Tuesday, November 12, 2013

Double Victory : Congratulations Ariella Arida and Nonito Donaire Junior

Our warmest congratulations to the two Filipinos who contributed two more prides to the brown race .

Una ay ang pag-emerge ni Ariella Hernandez " Ara " Arida bilang 3rd runner-up ( 4th place )  sa katatapos na 62nd Miss Universe 2013 na idinaos sa Moscow , Russia.

Aba at 4 years in a row na tayong nakakapasok sa Top 5 ng patimpalak na ito at muntikan na nga natin itong masungkit via last year's Miss Universe 2012  nang maging second best  si Janine Tugonon laban kay Olivia Culpo ng Amerika huh !

Kung hindi nga lang nanaig ang American appeal at hometown decision ng karamihan sa mga judges ay siguradong tayo ang tiyak na mag-uuwi ng mailap na koronang ito .

Nagsimula ang lahat nang maging  4th runner-up si Venus Raj para sa Miss Universe 2010 at itinuloy ni Shamcey Supsup ang winning streak nang ito naman ang tanghaling 3rd runner-up  sa Miss Universe 2011 .

Bet ko rin ang answer ni Ara sa question na may kinalaman sa  edukasyon bilang siyang " ticket for a better future "

May tama ka ate !

Pero hindi rin , sabi ni Janet Lim Napoles !

Eh bakit si Janet Lim Napoles , kahit na walang pinag-aralan ay yumaman at naging milyonaryo pa huh!

At pangalawa ay ito namang si Nonito " The Filipino Flash " Donaire Junior na nanalo via knock-out in the 9th round laban kay Vic Darchinyan ng Armenia.

Parehong inialay ng dalawang Pilipinong mananagumpay ang kanilang panalo sa mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda sa Pilipinas.

Mabuhay ang mga Pilipino !

1 comment:

  1. Yes! Mabuhay sa mga pinoy:)
    Thanks for dropping by in my blog; )

    ReplyDelete