibitionist ang mga iyon ?

At natawa na lang ako he he he he...  

Thursday, February 14, 2013

Recipe For Love ( Valentines Day 2013 )

At dahil nganga ang aking Valentines Day para sa taong ito ng 2013 at miyembro din ako ng SMP
( Samahang Malamig ang Pebrero ) at SMB ( Samahang Malamig ang Balentayms ) , share ko na lang itong image from my cousin Yolly Briones Dayaday ( na sure akong hindi malamig ang Balentayms he he he ) para sa araw na ito ng mga puso at puson he he he : A recipe for LOVE

Wednesday, February 13, 2013

Tuesday, February 12, 2013

ICE FOR SALE

Isang bahay ang may nakasulat na “ ICE FOR SALE ”

BATA: " Pabili! "
YAYA: " Ano bibilhin mo? "
BATA: " Kendi nga po. "
YAYA: " Wala. "
BATA: " Coke "
YAYA: " Wala! "
BATA: " Juice "
YAYA: " Wala nga! Kita mong "Ice for sale" yung nakasulat, malamang ice lang ang itinitinda namin 'di ba??!! Ang tanga mo talaga! "

BATA: " Ikaw nga yung mas tanga kita mong ice lang itinitinda ninyo nagtatanong ka pa kung anong bibilhin ko. Sino sa atin ang mas tanga??!!

Oo nga naman ... ha ha ha

Sunday, February 10, 2013

Kung Hei Fat Choi 2013

FROM : JOLLIBEE KIDS WORKSHOP

Chinese New Year is considered to be the most important festival for Filipino-Chinese in the Philippines. In 2012, it was the first time that Chinese New Year was declared a special non-working holiday throughout the country. Chinese New Year is the longest and most important festival in the Chinese calendar. The origin of Chinese New Year is itself centuries old and gains significance because of several myths and traditions.

Good Luck Foods for Chinese New Year
While the Western New Year is more about drinking, the Chinese New Year is an opportunity to honor family and friends, and to enjoy some culinary traditions.

Tangerines and Oranges.
Displaying and eating these fruits is said to bring wealth and luck. According to the Chinese Culture Center of San Francisco, the tradition stems from the way the Chinese words for gold and orangesound alike, while the word for tangerine echoes luck. “It’s good if they have leaves,” adds Lum, “because leaves symbolize longevity.” But don’t group them in fours, because, Dunlop says, this number is associated with death.

Long Noodles.
If noodles are served, then “keep them as long as possible for long life,” says Lum.

The Tray of Togetherness.
Put out for visiting rela tives to snack on, or given as a gift, the eight (“a traditionally symbolic lucky number,” explains Dunlop) compartments of the tray are filled with things such as preserved kumquats for prosperity, coconut for togetherness, longans to bring many sons, and red melon seeds for happiness.

Nian Gao.
“Nian gao means year cake, but gao sounds the same as the word for tall or high,” says Dunlop. Hence the cakes symbolize achieving new heights in the coming year. The steamed sweets are made of glutinous rice flour, brown sugar, and oil. Some versions have white sesame seeds, red dates, or nuts in them (the dates are said to bring “early prosperity,” writes Gong in Good Luck Life).

Pomelo.
This large citrus fruit is popular, writes Gong, because it is thought to bring “continuous prosperity and status.” The tradition comes from the way the Cantonese phrase for pomelo sounds similar to the words forprosperity and status, explains Lum.

Long Leafy Greens and Long Beans.
Gong writes that leafy greens, such as Chinese broccoli, are “served whole to wish a long life for parents.”

Whole Fish.
The Chinese word for fish sounds like the word for abundance, says Lum. It’s important that the fish is served with the head and tail intact, writes Gong, “to ensure a good start and finish and to avoid bad luck throughout the year.”

Sweets.
Serving desserts brings a sweet life in the new year. Gong writes that a childhood favorite was the flaky cookie pockets called gok jai, filled with peanuts, coconut, and sesame.

Wouldn’t it be great if your friends and loved ones also knew about it? Share this to your friends right away! If you have loved it, Im sure they will love it too…

Saturday, February 9, 2013

sibuyas lang ang gulay na nakapagpapaiyak ?

FROM : KRAM NIVREK NAHC

SABI NG KAIBIGAN KO , SIBUYAS LANG DAW ANG GULAY NA NAKAPAGPAPAIYAK .

POTAH!
BINATO KO NGA NG KALABASA ,
IYAK SIYA EH.
 
HAHAHAHAHA !

Friday, February 8, 2013

funny lips

FROM : Kreeshia Charmaine Uy

so funny ... so cute to kiss  

Thursday, February 7, 2013

Apat Na Uri Ng Pala-utot

FROM : JAYSON CAOILI

Apat na uri ng pala-utot:



1. MAPAGKUNWARI - Uutot ng tahimik at pagkatapos 

ay aastang inosente,mambibintang pa!



2. MAHIYAIN - Uutot ng mahina tapos ngingiti.



3. MAYABANG - Uutot ng malakas, tapos parang 

balewala sa kaniya na narinig ng lahat ang utot niya!


4. MALAS - Susubukang umutot pero tae ang lumabas.



Hahahaha 

Wednesday, February 6, 2013

LAGING MALUNGKOT

Heard from a preacher:

Isang araw ay nagkasalubong ang dalawang magkumpare:

Kumpare 1: " Pare mukhang malungkot ka.
Kumpare 2 : " Oo pare malungkot talaga ako.
Kumpare 1: " O  bakit naman . Anong nangyari ba ?
Kumpare 2: " Eh kasi namatay yung tito ko . Tapos pinamanahan ako ng isang milyon lang ."
Kumpare 1: "Ganun . Malungkot ka pa ng lagay na iyan ha ."

Isang araw , ay muling nagkasalubong ang dalawang magkumpare:  

Kumpare 1: "Oh pare , malungkot ka na naman. Parang pinagsakluban ka ng langit at lupa."
Kumpare 2 : "  Oo pare , ganun na nga."
Kumpare 1: " Eh bakit ano naman ang problema ngayon ?"
Kumpare 2: " Eh kasi namatay naman yung lolo ko nuong isang araw . At pagkatapos ay pinamanahan ako ng dalawang milyon lang pare." 
Kumpare 1: " Wow ha . Hebigat ka pare." 

At muli , sa pangatlong pagkakataon ay muling 
nagkita ang magkumpare :  

Kumpare 1: " Oh pare , sambakol na naman ang mukha mo . Ano na naman ang problema mo? Huwag mong sabihing may namatay na naman at pinamanahan ka ng milyon milyon ? "
Kumpare 2: " Iyon na nga ang problema pare ."
Kumpare 1: " Problema ang ano ?"
Kumpare 2: " Wala pa kasing namamatay sa mga kamag -anak ko . "

Ha ha ha , wagas!


Tuesday, February 5, 2013

" ANG MAHALAGA AY TANGGAP MO ANG SARILI MO "




" HINDI NA MAHALAGA KUNG TANGGAP KA NILA .

  ANG MAHALAGA AY TANGGAP MO ANG SARILI MO "

                                                                         DAVID

                            BIMPO EPISODE
                                                                          
   MAALA-ALA MO KAYA
       ABS CBN JANUARY 12 , 2013

Monday, February 4, 2013

Rocco Nacino and Lovi Poe's controversial sexy opening number in Party Pilipinas

Nanganganib na patawan ng suspension ng MTRCB ang programang Party Pilipinas ng GMA 7 dahil sa isang opening number nito which aired last January 27 involving Rocco Nacino and the late FPJ's rebel daughter Lovi Poe in an opening production number doing some sleazy and sexy bedscene .

Ayon sa mga nagrereklamo ay marami daw kasing batang nakapanuod ng suggestively sexy bedscene na ito kung saan ay katanghaliang tapat ito ipinalabas on national television .

Eh bakit ninyo kasi  pinapanuod ang mga anak ninyo ng ganiyan in the first place he he he.

In the meantime , ano kayang masasabi ni Da King FPJ tungkol dito sa anak niyang si Lovi kung nabubuhay pa siya ? Papayagan  kaya niya ang ganitong eksena ? Ipapagamit pa kaya niya ang apelyidong Poe para sa kaniyang hija ?

Remember na umalagwa  at nagwala lang ang career ni Lovie simula nung mamatay na si Da King !

Hmmmm , nagtatanong lang naman po he he he.

Dito ang kontrobersyal na video :


Sunday, February 3, 2013

Paluwagan

Ngayon lang ako nakasali sa isang paluwagan .

Ito yung investment scheme kung saan ay obligado kayong maghulog ng certain amount every week and then sa appointed date and time ay sasahod ka depende sa kung ilan kayong kasali sa isang grupo at kung magkano ang perang ihuhulog kada linggo.



Inalok kasi ako ng aking kapitbahay kaya hindi na ako nakatanggi .

At least ma-experience ko man lang , wala namang mawawala .

Huwag lang magdi-disappearing act ang aking mga kagrupo.

Kundi ay siguradong tapos ang maliligayang araw ko he he.

Hindi bale , may assurance naman mula sa lider ng grupo .

Siya daw ang bahala in case na may aberyang mangyari.

Hayyyzz , sana nga.

Sa April 15 pa ang due date ko .

At pang - labing lima daw ako na sasahod.

Ng 10,500.00 .

Pwede na .

Pang-rampa he he he.

Smile !




Saturday, February 2, 2013

my dog's all black nails

Is it unusual for a dog to have all of his nails colored black .

Because all of the twenty nails of my dog are colored black .

None of it had a tint even a fraction of whiteness in it .

I find it kinda weird . Is it ?

Well , tulad din ng kaniyang amo na weird he he he.









Friday, February 1, 2013