Wednesday, November 13, 2013

Super Typhoon Yolanda

Isa na namang kalamidad ang sumapol sa ating kawawang bansa  na batbat na ng mga trahedya.

Hindi pa nga halos tayo nakakabangon mula sa malupit na epekto ng mga nagdaang sakuna sa ating bansa ngayong taong ito katulad ng Bagyong Santi sa Hilagang Luzon at ang magnitude 7 earthquake sa Bohol ay ito namang Super Typhoon Yolanda ( international name : Typhoon Haiyan ) ang sumapol at humagupit sa ating kalupaan.

May hangin na humigit kumulang sa 300 kph malapit sa gitna , ito ay unang lumapag sa kalupaan sa Guiuan , Eastern Samar ng bandnag alas 4 ng madaling araw ng Nobyembre 7 .

At matapos ito ay nagtuloy-tuloy na ang kaniyang pananalasa at tumawid sa halos buong Visayas region hanggang sa tuluyang lumabas malapit sa Palawan ng hapon ng Nobyembre 8.

At matapos tumila ang hangin at ulang dala ng bagyo ay saka bumulaga ang kahindik-hindik na resulta ng iniwang pinsala ng nasabing bagyo.

Halos binayo ang humigit kumulang sa 23 probinsya sa Southern Luzon , Visayas Region at Northern Mindanao at pinakamatinding naapektuhan ay ang mga isla ng Leyte at Samar.

Ayon sa unofficial statistics ay hindi kukulangin sa 10,000 ang pinaniniwalaang namatay dahil sa trahedyang ito .

At milyun-milyon ang nawasak na mga tahanan , ari-arian at imprastraktura dahil sa bagyo.

May mga ulat din na ito daw ang pinakamalakas na bagyong tumama sa kalupaan sa kasaysayan ng buong mundo!

Agg tanging konsolasyon natin , kung konsolasyon nga itong maituturing , mula sa  trahedyang ito ay hindi ito dumaan malapit sa Metro Manila at mga karatig probinsya.

Kung nagkataon ay siguradong total destruction ang aabutin ng mga Manilenyo.

Sa panahong ganito ay ating i-extend ang ating mga kamay ng pagtulong at pagsagip para sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyo.

At this time of grief and sadness , only our faith in God can comfort us !



















2 comments:

  1. kelan nga kaya matatapos ang mga kalamidad na ito... sana meron maisep ang gobyerno para maging handa ang mga tao next time... asa pa...

    ReplyDelete
  2. Thank you Richard for visiting this site ... God bless us !

    ReplyDelete