TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, August 20, 2013

My A to Z of pralala etcetera

At dahil uso naman ito sa mga blogero , makikigaya na rin ako he he .

Alam n'yo naman ako likas na manggagaya lang : )

Mula sa blogsite nila Senyor Iskwater ,  Kwatro Khanto etc.  heto na ang aking mga pralala :



A. Attached or Single? 
SSB ( Single Since Birth )

B. Best Friend? 
Rommel , Fred and Omie.

C. Cake or pie? 
Pwedeng dalawa ? Pareho kong gusto ito eh .

D. Day of choice? 
Thursday , the day I was born . At sabi sa nursery rhyme ay " Thursday child has far to go " . Oo nga , isa akong dakilang lakwatsera .

E. Essential Item? 
Cellphone maybe . And TV also he he he. A certified couch potato 'pag nasa bahay. At kailangang may portable TV 'pag nasa labas he he.


F. Favorite color? 
Blue and Green are two of my favorite colors . Hindi daw color ang Black eh kaya hindi ko isinali. Pero fan na fan ako ng mga dark and gray hues actually.

G. Gummy bears or worms?
Worms na lang para mas yucky .

H. Hometown?
Marikina and Antipolo.

I. Favorite Indulgence? 
Same ba ito as Indulgencia sa Simbahan ? Pasensya na ha ha ha . But honestly , siguro Ice Cream .

J. January or July? 
January siyempre . Mas masaya at mas maraming putukan !

K. Kids? 
Puwede rin . Huwag lang yung mga makukulit at sutil much na mga kids huh.

L. Life isn’t complete without? 
God . Gumaganun pa !

M. Marriage date? 
Malayo pa sa isip ko 'yan. Singlayo ng agwat ng mag-asawang hindi nagkikibuan.

N. Number of brothers/sisters?
1 younger brother sa loob . And 1 sister sa labas .

O. Oranges or Apples?
Red Apples tulad ng apple na nakapagpatulog kay Snow White .



P. Phobias?
Dati ay may phobia ako sa basketball at anything na may kinalaman sa basketball pramis ! Kapag nakakita ako nito ay umiiwas na ako at halos hindi alam ang gagawin ko. May kinalaman ito sa isang masaklap na pangyayari nuong childness pa lang ako . Confess confess din 'pag may time he he. But now na-overcome ko na ang fear na ito dahil mahilig na ako ngayon sa iba't ibang klase ng bola he he he.


Q. Quotes?
Yung Golden Rule na lang. 


R. Reasons to smile? 
Kapag nginitian ka ng crush mo. At 'pag maraming pera siyempre.

S. Season of choice? 
Winter . Kasi 'di ko pa nararanasan.

T. Tag 5 People.
Skip muna sa line na ito . Bahala na kung sinong gustong gumaya.

U. Unknown fact about me? 
It is a fact that  I'm gay . But it is unbeknownst to some people lalo na yung mga iginagalang pa ako. Ibig sabihin iyong mga may alam nang gay ako ay binabastos na ako he he he.


V. Vegetable?
Kahit ano , huwag lang ang mga slimy na okra , talong , alugbati at saluyot whew. 

 W. Worst habit?
Staying inside the bathroom for more than an hour when taking a bath I think . Kahit na may importante at rush na lakad ay matagal pa rin ako maligo . Anong ritwal ang nagaganap sa loob ng banyo huh?

X. Xray or Ultrasound? 
Ultrasound na lang , para maiba naman .

Y. Your favorite food?
Any pancit , noodles and dimsum . 

Z. Zodiac sign? 
Libra , my sign.

Enjoy !


No comments:

Post a Comment