TRAVELBOOK NOW!

Friday, May 10, 2013

Money Ban

 

Ngayon ko lang narinig ito at ngayon din lang ito inimplementa ng Comelec para sa darating na National Election 2013 sa Lunes , Mayo 13

Sa bisa ng Resolution No. 9688 , ipinagbawal ng Comelec ang cash withdrawal ng mahigit sa 100,000.00 mula nitong Mayo 8 hanggang sa araw ng halalan sa Lunes para sa lahat ng indibidwal at  lalo na duon sa mga opisyal na kandidato.

Ito ay para daw maiwasan kung hindi man ay mabawasan ang talamak na vote buying na nagaganap sa ating bansa tuwing sumasapit ang panahon ng eleksyon.

Ang daming namamakyaw ng boto kapag ganitong panahon kasi.

Sampu sampera lang ang katumbas ng isang patak ng indelible ink sa isang daliri .

Exempted naman sa ban ang mga legal na negosyo o transaksyon  upang hindi maka-apekto sa malayang kalakalan sa bansa.

Kapag nakitaan ka ng cash na hihigit sa isandaang libong piso na hawak mo sa iyong kamay ay maaari kang paghinalaan na namimili ng boto  .

Kaya sa ngayon ay apat na  ban na ang pina-iimplementa ng Comelec para sa darating na halalan .

Gun Ban .

Liquor Ban.

Hiring Ban .

At ito ngang Money Ban.

Ano pa ang susunod .

Huwag naman sanang Eating Ban .

Sex ban kaya he he he ?

Onli in da Pilipins ikanga.

( Ayon sa huling report ay sinopla ng Korte Suprema  ang pag-implementa ng panukalang ito dahil hindi daw makakatulong sa ekonomiya ng bansa at tila wit din ito bet ni Pnoy na ipatupad kaya kinatay ang kinalabasan ng panukalang ito )

No comments:

Post a Comment