TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, March 5, 2013

At nag-alburuto na naman si Willie ...

At nagalit na naman ang Willieboy dahil sa kaeklatan ng Ethel Boba este Booba at ni Ate Gay  sa programang Wowowillie .

Ito ay nag-ugat diumano dahil sa pag-alma ng dalawang hosts ng show sa pagkapanalo ni Anna Feliciano sa isang game portion ng programa imbes na sila .

Kinuwestiyon diumano ng dalawa sa dressing room si Willie pagkatapos ng laro dahil dito .

May pinapaboran diumano si Willie.

At isa pa sa umano'y ikinagagalit ni Ethel ay ang pagbanggit at patutsada ni Willie tungkol sa suot ni Ethel na " parang katulad ng kay Anne Curtis na sinuot niya sa ASAP show nito . "

Nabastos diumano ng mga fans ni Anne si Ethel dahil dito , whatever .

Kayat galit na lumabas si Willie sa kalagitnaan  ng show at inere ang kaniyang hinanakit at sentimyento sa pangyayari  .

Isinapubliko ang dapat sana ay pribadong pinag-usapan ang gusot between an employer and an employee. Hindi na dapat brinodkas pa .

Sa kabilang banda , may katwiran din naman na maghinanakit ang producer ng show na si Willie dahil nga sa pagbatikos na ginawa ng dalawa . Lalo pa at sasagutin at sisigawan mo nang ganun na lang ang taong nagpapasweldo sa iyo .

Ngunit iyon nga lamang , dapat ay ginawa ang lahat sa likod ng kamera, hindi na kailangan pang ipaliwanag at ipagwagwagan  sa publiko ang lahat ng pangyayari.

Balik tanghali si Willie , balik kontrobersya na naman siya .

Marami pang susunod diyan , wanna bet ?

Dito ang video ng pag-aalburuto ni Willieboy:




Dito naman ang version ni Vice Ganda , siyempre meron he he he:

No comments:

Post a Comment