TRAVELBOOK NOW!

Saturday, July 20, 2013

Post , Usap , Deal

Nauuso ngayon  ang tinatawag na online buying and selling website na katulad ng Sulit.com.ph at Ayosdito.com.ph na dalawa sa pinakanangungunang website sa ating bansa pagdating sa buying and selling business.

Natatandaan ko nuong unang panahon na kapag gusto mong mag-advertise o magpa-anunsyo tungkol sa isang bagay na nais mong ibenta o kaya ay bilhin ay kailangan mong magbayad ng kung hindi man daan-daan ay libu-libo para magkaruon ng maliit na espasyo lamang sa isang sikat na diyaryo o magasin.

Subalit sa paglipas ng panahon ay unti-unting lumiit ang mundo ng mga advertisers with the advent of free advertising newspapers gaya ng Buy And Sell at Right Finder.

Simula nuon ay hindi na mahirap ang paghahanap ng medium kung saan mo libreng mailalathala ang  pangangailangan mong magbenta o bumili  ng isang produkto.

At dahil nga libre ang pagpu-post dito ng sangkatutak na anunsyo o patalastas ng mga subasta o bentahan para sa isang produktong magmula sa mga gamit tulad ng TV , radio , camera , cellphone ; hanggang sa mga alagang hayop katulad ng mga imported dogs and cats  at mga wild animals ; hanggang sa anunsyo para sa mga serbisyong katulad ng wedding planning package , home decorating , food catering , mga trainings and seminars at iba pang katulad nito . Minsan nga pati tao ay puwede mo na ring ibenta sa katulad ring paraan gaya ng sa mga personal and home massage service at escorting for men and women ay mayruon na din  .

Di kalaunan ay ang Buy And Sell  ang naging Bibliya ng mga may negosyong buying and selling .

At pumasok naman ang panahon ng digital computing .

Dito na pumalaot ang mga website na Sulit.com.ph at Ayosdito.com.ph na ngayon ay nagpapatalbugan sa paghihikayat sa mga online advertisers na mag-post ng kanilang mga patalastas sa nasabing website.

Sabi nga ng logo ng isang website ay Post , Usap , Deal.

Sabi pa ng isa ay  " Ang hindi na ginagamit , Ibenta mo na “

Ganun lang kadali. At the comfort of your own home ay puwede mo nang maipakalat sa buong mundo ang anunsyo  mo upang makita ng mas maraming tao at magkaruon ng interes na bilhin ang iyong mga produkto.

Ilang click at pindot mo lang ay naka-post  na online ang iyong mga ibinebentang gamit at serbisyo.

Mas maalwan na ang buhay , hassle free na sa pagtawag-tawag at pag-follow up ng iyong advertisement , puwede mo pang i-customize ang hitsura at layout ng design ng iyong ads , at higit sa lahat at pinakamasarap sa lahat ay libre pa!

Oha , saan ka pa!

Kaya naman ang inyong lola ay sumabay na din sa agos ng buhay.

At nag-post din ang lola n’yo ng mga kasangkapan at gamit sa bahay  na hindi naman na masyadong napapakinabangan  ay bakit hindi pa pagbili at nang maging pera.

Kaya naman ang mga gamit katulad ng 21 inch JVC TV  , Sony Cybershot Digital Camera , Hot and Cold Water Dispenser , Mini Personal Dresser , Nokia N95 Cellpone, Samsung Galaxy S at marami pang mga abubot na nakatambak lamang sa bahay at inaagiw .

Tingnan n’yo na lamang sa Sulit at Ayos ang aking mga poste at baka may magustuhan kayo at halina at kayo ay tumawad .

Basta huwag lamang mambarat ha .

Bawal din ang tumuwad at mamburat he he he.

Oh ano pang hinihintay n’yo .

Post , Usap , Deal .

No comments:

Post a Comment