Wednesday, October 16, 2013

half rice please

It's a welcome respite na may naghain ng panukalang batas na obligahin ang mga food establishments like restaurants , carinderias at lalo na ang naglipanang mga fastfoods na karaniwang hindi nagbibigay ng half rice na order sa kanilang menu .


Ngayon ay ipagbabawal na ito at obligado na silang magbigay ng half servings ng kanin sa kanilang mga customers.

Tama lang naman ito para sa akin dahil maraming kanin at bigas ang nasasayang kapag hindi naubos ang isang order ng kanin na isini-serve nila .

Tuloy ay itinatapon lang sa basurahan at napapanis.

Para tayong nagtatampo sa bigas na nagdudulot ng kamalasan sa buhay.



Tandaan natin na bawat butil ng bigas ay mahalaga at bawat butil nito ay sangkaterbang pawis , dugo at luha rin ang  ibinubo bago maisalang sa kaldero at ihain bilang kanin sa ating mga hapag-kainan .

Kaya't dapat nating pahalagahan ang bawat butil ng bigas na ating isinusubo.

Kaya't hala pirmahan na at ipasa na ang batas na iyan

Ngayon na at huwag nang magpatumpik-tumpik pa .

Nang sa gayon ay hindi na masayang at maitapon ang mga butil ng bigas na lubhang kailangan natin .

Now na !


No comments:

Post a Comment