TRAVELBOOK NOW!

Thursday, September 5, 2013

8 Million Pesos Flagpole ( onli in da Pilipins )


Ito ang nakakapanghina at nakakapanghinayang at the same time .

WALONG MILYONG PISO para sa isang flagpole lamang !

Ang sarap lang magmura !

Bagamat  iginagalang natin ang bandila o watawat ng ating Inang Bayan bilang sagisag ng kasarinlan ng ating bansa , hindi naman sa ganito kagarbo at karangya dapat tayo gumastos para dito .

Ilang libong bagong eskwelahan , ospital , day care centers ,  feeding centers at palengke  ang maipapatayo ng perang ito???!!!

At ilang sakong bigas at pagkain ang maipapalamon nito sa buraot at patay-gutom na milyong Pilipino ???!!!

Tanong ko lang : Mas may halaga na ba ngayon ang isang kapirasong poste at retaso ng mga  tela kaysa sa sikmura at katawang hapo at pagal sa maghapong trabaho ng mamamayang Pilipino ???!!!

Diyos ko , patawarin mo po kami dahil hindi namin alam ang aming mga ginagawa !!!


No comments:

Post a Comment