TRAVELBOOK NOW!

Friday, September 20, 2013

Ang Pamasahe

Sa isang jeep ...

PASAHERO: Mama, magkano po 'yung pamasahe?
 

DRIVER: 8.00 ang minimum

PASAHERO: ( Dumukot ito sa bulsa para kunin ang pera niya. Ngunit sa hindi sinasadyang dahilan ay kulang ang pamasahe niya. ) Sa isip niya ," Kulang ang pera ko. Paano Kaya Ito? " 


( Nag-isip ito at napatingin siya sa driver. Napansin niya na
duling ito.  )


Sabi  niya sa kaniyang sarili ," Tama duling ang driver siguradong kapag nagbigay ako ng 4.00 ay hindi na niya
mapapansin na kulang yung pera ko. Kasi doble yung paningin niya eh . " 


At inabot niya sa driver ang pera.

( Ngunit laking gulat niya nang may sinabi yung driver sa kaniya. )

DRIVER: Kulang ito!

PASAHERO: Anong kulang? Hindi ba sabi mo ay 8.00 lang ang minimum?

DRIVER: Oo nga 8.00 ang pamasahe. Eh  dalawa kaya kayo!!!

No comments:

Post a Comment