TRAVELBOOK NOW!

Thursday, May 30, 2013

Eksena sa Jeep

FROM : JHONRO OLIVAR

Grabe !

Guys ! Be aware !

EKSENA SA LOOB NG JEEPNEY!

Nakakakilabot !

Mag ingat sa pagsakay ng jeep, lalung-lalo na po sa gabi.

Isang gabi sumakay ako ng jeep.
 

Lahat ng pasahero nakatitig sa akin.

Walang umiimik. 

Weird man po 'yung pakiramdam, hindi na ako bumaba. At dahil nakasanayan ko namang magbayad pagkasakay ko ay agad kong inilabas ang bayad ko at sinabing:

"Ma, bayad po, sa Sandiganbayan lang."

Pero lahat sila ay pawang nakatingin sa akin. Wala pa ding umiimik. At 'yung isa bumulong pa sa kaniyang katabi.

Naiirita kong sinabi: "PWEDE PONG PAKIABOT NG BAYAD?!"

Pero, lahat sila ay nakatingin pa din sa akin.

Maya-maya, may isang matandang babae ang umusog palapit sa akin at bumulong:

"Hindi ka na dapat naparito iho. Umalis ka na habang hindi pa nakakaalis itong sasakyan. At kung hindi, pagsisisihan mo ang puwedeng mangyari sa iyo . Hindi ka na makakauwi sa inyo."

Napalunok ako, pinagpawisan nang malapot at sumagot:

"Ano ho ang ibig ninyong sabihin?"

Ang sagot niya:
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"INARKILA NAMIN ITO. MAGNANIGHT-SWIMMING KAMI! TANGA KA?!"

No comments:

Post a Comment