TRAVELBOOK NOW!

Saturday, December 7, 2013

Wickedmouth : Unang Putok - Glentot

Naka-getsing ako ng copy of the book Wickedmouth : Unang Putok ni Glentot from him personally.

At salamat sa matiyagang pag-escort ni Binibining Melanie na talagang sinamahan pa ako all the way to Trinoma to meet Glentot there.

At sa wakas ay isa ako sa mga naunang nakakuha ng kopya from him , complete with his autograph and dedication ; )

At sa bahay ko na pinagpiyestahan ang laman ng naturang libro.

For me it is worth buying and reading at the same time.

Sulit na sulit ang ROI nang ibinayad mo dahil sa ganda ng book.

Para kang nag-invest sa isang negosyo na triple ang balik sa iyo na kita dahil sa dami ng mapupulot mong impormasyon , kaalaman , tuwa , inspirasyon at aral mula dito.

Hindi ka aantukin pramis , habang binabasa mo ang libro .

At hindi ka magi-skip read dahil talagang kapana-panabik ang bawat chapter o kabanata.

Impormasyon - na ang romantic comedy movie na The Human Centipede ay tunay na nakaka-in love .

Kaalaman - na may pelikula pala si Leonardo Di Caprio na pinamagatang Total Eclipse.

Tuwa -sabi ni Lola Siony " grabe ang pagkakasaksak sa taong ito , tumalsik ang dugo hanggang dito sa kurtina " . Pagtingin ko sa kurtina , hugis bulaklak ang talsik ng dugo. May floral pattern ang kurtina.

Inspirasyon - sumali ka lang ng sumali sa mga amateur singing contest at mananalo ka rin , tulad ni Khikhi na nagwagi bilang grand champion sa pag-awit ng Luha by Aegis . Ang premyo niya , isang litrong Coke.

Aral - kapag may nagsabi sa iyo ng password nila , tandaan mo , tapos pakialaman mo ang account nila hanggang sa masira ang buhay nila .

Oh debah naman .

Iyan ang mga mapupulot mo mula sa librong ito .

Kaya bili na sa suki ninyong Bookstore.

I am sure , matapos ninyo itong mabasa ay you will definitely ask for the next chapter in a series he he !

Take it from a seasoned writer daw like me ( sabi iyan ni Glentot , hindi ako , walang kokontra ha ha ha )

Oh ano pa , bili na !
 



2 comments:

  1. tama sobrang sulit ang pagbili mo ng libro ng sir glen... yung sa NBS nga eh ang bilis maubos hahah...

    ReplyDelete