TRAVELBOOK NOW!

Saturday, May 18, 2013

7 Keys to Positive Thinking - Kwatro Khanto

Repost ulit tayo ng isang article from Kwatro Khanto.

Umo-over kasi sa GV ang article na ito kaya ninais kong i-share .

Read on ang copy/pasted ( word for word ) kong repost from The Khanto himself .

______________________________

" 7 Keys to Positive Thinking "

Wazzaps! Kamusta ang weekend? Oks naman ba kayo? Good! Ano? Hindi? Well, baka magbago pa yan at maging good! Tiis lungs.

For today, wala munang pelikula review-reviewhan, walang pampainit ng dugo or wento ng aking adventure sa ibang lugars. This time, iba naman ang mababasa ninyow. 

Ganito kasi iyown...... Last Tuesday, naculture shock ako sa email na natanggap ko sa work! Promoted daw ako! Charot lang! Well, nakatanggap ako ng invite for something... training daw.... Tas nagulantang at nawindang ang life ko ng nakita ko ang title ng training..... Kung ano ang title ng post, yun din ang title ng training kow.
O diba! Kakagulantang kasi ang unang pumasok sa isip ko ay i'm so NEGA na ata. Like..... sobra na ba ako sa pag-iisip ng mga negative thingies kaya naman binigyan ako ng gantong training?

No choice.... Opo sir lang ng opo sir kaya ayun..... inattendan ko na kahit OT ako ng 2 hours kasi aftershift ko yung training.

So ano ang natutunan ko? Eto, ishashare ko din....

1. Choice
-Aba..... kung gusto mong maging positive vibes.... desisyon mo yun! Di pweds na gusto mong maging positive thinker pero ayaw mo... ano yun? lokohan?! Dapat isipin mo... TINK PASITIBS!

2. Vision Success
-Isipin mo na kaya mo! Isipin mong magagawa mo! Gawing goal mo ang success (hindi yung lalabas ng banyo sabay sigaw ng success ha! NOT THAT!)

3. Be Alert, Alive, Awake, Enthusiast, Have Fun
-Feel good, look good, be good ang peg! Enjoy enjoy lang! Alam mo yung dapat ay may time ka din na maging masaya, tumawa, humalakhak or kahit ngumiti man lungs.

4. Surround yourself with Positive People
-Ay eto..... layo-layo pag may time sa mga folks na madaling mabadtrip, laging nagmumura, laging badtrip sa maliliit na bagay! Baka mahawa ka.... remember na ihiwalay ang nabubulok sa di nabubulok ganyans...

5. Be a Solution and Not a Problem
-Wag maging pabigats! Wag maging pasakit or pain in the ass! Pag may problima..... solusyunan agad agad, kumilos ka! Wag na wag kang tutunganga at nganganga lang. Go lang ng Go!

6. Embrace Change
-Change is constant dre! Lahat nagbabago.... Kahit ikaw! Yes you! Kung ulingling kaman ngayon like Nancy Binay..... who knows..... baka mag shine bright like a diamond ka dahil sa change!

7. Always be Grateful and Pay It Forward
-Pasalamat-pasalamat din! Everyday, pagkagising, mag tenkyu ka kaya na buhay ka! Feel good na may another day ka pa sa earth para mag share ng positivity in life!

By thinking positive mga chongs, magiging maganda ang flow ng life nio kaya go tink pasitibs!
Hanggang dito na lang muna, Take Care and Enjoys!

No comments:

Post a Comment