TRAVELBOOK NOW!

Thursday, March 7, 2013

Pansit Bato

Pinagdalhan kami ng aking pinsan ng isang kilo ng Pansit Bato straight from her Bicolano relatives .

Ito ay isang uri ng pansit na galing sa bayan ng Bato sa Camarines Sur kaya ganito ang tawag sa kaniya .

Mali kayo kung iniisip ninyo na ito ay  gawa sa bato o kaya naman ay may sangkap na bawal na gamot kaya ganito ang katawagan  huh. 

Diumano ay mas malasa at masarap ito kumpara sa ibang klase ng pansit.

At nang niluto na nga ni Mother dear ang bato ni Ding   este pansit na ito , tsarraannnn , heto ang finished product.




Masarap nga at malasa impernes.

Panalo ang lasa at yumminess.

Ibang iba kaysa sa naglipanang mga pansit pansitan diyan he he he.

Try n'yo nang hindi ko kayo mabato .

No comments:

Post a Comment