TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, February 6, 2013

LAGING MALUNGKOT

Heard from a preacher:

Isang araw ay nagkasalubong ang dalawang magkumpare:

Kumpare 1: " Pare mukhang malungkot ka.
Kumpare 2 : " Oo pare malungkot talaga ako.
Kumpare 1: " O  bakit naman . Anong nangyari ba ?
Kumpare 2: " Eh kasi namatay yung tito ko . Tapos pinamanahan ako ng isang milyon lang ."
Kumpare 1: "Ganun . Malungkot ka pa ng lagay na iyan ha ."

Isang araw , ay muling nagkasalubong ang dalawang magkumpare:  

Kumpare 1: "Oh pare , malungkot ka na naman. Parang pinagsakluban ka ng langit at lupa."
Kumpare 2 : "  Oo pare , ganun na nga."
Kumpare 1: " Eh bakit ano naman ang problema ngayon ?"
Kumpare 2: " Eh kasi namatay naman yung lolo ko nuong isang araw . At pagkatapos ay pinamanahan ako ng dalawang milyon lang pare." 
Kumpare 1: " Wow ha . Hebigat ka pare." 

At muli , sa pangatlong pagkakataon ay muling 
nagkita ang magkumpare :  

Kumpare 1: " Oh pare , sambakol na naman ang mukha mo . Ano na naman ang problema mo? Huwag mong sabihing may namatay na naman at pinamanahan ka ng milyon milyon ? "
Kumpare 2: " Iyon na nga ang problema pare ."
Kumpare 1: " Problema ang ano ?"
Kumpare 2: " Wala pa kasing namamatay sa mga kamag -anak ko . "

Ha ha ha , wagas!


No comments:

Post a Comment