TRAVELBOOK NOW!

Monday, February 25, 2013

PLDT myDSL’s best commercial for me is…

Tingnan mo nga naman at nakakaapat na installment  na pala ang  PLDT myDSL Anna Banana series of commercials .

Una ay ang Derek’s Anna Banana Song kung saan ay ipinakita na handang  sumuporta ang isang mapagmahal na ina sa kaniyang anak sa pamamagitan ng paulit-ulit na pag-click sa video na inupload nito  upang umabot sa sandaang hits ang nasabing video.

Heto ang nasabing kauna-unahang comercial :



Pangalawa ay ang  Derek Got Busted kung saan naman ay naitsa - pwera ang ating bidang si Derek Lorenzo ng kaniyang pinapantasyang babae na si Anna Banana . But Derek would not worry because he knows his family is always there to support him .

Dito ang pangalawang installment ng commercial :



Pangatlo ay ang Aria Is The New Anna Banana kung saan naman ay ipinakilala ang bagong Anna Banana sa katauhan ni  Aria na siya ngayong kinagigiliwan ng ating bidang si Derek Lorenzo. Aria Carino is the new apple of the eye ng cute nating bida na si Derek . Siyempre naman , nasa likod pa rin niya ang kaniyang ever supportive na Lorenzo Family .

Dito ang pangatlong installment ng commercial :



At ang pang-apat naman ay ang Booster, the Lost Dog kung saan naman nakilala natin ang aso ng mga Lorenzo na si Booster na nawala subalit natagpuan kapiling ng kaniyang pinakamamahal na pamilya.

Dito naman ang pang-apat na installment:



Sa nasabing apat na commercial installments ay pinakapaborito ko siyempre ang unang unang patalastas kung saan ipinakilala  sa atin ang cute na batang si Derek Lorenzo na super like ng kaniyang butihin at very supportive na mother na handang gawin ang lahat para sa kaniyang mahal na anak . Dito rin natin unang naring ang awiting Anna Banana na nagustuhan ng marami.  Kaya naman super like ko din ang patalastas na ito .

At dahil diyan ay  inaanyayahan kayo ng PLDT  myDSL na mag-subscribe sa nasabing mga video commercials ng PLDT  myDSL  nang sa gayon ay lagi kayong maging updated sa mga pangyayari sa buhay ng Lorenzo Family .

Beacuse “ Your home deserves unlimited sharing from the strong, reliable, family sized connection of myDSL. The strongest connections are at home, so visit www.pldthome.com to get your family connected today!




No comments:

Post a Comment