TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, May 1, 2013

"... nag-aabroad sila ... "

At dahil Mayo Uno ngayon at Araw ng mga Manggagawa , special feature ko ang aking mga pinsan na manggagawa.

Dahil sila ay papaalis ngayong araw na ito  papuntang Dubai upang duon ay magtrabaho.

Una ay ang aking pinsang lalaki na si Sandro Pron Briones na isang teacher .

Iiwan ang propesyon ng pagtuturo upang makipagsapalaran sa bansang Dubai.

At ang sumunod ay ang isa ko pang pinsan na si Roderick Briones Borreo na sa Dubai din papunta.

Isa namang ordinaryong mangggawa na pinili ding makipagsapalaran sa Dubai upang magtamasa ng mas magandang buhay.

Isasama sila ng aking pinsan na si Evelyn Briones Alano na dati nang nagtatrabaho duon upang ipasok din sa ibang patrabaho na availabe sa bansang iyon.

Karamihan ng mga pinsan ko na kasabayan kong lumaki nuon dito sa aming lugar ay nag-aabroad na o nangingibang-bansa upang duon magtrabaho para sa mas magandang kinabukasan para sa kani-kanilang pamilya.

At sa darating pang mga buwan ay isa ko pa ring pinsan ang aalis at kasama na rin ang aking kapatid .

Destinasyon : sa bansang sa tingin nila ay may mas magandang kinabukasang naghihintay para sa kanila .

Hayzzz , ako na lamang ang natira dito sa bansang Pilipinas .

Wish ko lang ay ang makarating ng ibang bansa someday.

Pero sana hindi bilang isang manggagawa , kundi bilang isang turista , choz he he!

At dahil diyan ay dedicated ko para sa kanila ang kantang Walang Natira ni Gloc 9 featuring Sheng Belmonte :

" Napakaraming guro dito sa amin , Ngunit bakit tila walang natira ... Nag-aabroad sila ( Gusto kong yumaman ) ... "

No comments:

Post a Comment