TRAVELBOOK NOW!

Sunday, December 1, 2013

Pacman versus Taxma'm

It's the Taxmom versus the Pacman.

Sa ganang akin , wala namang dapat pagtalunan .

Kung hindi nakakapagbayad nang maayos sa mga buwis ay singilin nang maayos , hindi na kailangang ipangalandakan pa.

Baka naman nakalimutan lang o kaya ay nagkamali sa pag-audit ng mga kailangang bayarang tax obligations.

O baka naman , palpak lang ang mga napiling gumawa ng accounting para sa kaniyang mga tax payments.

Sa panig naman ng pamahalaan , huwag na sananag makipagmatigasan din ang kampo ni Manny sa gobyerno kung isyu ng buwis ang pag-uusapan . Tungkulin lang ito ng pamahalan na habulin ang mga delingkwenteng magbayad ng karampatang buwis para sa kaban ng yaman . Sabihin na lang na liliwanagin nila kung ano ang talagang nangyari kung bakit umabot sa ganito ang lahat . At magbabayad ng tamang buwis kung kinakailangan at may malamang pagkukulang ang nasa kanilang panig.

Tapos ang isyu!

At any rate ,puwede namang daanin na lang sa sulat ang lahat 'di ba para mas discreet, hindi iyong kailangan pang ipagbanduhan sa media ang lahat lahat .

Nalaman tuloy ng sambayanan kung gaano kalaki ang asset ni Manny Pacquiao , baka ma-kidnap pa iyan he he .

At nabunyag din kung gaano kalaki ang puwedeng makurakot ng mga buwaya at buwitre sa pamahalaan at mapunta lang sa kung saan ang ganiyan kalaking perang ibabayad na buwis huh!

Naglalaway na tuloy ang ilan diyang mga gahaman .

Yun na !



1 comment:

  1. You are right. Mahirap talaga pag pera na usapan:(
    Anyway, smile and be merry. Soon it is Christmas:)

    ReplyDelete