TRAVELBOOK NOW!

Thursday, March 14, 2013

Habemus Papam , Pope Francis I

May bago nang Papa.

Hindi ako 'noh , kundi ang Simbahang Romano Katoliko he he!

Ito ay sa katauhan ni Pope Francis I na Jorge Mario Bergoglio sa tunay na buhay mula sa bansang Argentina.

Kauna-unahang Santo Papa sa labas ng Europa at kauna-unahang paring Jesuita na naging Santo Papa.

Napurnada man ang pag-upo ng ating iginagalang na Cardinal Luis Antonio Tagle Junior para maging bagong Papa , tanggap na rin  ito ng karamihang Pilipino  kung ito ang kalooban ng Panginoon na igawad sa atin bilang mga Kristiyano .

Anyway tiyak na may kapasidad naman at kakayahan ang bagong hirang na Santo Papa upang gampanan nang maigi at mabuti ang mabigat na tungkuling iniatang sa kaniyang balikat upang pamunuan ang milyun-milyong mga miyembro ng Simbahang Katoliko sa buong mundo.

At siguradong hindi naging madali ang pagpili sa kaniya upang maging ika 266 na bagong Santo Papa. Kumbaga ay dumaan siya sa butas ng karayom bago ito nakamit.

Wait na lang ulit tayo pagkatapos ng ilan  pang mga dekada kung masusungkit na ni Cardinal Tagle ang posisyong ito na tiyak na ikatutuwa ng maraming mga Pilipino .

Mabuhay Santo Papa Francis I



No comments:

Post a Comment