TRAVELBOOK NOW!

Thursday, February 28, 2013

Paalam , Papa Benedict XVI

Ngayong araw na ito  nakatakdang magbitiw at bumaba sa kaniyang tungkulin ang 85 anyos na si Papa Benedict XVI na Joseph Aloisius Ratzinger sa totoong buhay matapos magsilbi ng 8 taon dahil sa katandaan at problema sa sariling kalusugan .

Siya ang panagalawang Papa na nagbitiw sa kaniyang puwesto makaraan ang halos  600 taon na unang ginawa ni Papa Gregory XII nuong taong 1415.

Mabuti pa ang Santo Papa at alam kung hanggang saan lamang siya uubrang gumanap sa iniatang na  mabigat na tungkulin sa kaniya.

Eh ang mga pulitko natin dito sa Pilipinas ay hindi nagbibitiw na kung hindi  pa talaga nakaratay na at hinuhugot na lang ang nalalabing huling hininga ay kapit-tuko pa rin sa puwestong kinasasadlakan .

Lagi na ngang may kaakibat na responsibilidad  ang anumang tungkulin na tinanggap mo at napili mong gampanan .

Subalit kung dumating ang oras na pakiramdam mo ay hindi mo na ito kayang gampanan , mas makakabuting bumitaw ka na at isalin ang pamumuno sa mas bata at mas epektibong makakaganap ng nasabing tungkulin.

Kaya dito kami labis na humanga sa nasabing Santo Papa dahil sa kaniyang selfless act dahil sa pagbibitiw na ito .

Saludo sa iyo ang buong mundo Papa Benedict XVI .

Mabuhay ka and we will  truly miss you !

Samantala , simulan na ang conclave upang pillin ang bagong Papa na mangangalaga sa sambayanang Romano Katoliko .





No comments:

Post a Comment