TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, September 17, 2013

... hindi mo siya Tatay ...


Juan : 'Tay, may gusto akong babae. Ang ganda niya. Gusto kong makipag-date.
 

Tatay : Sino?
 

Juan : Si Nena, yung babae sa tapat natin.
 

Tatay : Naku anak, huwag mong sabihin sa nanay mo ha, kapatid mo kasi 'yun si Nena kaya hindi mo puwedeng ligawan.
 

Nagalit ang bata dahil dito at matapos ay lumipas ang ilang linggo:

Juan : 'Tay, inlab ulit ako. Mas masarap siya.
 

Tatay : Sino naman?
 

Juan : Diyan sa kabilang bahay, si Ana.
 

Tatay : Naku anak, kawawa ka naman. Anak ko din 'yun si Ana eh kaya hindi mo rin puwedeng ligawan 'yun.

Nangyari ito ng ilang beses. 


At sa pang-limang beses na ito ay nangyayari na ang kaniyang gustong ligawan ay laging anak pala ng Tatay niya lumapit na ang bata sa kaniyang Nanay na umiiyak:

Juan : 'Nay, galit ako kay Tatay. Nagmahal ako ng limang beses pero hindi ko sila pwedeng i-date o ligawan dahil anak din sila ni Tatay.
 

Nanay : Naku puwede mo silang i-date at ligawan , huwag kang maniwala sa kanya, hindi mo siya Tatay!

No comments:

Post a Comment