TRAVELBOOK NOW!

Monday, December 2, 2013

R.I.P. Paul Walker

Biglaang pumanaw ang isa sa hinahangaan kong Hollywood actor in the person of Paul Walker.

Nagsimulang makilala dahil sa car racing film series na The Fast And The Furious , pumailanlang ang kaniyang maningning na karera sa ilan pang mga pelikula katulad ng Eight Below , Into The Blue , Timeline , Takers , Flags Of Our Fathers at marami pang iba .

Diumano ay sakay siya ng isang pangarerang sasakyan na Porsche Carrera GT at minamaneho ng kaniyang kaibigan na si Roger Rodas nang sila ay bumangga sa isang poste at puno at nagsimulang umapoy ang nasabing sasakyan.

Tila ang tema na tinatalakay sa pumatok niyang pelikula tungkol sa mga kotseng pangarera ang naging mitsa rin ng kaniyang buhay.

Ang isa pang nakakalungkot , ay nangyari daw ang lahat nang ito habang sila ay patungo para sa isang relief effort para sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda .

Hayzzz , kakalungkot talaga.

May your beautiful soul rest in peace , our brave race finisher .


No comments:

Post a Comment