TRAVELBOOK NOW!

Saturday, January 26, 2013

Paalam Pepe Pimentel


Pumanaw na ang beteranong TV game show host na si Pepe Pimentel sa edad na 82 dahil sa isang aksidente nitong nakaraang Huwebes January 24 , 2013 .

Ito ay nang matagpuan siyang nakahandusay at wala nang buhay sa loob ng kanilang banyo at hinihinalang siya ay nadulas at tumama ang ulo sa semento na naging dahilan ng pagkabagok nito sa ulo .

Isa sa mga kinikilalang nagpasimula ng game show hosting itong si Pepe Pimentel dahil sa kaniyang programang Kuwarta O Kahon na bentang benta nuong dekada 70 hangggang 90 . Naging host din siya sa mga programang Tawag Ng Tanghalan  at Student Canteen.

At lalong kilala din si Pepe sa mga running jokes at hirit niya tungkol sa kaniyang mga biyenan .

Bagamat inaalipusta at pinagtatawanan niya ang mga biyenan sa kaniyang mga biro at hirit , ngunit  sa totoong buhay ay kilalang mapagmahal at  mapag-aruga si Tito Pepe sa kaniyang mga biyenan.

Hanggang sa siya ay pumanaw ay patuloy pa rin siyang naglilingkod sa kaniyang mga kabarangay bilang  isang barangay chairman .

Rest in peace , Tito Pepe !





No comments:

Post a Comment