TRAVELBOOK NOW!

Sunday, October 20, 2013

Kiray Upgraded

Bagamat super late na ang post na ito ukol sa gandang hindi mo inakala ng panget na si Kiray Celis ( he he he ) puwede pa rin namang ihabol.

Sabi nga nila , it is better late than never . At sabi pa nila , huli man daw at magaling, late pa rin ha ha ha .

Dagdag pa nila , ang pagsisisi ay laging nasa huli . Awttsss , out of context na pala iyon  he he he .

Anyways , ang galing lang talaga nitong si Ateng Fanny Serrano at ang mga panget napapaganda ( peace sa mga fans ni Kiray , kung meron he he he )

Biro mong ang babaeng ka-level nila Bakekang , Betty La Fea at nung babae kapag hindi nagsusuot ng Blusang Itim ay napaganda ni Funny Fanny na mala-Diyosa ang dating huh.

Ano kayang magic meron ang mga brushes at make-up kits ni Tita Fanny at anong mga strokes ang hinagod niya sa mukha ( kung mukha nga itong matatawag  ) at ganito kaganda ang lumabas na aura ni Kiri Kiray.

At saan bang School of Beauty nag-aral iyang si Fanny nang sa gayon ay makapag-enroll din ang mga taong gustong gumanda kahit papaano .

Oh kaya naman ang mga panget diyan ay huwag nang mag-alala dahil may pag-asa pa kayo ha ha ha.

Uy may naririnig akong sumasabat . Baka ang ibig ko daw sabihin ay may pag-asa pa ba kami ha ha ha .

Ako kaya mapaganda pa din ni Tita Fanny ?

Ah ewan , heto na lang nga ang mga picturakas :










No comments:

Post a Comment