TRAVELBOOK NOW!

Sunday, January 13, 2013

Cases of Indiscriminate Firing of Guns in the Philippines

Dapat na nga sigurong repasuhin o rebyuhin ang mga panukala ukol sa gun ban , kung hindi man total gun ban ay kahit selective gun ban man lamang .

Ito ay kaakibat ng sunud-sunod na insidente ng indiscriminate firing of gun na naganap sa bansa katulad nuong pagsalubong sa bagong taon kung saan ay naging biktima  ang isang pitong taong gulang na batang  si Stephanie Nicole Ella na natamaan ng ligaw na bala dahilan upang  ikamatay nito makalipas ang dalawang araw.

At sumunod ay ang pag-aamok ng isang sira-ulong nagngangalang Ronald Bae sa Kawit , Cavite na ikinasawi naman ng pito katao sa lugar na iyon . ( Sandy Hook shooter lang ang peg nito )

At ito ngang latest incident ng ambush (?) tungkol naman sa checkpoint sa Atimonan , Quezon Province kung saan ay labintatlo ang namatay sa sinasabing shootout ( o rubout? ) .

Hayzzzz , dapat ba ay gunless society na lamang tayo upang wala nang nakaambang panganib mula sa putok ng baril? ( tiyak aagree dito si Vice Ganda )

O baka naman mas lalong mapanganib kung hindi mo na aarmasan ang mga mamamayan upang panlaban o depensa laban sa mga walang puso at halimaw na mga tao ?

Ano ba talaga kuya ?

Tama nga ang narinig kong salita na  " an invention is not made to solve a problem , but instead to create another problem "

Waaaaahhhhh !!!





No comments:

Post a Comment