TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, April 17, 2013

Briones-Llorente Family Reunion 2013

Naganap na sa wakas ang pinakaaabangang Briones - Llorente Family Reunion nitong April 15 , 2013 na ginanap sa Maries Village Clubhouse dito sa Mayamot  Antipolo City , Rizal.

Kasabay rin ito ng birthday celebration ng aming butihing tiyuhin na si Tiyo Pedro na nagdiwang ng kaniyang ika-73 kaarawan nuong araw na iyon kung saan ang kaniyang pamilya ang nagsilbing sponsor para sa taong ito ng pagtitipon. Taun-taon ay ginaganap itong reunion tuwing December ( na dapat ay December 2012 ), ngunit sa pakiusap ng mga anak niya na ilipat na lang ito ng April 15 , kung saan kasabay ang birthday ng kanilang ama at kung saan ay puwede rin silang makauwi mula sa ibang bansa ay amin itong pinaunlakan.

Naging espesyal ang family reunion na ito ng malaking Briones at Llorente clan dahil sa pagbabalik-bansa / bakasyon ng aming mga mahal na pinsan/pamangkin na sina Yolly Briones Dayaday , Grace Briones Windhausen at ni Ate Evie Briones Alano.

Naging masaya , makulay at punong puno ng energy ang reunion na ito dahil sa mga palaro , at papremyong ipinamudmod ng mga balikbayang kapinsanan he he.

Salamat sa lahat ng blessings and we are looking forward to the next reunion this coming December 2013 na ii-sponsor naman ng pamilya ni Tiyo Rudy Briones he he he. ( next year ay kami naman ang sponsor ,whew )

Share ko ang mga very memorable pics .















No comments:

Post a Comment