Monday, October 21, 2013

Bohol and Cebu Earthquake 2013

Niyanig at nilumpo ng napakalakas na Magnitude 7.2 na lindol ang halos buong Visayas Region na ang pinakasentro ay nasa Bohol nitong nakaraang  Martes .

Ang sabi ay halos kasing-lakas ito ng 32 atomic bomb na ibinagsak nuon sa Hiroshima , Japan nuong World War 2.

Grabe.

At lubhang naapektuhan ang mga probinsya na malapit sa epicenter gaya ng Bohol , Cebu , Siquijor , Negros Occidental , Leyte , Ilo-Ilo at marami pang iba .

Maraming gusali , establisimyento at mga kalsada at imprastraktura ang iginuho ng nasabing intensity 7 na lindol .

At ang nakakalulungkot ay ang pagguho ng mga makasaysayan at tourist spot na mga lumang simbahan sa Bohol at Cebu na hindi nakaligtas sa lupit at bangis ng lindol .

Idagdag pa ang daan - daang namatay mula sa trahedya at libu-libong nasugatan at milyun-milyong ari-ariang nasalanta ng nakakagulantang na paglindol .

Sana huwag namang mangyari ang ganito kagrabeng senaryo dito sa Metro Manila at mga karatig-probinsya lalo pa at mayruon ding malapit na fault lines dito partikular ang West Valley Fault Line sa ating lugar ng sibilisasyon.

Tiyak na marami ang maaapektuhan at magdurusa.

At this point and hour in time , only God can help us !

Let's pray without ceasing then and ask for His divine intervention.

And let's also help our fellow kababayans at this time of grief and sadness .

Amen !

















No comments:

Post a Comment