TRAVELBOOK NOW!

Saturday, December 14, 2013

Riverbanks Center Marikina

Ibang iba na ang Barangka Marikina na dating kilala ko.

Wala na ang UTEX ( Universal Textile Mills ) na malaking pabrika ng tela na malapit sa aming dating tirahan dito at kung saan marami sa aming mga kabarangay ang ineempleyo nito .

Nagkaruon pa ito dati ng team sa PBA.

Naging Riverbanks Mall na ito.

Ang dating talahibang ginagawa pa naming playground nuon ay tinayuan na ng malaking SM City Mall.

Ang dating maputik at maburak na ilog ng Marikina ay sementado na ngayon ang banks. At medyo malinis na rin !

Simula nang mapaalis kami sa lugar na ito isa't kalahating dekada na ang nakararaan , malaki na ang inimprove ng lugar na ito na dati ay madumi , mabasura , maalikabok , madaling bahain , maputik at maraming iskwater na tulad namin !

Heto na siya ngayon !












 

2 comments:

  1. Sayang wala na yung dampa malapit sa Riverbanks, yung puro inihaw, etc ang tinda, ang saya pa naman kumain dun :)

    ReplyDelete
  2. Hello Zai , salamat sa pagdaan ... alam ko yung sinasabi mo ... nawala na nga iyon kasi na-Ondoy eh ... masarap nga yung mga food duon dati ..

    ReplyDelete