TRAVELBOOK NOW!

Sunday, March 17, 2013

R.I.P. Subas Herrero

Pumanaw nitong ika 15 ng Marso , 2013  ang isa sa mga beterano at iginagalang na  komedyante at karakter aktor ng pelikulang Pilipino na si Subas Herrero sa edad na 69 sa Rochester , New York kung saan siya namalagi matapos ma-diagnose dahil sa sakit na pneumonia .

Isa si Subas sa mga paborito kong karakter aktor , komedyante at kontrabida sa pelikula lalo na nuong magsimula ang TV sitcom na Champoy sa dating RPN Channel 9 kasama ang kapwa batikang aktor na si Noel Trinidad bilang mga hosts nito.

Hindi ko rin malilimutan ang mga pelikulang nagawa niya kung saan ay kadalasang kontrabida ang kaniyang karakter na ginampanan kung saan ay epektibo siya katulad sa Alyas Pogi 2 ,Mabuting Kaibigan Masamang Kaaway , Di na Natuto (Sorry na, Puwede Ba?) , Batas Ko Ang Katapat Mo at marami pang iba .

Nakapagtayo rin ng isang restaurant si Subas na kilala sa pangalang Senyor Subas na dinarayo nuon ng maraming mga parukyano.

Isa na namang beterano at magaling na aktor ang pumanaw sa ating kalagitnaan.

Ang espasyong ito ay nakikiramay sa mga naulila ni Senyor Subas Herrero .





1 comment:

  1. Condolence to the family of the late Subas Herrero who was once a member of Champoy

    ReplyDelete