TRAVELBOOK NOW!

Saturday, April 13, 2013

R.I.P. Margaret Thatcher

Pumanaw na rin ang iginagalang na lider ng bansang United Kingdom at ng buong mundo na si Margaret Hilda Thatcher nitong April 8 , 2013 dahil sa cerebral stroke.

Tinaguriang " The Iron Lady " dahil sa kaniyang matigas at matapang na paninindigan habang kaniyang pinamumunuan  ang bansang Britanya bilang Prime Minister nito nuong dekada 80 hanggang 90 .

Kasabayan rin niya sa kaniyang pamumuno nuon bilang isang lider na babae ang ating  magiting at hinahangaang dating pangulo na si Corazon Cojuangco Aquino nuong dekada 80 hanggang 90 .

Ito ang dekada na kung saan ay halos magkakasabay na namumuno sa ilang panig ng mundo ang maraming mga lider na babae katulad nila Benazir Bhutto ng Pakistan , Indira Gandhi ng India , at Sirimavo Bandaranaike ng Sri Lanka.

Sa awa ng Diyos lahat sila ay pawang umuwi na sa sinapupunan ng ating Dakilang Ama .

Mananatili ang kaniyang ala-ala bilang isang magiting at pinagpipitaganang babaeng lider ng ating henerasyon.

13 October 1925 – 8 April 2013


No comments:

Post a Comment