TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, March 20, 2013

A case of suicide : Kristel Tejada

Nakakalungkot naman ang balitang bumandera sa mga pahayagan at newsrooms sa Pilipinas nitong nakalipas na mga araw .

Ito ay ang balitang pagpapakamatay ng isang dalagang estudyante ng UP Manila sa pamamagitan  ng pag-inom ng isang bote ng silver cleaner dahil sa matinding problemang dala ng pagsususpinde sa kaniya ng pamunuan ng eskwelahang pinapasukan dahil sa hindi niya pagkakabayad ng matrikula sa takdang panahon .

Ang nasabing estudyante ay nagngangalang si Kristel Tejada na mula sa isang mahirap na pamilya subalit desididong makatapos ng pag-aaral upang matulungan ang kaniyang pamilya na makaahon sa kahirapan ngunit kinitil ang sariling buhay dahil sa tila pagkabigong makamit ang pangarap dahil sa nakatakdang pagpapatigil ng eskwelahan sa kaniya upang magpatuloy na pumasok sa nasabing eskwelahan.

Diumano ay may kakulangang humigit kumulang sa 10,000.00 ang utang ni Kristel sa eskwelahan kung kayat pinayuhan siya ng pamunuan nito na mag-leave of absence muna pansamantala hanggang hindi nababayaran ang kabuuan ng utang sa matrikula .

Bagay na labis na  dinibdib at ininda ng dalaga kung kaya't humantong sa pagpapakamatay gamit ang bote ng silver cleaner.

Unang punto : Paano nakabili ng silver cleaner ang dalaga gayong ipinagbabawal na itong ibenta sa merkado dahil sa nakalalasong sangkap nito  ? Panigurado na may mga pailalim na  nagbebenta nito sa pamilihan kung kaya't malayang nakakuha ng sample ang dalaga na siya niyang ginamit sa pagpapakamatay . Ano ang ginagawa ng mga kapulisan at ng DTI upang ito ay mahinto at masawata ?

Pangalawang punto : Bakit hindi nabigyan ng pagkakataon ang isang mahirap ngunit deserving makapagtapos sa pag-aaral na estudyanteng tulad ni Kristel upang makapag-aral ng maayos at marangal sa isang unibersidad na suportado ng gobyerno ? Di ba dapat nga ay 100 % porsiyentong libre na sa school fees ang isang mahirap na tulad ni Kristel ? Ngunit kung sa anong kadahilanan ay pinagbabayad pa rin siya ng matrikula na sana ay libre na lang niyang makukuha .

Ano pa ang silbi ng pamunuan ng UP na isang insititusyon sanang nanganganlaga sa kapakanan ng mga mahihirap na estudyante subalit deserving at gustong makapagtapos ng pag-aaral.

Dahil sa pangyayaring ito ay magsilbi sana itong eye-opener upang rebisahin o repasuhin ng mga kinauukulan ang mga probisyon ukol sa pagbibigay ng scholarships sa mga mahihirap ngunit deserving na mga estudyante.

Kailangan pa talagang magbuwis ng buhay ang isang tao bago tayo mamulat sa katotohanan.

Sana hindi pa huli ang lahat !

Nakikiramay tayo sa mga naulila ni Kristel Tejada .




No comments:

Post a Comment