TRAVELBOOK NOW!

Saturday, May 11, 2013

The Barrettos

Nasa sentro na naman ng limelight ang mga Barrettos.

Whew , and to reiterate , in bad limelight.

Scandal after scandal ang kinasasangkutan ng mga Barrettos lately .

Masyadong kontrobersyal ang pamilyang ito huh.

Unahin natin si :

CLAUDINE BARRETTO - sweet at 'di makabasag - pinggan naman ang image nito dati. Lalo na nuong dalaga pa siya at wala pang asawa . Subalit lately kung kailan naman nagka-asawa at anak ay tila na-involve na sa maraming isyu at gulo. Remember yung airport scene niya with Mon Tulfo? At iyong eksena nila ni Raymart sa isang bangko ? At ngayon naman ay ang isyu niya against her elder sister Gretchen Barretto . At ang pagiging basher daw niya sa pamangkin niya na si Julia Barretto? May nagsusulputang intriga na hiwalay na daw sila ni Raymart sa kasalukuyan ? Anong nangyari sa inyong dalawa ?


GRETCHEN BARRETTO - the eternally loved Regal Baby na dati ay " Sixteen Going Steady " pa lamang , subalit ngayon ay Sixty Going Crazy na nga ba ? Ano nga ba siya bilang isang Ate sa kaniyang mga kapatid?
Bakit tila maraming naglalabasang negatibo laban sa kaniya bilang isang anak at kapatid ? To think na mismong  ina niya ay kinakalaban siya ( at itinatakwil pa ? ) ? What's the real score ba talaga huh? After na maging Reyna ng TV 5 dati , ngayon ay tila balik na siya sa mga teleserye sa telebisyon na dati na niyang inayawan at iniwanan.

MARJORIE BARRETTO - after ng mga masalimuot na relasyon sa ilang mga lalaking na-involve sa kaniya , ngayon ay inuulan ng patutsada at pasaring dahil sa naglabasang photo scandal kung saan ay nakabuyangyang ang kaniyang boobs at sa ilan pang mga maseselang larawan na nakahubad umano siya. Naman , kung kailan naman tumanda at nagka-anak huh !

JULIA BARRETTO - pinag-ugatan ng away diumano ng magkakapatid na Barretto . Hmmmm , bagong salta pa lamang sa showbiz ay nagpapaka-kontrobersyal na huh.

At palitan ng mga maaanghang at lumalagablab na salita ng ina laban sa anak , anak laban sa magulang , kapatid laban sa kapatid at pamangkin laban sa mga tito at tita .

Parang teleserye lang : Ina  , Kapatid , Anak ha ha ha.

Ano pa bang masasabi ko kundi : maglabu-labo na kayo dahil ang lalabo n'yo .

Remember : The family that fight each other , strays forever .

No comments:

Post a Comment