Sunday, November 24, 2013

Pork Barrel is illegal says Supreme Court !

It's final !

The verdict has come as Supreme Court issued a ruling : P(residential D(evelopment) A(ssistance) F(und) is unconstitutional in all its substances and forms !

At kasunod ang utos na kasuhan at papanagutin sa batas ang mga taong nakinabang at nagsamantala sa Pork Barrel fund na ito !

Kailangang gumulong ang palakol at tigpasin ang ulo ng mga matitigas at makakapal na mga buwakaw sa pamahalaan !

Sa umpisa pa lang pala ay ilegal na ay bakit pinalawig at pinatagal pa ang pag-iimplementa niyan .

Kung kailan halos nasaid na at naubos ang kabang-yaman ng taumbayan dahil sa pag-iimbot at kapritso ng iilang suwapang at gahaman !

Kung nuon pa man ay sinupil na ito agad agad sa umpisa pa lamang , eh di sana'y walang Janet Lim Napoles na umusbong at pumailanlang upang huthutin at kamkamin  ang pera ng taumbayan at ipamahagi sa mga buktot at walang pusong mga diyablong mambabatas na iyan huh !


Nakakairita lang !

Tama na ang kababuyan !


No comments:

Post a Comment