TRAVELBOOK NOW!

Friday, July 19, 2013

" ... hihintayin kita sa altar "

Mayruong magkasintahang masinsinang nag-uusap sa isang parke .

Umiiyak ang babae:

Babae : Huwag mo akong iwan please . Hindi ko makakayang mawala ka .

Lalaki : Huwag kang umiyak mahal ko. Kailangan kong lumayo . Pangako magkikita pa tayong muli .

Babae : Huwag mo akong iwan aking mahal . Huwag kang aalis . Bakit kasi kailangan mo pang lumipat ng ibang eskewelahan at  lugar at iiwanan mo ako ?

Lalaki : Hindi ko maipaliwanag ang dahilan . Subalit kailangan akong lumayo  . Basta ito lang ang maipapangako ko sa iyo . Hihintayin kita sa altar . Pangako ko iyan sa iyo !

Babae : Hu hu hu hu ....

At lumisan ang lalaki .

Matapos ang halos limang taon , makikitang ikakasal na ang babae at nagmamartsa sa loob ng  simbahan patungong altar .

Tila ba tulirong naglalakad ang babaeng ikakasal .

Nang malapit na siya sa altar ay bigla siyang natigilan .

Natulala ang babaeng ikakasal.

At kapagdaka'y bumuhos ang masaganang luha sa kaniyang pisngi .

Bumulong ang paring magkakasal sa babaeng nasa harap ng altar:

Pari : O huwag ka nang umiyak . Tinupad ko ang pangako ko saiyo . Heto na ako . Hinintay kita dito sa altar!

No comments:

Post a Comment