TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, April 2, 2013

Pakontes ng pabilisang umihi ni Mayor Bambao

Aba'y may pagkasintu-sinto yata itong tinagurian pa man ding alkalde ng Ternate Cavite na nagpapakontes daw taun-taon sa mga batang lalaki nang tungkol sa pabilisang makaihi .

Yap , you heard it right .

Ibababa ang salawal ng mga pobreng batotoy na contestants at ipapakita ang kanilang bird thingie at sa ilang saglit ay magpapaunahan silang magpalabas ng ..... hindi katas noh , boy bastos .... kundi ihi , as in urine na mapanghi ... sa harap ng madlang pipol na nanunuod sa kanila .

And this boys are as young as 7 to 9 years old daw diumano .

Eh kahit pa sabihing walang  muwang at inosente pa ang mga batang ito ay still maibibilang  na act of lasciviousness ang gawaing ito ng alkalde dahil sukat ba namang ipakita sa publiko , with matching picture picture at video ang maselang bahagi ng katawan ng isang tao , partikular ng isang bata .

Hindi kaya isang pedophile at may fetish sa urine ang mayor na ito .

Eh iyon nga yata ang inaabangang bumulwak mula sa kung saan ng alkalde na ito.

Ay ang sagwa naman nito mayor .

Diyatat isa pang iginagalang at pinagpipitaganan pa man ding  mayor ang gumagawa ng kahalayang ito sa mga walang muwang na bata na ang tanging naisin kaya sumasali sa mga ganitong pakontes ay para manalo ng kapiranggot na barya at kusing .

Oh kayong mga taga-Ternate , Cavite , baka naman manalo pa ang mayor na ito diyan sa balwarte ninyo  sa darating na eleksyon huh !

Kunsabagay matagal ninyo na palang kinukunsinti at ine-enjoy pa ang kabulukan ng alkalde na ito dahil nakaka-tatlong termino na pala siya sa kaniyang katungkulan sa bayan ninyo.

Ikaw na mayor Lamberto Bambao , ikaw na !

Dito ang balita :




No comments:

Post a Comment