TRAVELBOOK NOW!

Saturday, January 12, 2013

pregnant doll

Aba at kumukuning -kuning itong mga pregnant doll na nauuso sa merkado huh.

Ito yung mga manika na nagpapakitang tesbun o preggy at may lamang bata-batuta ang kanilang mga sinapupunan.

At pati si Barbie , impernes ay mayruon na ring relic nito huh.

preggy na si Barbie , paano n'yo ginawa ni Ken ito huh ?
Peg lang nila si Mam Demi Moore sa pagpu-pose ng hitsurang nakalunok ng pakwan ,milon at suha at the same time.

Pero ayon sa mga eksperto at dalubhasa tungkol sa child psychology ay hindi daw mainam na ito ay ipalaro o ipabili sa mga tsikiting natin.

Maaga daw kasing nai-ingrain sa utak ng mga bulilit subconsciously ang pagkakaruon ng bata sa loob ng kanilang mga tiyanenat.

At samantalang sa mga iba naman ay trauma ang inihahatid dahil natatakot sila na makitang  may laman ang tiyan ng kanilang baby doll. ( kahit nga ako ay medyo kinikilabutan kapag nakakakita nito dahil may pagka-weird ang hitsura )

Akala nila ay may anak ni Janice sa tummy ng kanilang Dolly Ann Carvajal he he he .

Akala nila ay kinain na ng tiyanak ang kanilang mga Barbie ha ha ha .

Kaya kwidaw mga mommies sa pagbili ng laruang itetch.

It's your judgment mga parents .

Please be aware!







No comments:

Post a Comment