TRAVELBOOK NOW!

Thursday, May 9, 2013

" Toilet Toll "

Like ko ito kaya naman ise-share ko sa inyo mula sa Abante-Tonite.

Bravo sa nag-author nito.

Read on :

Hiniling ng isang mambabatas sa Kamara sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na ipatigil na ng mga establisimiyento at maging ng mga pampublikong lugar tulad ng mga bus terminals ang paniningil ng bayad bago magamit ang kanilang mga palikuran.

Ginawa ni Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadeth Herrera-Dy ang panawagan partikular sa Department of Transportation and Communications (DOTC) at mga local government units (LGUs) dahil halos lahat na ng mga palikuran sa mga pampublikong lugar ay naniningil na ng toilet toll.

Umaabot ng hanggang P10 ang bawat paggamit ng mga palikuran sa mga mall, ilang hospital at bus terminals na ayon sa mambabatas ay hindi nararapat dahil tungkulin ng mga ito na maglagay ng mga palikuran para sa kanilang mga customers.

Kinalampag rin ng mambabatas ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga gawain umano ng ilang restaurant na hindi na sila nagbibigay ng libreng tubig kaya napipilitan ang kanilang mga customer na bumili ng bottled water sa kanila.

Sinabi ng lady solon na responsibilidad ng mga restaurant, fastfood at iba pa na magbigay ng tubig sa mga kumakain sa kanilang establisimiyento pero sad­yang hindi nagbibigay ang mga ito ng libreng tubig.

No comments:

Post a Comment