TRAVELBOOK NOW!

Monday, January 28, 2013

Ricky Lo supalpal kay Anne Hathaway

Viral na ang video interview ni Philippine Star columinist at showbiz reporter Ricky Lo kay Anne Hathaway para sa bago nitong role bilang si Fantine para sa pelikulang Les Miserables .

Sukat ba namang laging isingit ang pangalan ni Lea Salonga sa interview niya dito eh wala namang kinalaman ang Filipinang aktres tungkol sa pelikula huh .

Halatang may nerbyos at tila hindi handa sa kaniyang mga tanong itong si Ricky para sa nasabing interview .

At isa pa ay hindi malinaw ang pagbigkas niya ng kaniyang mga salita kaya minsan ay tila ba naguguluhan si Anne kung ano ang ibig niyang ipahiwatig .

Hmmmmm , iyan tuloy nasopla ni bitchy Anne he he he.

Ba't kasi hindi na lang  si Sir Boy Abunda ang ipadala ha ha ha .

At least mas confident si Sir Boy with his magic mirror .

Ano kayang reaksyon ni Anne kapag sinabihan siya ni Tito Boy ng " this is a magic mirror and you can say whatever you wanna say to yourself ? " .

Dito ang video :

No comments:

Post a Comment