TRAVELBOOK NOW!

Monday, December 23, 2013

LazerXtreme

Sa kagandahang loob ng ating mga kaibigan sa LazerXtreme located in Market Market Mall in Fort Bonifacio ay nagtungo kami ruon bitbit ang aking dalawang pamangkin upang ito ay subukan.

Hindi naman kami nabigo dahil it exceeds our expectations about the game.

Ang LazerXtreme ay isang games na nilalaro sa isang maze ng ilang mga grupo na mag-uunahang magbarilan  sa pamamagitan ng pag-asinta ng laser  guns sa bawat kalaban.

Kailangan ay may sarili kang istratehiya at taktika upang maungusan o maunahan mo sa barilan ang kalabang grupo .

Usually ay may tatlong grupo ang binubuo sa loob ng maze na ang game proper ay kadalasang tumatagal ng 15 minuto.

Kasama ang 5 minutong game orientation and briefing  , bale 20 minuto ang gugugulin mo sa loob ng maze para sa mababang rental fee lamang.

At paglabas ng dalawang tsikiting mula sa kanilang paglalaro , wala silang ibang nasabi kundi : HOW EXCITING TITO ! ANG SARAP ULITIN ! he he he.

Nasa ibabang larawan ang ibang mga detalye tungkol sa laro:








2 comments:

  1. Super saya nito lalo na kapag maramihan kayo. Kaso uber nakakapagod din. Kahit 15 minutes pa lang, nakakahingal kabayo na. :P

    ReplyDelete
  2. Hi GG , oo nga super saya dito ... sana maulit muli courtesy of LazerXtreme ulit he he he ..

    ReplyDelete