TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, January 8, 2013

Chris Guerra - paparazzi accident

Isa na namang kaso ng aksidente ng isang paparazzi ang bumulaga sa atin ukol dito kay Chris Guerra.

Na dahil sa pagka-aligagang makakuha ng insider report kay  Justine Bieber na nasa loob ng kaniyang sasakyan at diumano ay may ginagawang " kamalasaduhan " sa loob nito at pagkatapos ay  nahagip naman siya ng isa ring sasakyan na nagresulta  sa kaniyang kamatayan.

Naalala ko tuloy ang sinapit ni Princess Di na natigok din kasama ng kaniyang lover na si Dodie al-Fayed dahil naman sa kasusunod ng mga paparazzi sa kaniya.

And this time ay isang mismong paparazzi ang nagbuwis ng buhay makakuha lamang ng pinakaasam-asam na " scoop " at tamang anggulo ng litrato dahil sa kaniyang trabaho.

Kailangan ba talagang ganito ?

Ano ba ang mas mahalaga ?

Ang pangangailangan ng mga paparazzi na masundan  ang bawat galaw at kilos ng mga sinasamba at dinadambanang idolo ng karamihan ?

O ang pangangailangan din  ng mga pampublikong bituin  na maging pribado rin kahit sa ilang saglit ng kanilang tinatamasang kasikatan ? 

At any rate , my condolences .


No comments:

Post a Comment