TRAVELBOOK NOW!

Thursday, March 21, 2013

Apat na issues ngayong March 2013

1. ) Mga magulang ni Heart Evangelista tutol sa relasyon nila ni Senator Chiz Escudero - nakakagulat naman ang balitang ito dahil akala ng marami  ay swak na swak at okay sa olrayt ang relasyon  ng mag-wishart na ito  , iyun  pala ay may mga tutol na partido sa kanilang Tayong Dalawa ang peg na pagmamahalan . Ayon sa mga magulang ni Heart na sina Rey at Cecilia Ongpauco  , si Heart daw who is now 28 years old , na bagamat nasa ganitong edad na ang  kanilang youngest child ay very immature pa rin daw ito at walang tamang desisyon pagdating sa pakikipagrelasyon . At para sa kanila si Chiz ay hindi karapat-dapat sa heart ni Heart dahil sa ito daw ay diborsyado , masama ang pag-uugali at pakikitungo sa kanila , palainom o lasinggero at higit sa lahat ay bastos ( naghuhubo kaya si Senator Chiz ? ) ! Depensa naman ni Heart ( ache? ) siya daw ay matanda na at may sapat nang kaisipan upang magdesisyon para sa kaniyang sarili at kung sino ang kaniyang pipiliing lalaking mamahalin at pakakasalan .



Nuon daw sila pa ni Jericho Rosales ay sumang-ayon siya sa desisyon ng kaniyang mga magulang na maghiwalay sila dahil tutoo namang bata pa daw siya nuong mga panahong iyon  . Subalit hanggang ngayon ba naman daw na siya ay nasa tamang edad na at pag-iisip ay hindi naman puwedeng patuloy siyang kontrolin at pangunahan ng kaniyang mga magulang pagdating sa pagdedesisyon sa pakikipagrelasyon  . Ang masasabi ko lang : timing na timing naman para sa libreng publisidad ni Senator Chiz para sa nalalapit na eleksyon . Ang sabi nga ay good or bad publicity is still a publicity . At ang tila lumalabas na underdog sa tunggaliang ito  ay si Chiz at si Heart  . Kaya baka ang ending ay sa kanila pa mapunta ang sentimyento ng mga tao at tuluyang manalo sa puwesto si Senador. Hindi kaya may malaking sabwatan dito ? Lalo pa at ang adviser ng mag-asawang Rey at Cecilia Ongpauco ay si Senator Miriam Defensor Santiago na siya namang nag-matchmake sa dalawa in the first place ? Ah tigilan na ang mga Chizmis. Ang tatanda na  ng dalawang iyan noh para pakialaman pa natin ang mga lovelife cheverlins nila huh! Next topic please.

2.) Speaking of Senator Miriam Defensor Santiago - napakatapanag naman ng senador na ito at sukat ba namang tawaging isang berdaderong  bakla ang kapwa senador na si Panfilo ( Ping ) Lacson. Siya lang ang narinig ko na tahasang nag-akusa at binulatlat sa publiko ang natatago daw na pagkatao ni Senator Ping .


Todo tanggi naman ang buthing Senador sa paratang ni Mam Miriam " I Lied " Santiago .Hindi kaya isa na naman ito sa maraming mga  lying games ni Madam Pick-up lines? Anyway , kung totoo man ang paratang ni Senadora kay Sir Ping , we will gladly welcome  sa ating mundo ang butihing senador bilang kasapi ng federasyon . Samantala , matuwa kaya si Jodi/Maya dahil sa pangyayaring ito ?  Ano ba naman itong ating Senado ngayon at masyadong makulay like the rainbow at hitik na hitik sa mga kontrobesiya . Ayaw ko na ngang isali pa ang usapang Migz Zubiri versus Koko Pimentel dahil nakakaumay na huh ! Next topic please 

3. ) Kris Aquino nag-file ng petisyon for Temporary Protective Order ( at inaprubahan na ito ng Korte Suprema )   laban sa  dating dyowang si James Yap for the sexual harassment na nangyari nito daw nakaraang December 2012 . Ang tanong eh bakit palilipasin pa ang halos tatlong buwan bago ihahabla ang kaniyang waswit.?Sabi nga ni Vice Ganda dapat karaka-raka at huwag nang magpatumpik tumpik pa na inihabla niya ito ora mismo nuong mangyari ang atake  . Hindi kung kailan all the dust was settled down to the bottom of the cup ay saka pa niya muling liligaligin ang dumi para muling umalimbukay sa ibabaw ng tasa. Ang ending nito , talo ang kanilang anak na si Bimby  . Naiipit ang bata sa gulo nang mag-asawa .


Masyado namang nagpapaka-controversial si Tetay dahil dito . Hindi naman siguro siya tatakbo sa pulitika di ba ? O si James ba may balak ? Hindi niya ba naiisip that  James is still the father of her son Bimby kahit ano pang baligtad ang gawin mo dito .Na anumang putik o duming ikulapol niya dito ay tiyak na hindi puwedeng mamantsahan o maulingan siya at lalo na ang anak niya . Narinig na ba niya ang kanta nila Hall And Oates na " Some Things Are Better Left Unsaid "

4.) Ito namang mga estudyante ng PUP sa Maynila ang gusto kong puntusan . Lagi na lang  na kapag may isyung gustong sumawsaw ang mga estudyanteng ito ng naturang paaralan ay lagi nang idinadamay at  nangwawasak ng mga walang kamuwang-muwang na mga gamit ng kanilang paaralan bilang protesta . Biruin mo ba namang sunugin  , ibalibag , itapon at pagpira-pirasuhin ang mga lamesa , upuan at iba pang mga kagamitan  ng kanilang eskwelahan bilang senyales diumano ng kanilang protesta lately ay para sa isyu ng  pagpapakamatay ng estudyanteng si Kristel Tejada ng UP Manila . Ano naman ang kinalaman ng mga upuan at lamesa sa galit at hinanakit nila sa maling sistema o patakaran ng ating lipunan? Mabubuhay pa ba nila si Kristel kapag sinunog at ibinalibag at sinira nila ang mga letseng gamit na iyan ng eskwelahan?  Tila ba imbes na makatulong ang mga estudyanteng ito ay nagpapasaway pa . Saan ngayon kukuha ng perang ipambibili ng mga bagong lamesa at upuan na gagamitin din nila later on kung hindi ba naman utak pulpol meron sila . Mga utak pulbura kasi . Hindi naman lahat ng bagay ay nadadala sa galit at pangwawasak. Hinahon din at relax relax pag may time .

Actually , hindi sila nakakatulong sa problema , bagkus ay nakakadagdag pa . Bakit hindi ito ang mga pagsisipain at patalsikin sa mga paaralang iyan . Mga utak radikal na wala rin namang naitutulong na maganda sa pamahalaan bagkus ay perwisyo pa . Akala mo kung sinong mga magagaling pero wala din namang alam . Puro ngawa kulang naman sa mga gawa .  Ang mga Pinoy nga naman . Estudyante pa lang ay bully na sa pamahaalan . Ano pa nga ba ang aasahan mo sa ganitong sistema ng lipunan .Sa eskwelahan pa lang ay ipinaiiral na ang asal hayop na patakaran .  Umayos nga kayo huh !

No comments:

Post a Comment