TRAVELBOOK NOW!

Monday, June 3, 2013

First day of classes

At dahil sumapit na ang simula ng pasukan ng mga mag-aaral para sa taong ito ; inaalay ko ang artikulong ito para sa ating mga giliw na estudyanteng babalik  sa kanilang mga eskwelahan ngayong Lunes na  ito  .

Mula sa kaibigang si JB Capulong ay ang mga tips para sa mga incoming  students sa buong bansa .

Tunghayan natin :


1. Pumili ng karespe-respetong notebook dahil dito ka huhusgahan ng sanlibutan. Iwasang bumili ng notebook na sina Jolina Magdangal at Miley Cyrus ang cover.

2. Wag nang magdala ng lapis, pantasa, crayon at strawberry na eraser. Ballpen at isang notebook na lang.

3. Makipagkaibigan agad sa crush para madevelop agad kayo bago matapos ang schoolyear. Mabuti na yung mauna kesa maunahan ng iba.

4. Don’t make dala ng lunch box anymore lalo na if your baon is tinapa and Zesto. Make bili muna sa canteen on the first day.

5. Learn to make friends. Pero iwasang ma-friendzoned.

6. Siguraduhing nakopya mo nang mabuti ang sked mo para iwas hassle. Kopyahin na din ang sked ng crush mo.

7. Paghandaan ang iyong “ I am…I’m from ” speech para sa first meeting at introduction sa kahit anong klase mo.

8. Ito ang araw na maghahanap ka ng classroom. Kung ayaw mong mamula sa mga susunod na araw dahil late mo na nakita ang room habang nakaupo na sila pati ang professor o teacher  mo, agahan mo ang pasok.

9. Huwag dumaan sa LOVERS LANE kung single ka. Baka mainggit ka.

10. Gandahan ang ngiti sa ID. Buong taon mo 'yang gagamitin.


TUNGHAYAN AT SUBAYBAYAN ANG AKING COLUMN SA DIYARYONG " THE DAILY SUN " NA LUMALABAS ARAW-ARAW . MARAMING SALAMAT PO ! 


No comments:

Post a Comment