TRAVELBOOK NOW!

Sunday, January 20, 2013

BAYANI daw ...

STUDENT 1 : Ang hirap naman ng assignment ni Mam sa atin na tungkol sa mga bayani .

STUDENT 2 : Oo nga eh . Ano nga ba 'yung mga tanong  ni Mam tungkol sa mga bayani ?

STUDENT 1 : Sino daw ba 'yung bayaning magaling at mahusay ?

STUDENT 2 : Ah alam ko na  , si Tetchie Agbayani .

STUDENT 1 : Hindi ah . Lalaki 'yung tinutukoy niya eh .

STUDENT 2 : Ah baka si Bayani Agbayani

STUDENT 1 : Hindi rin . Hindi siya artista noh.

STUDENT 2 : Ah alam ko na , maaaring si Hero Angeles . 'Di ba hindi na artista 'yun ?

STUDENT 1 :  Hindi iyon . Matanda na raw iyon .

STUDENT 2 : Ah siguradong si Hero Bautista 'yan.

STUDENT 1 : Lalong hindi . Matanda na raw iyon pero hindi artista at tumutulong sa mga mahihirap .

STUDENT 2 : Ah tiyak na  si Bayani Fernando 'yun he he .

STUDENT 1 : Ngek . Hindi rin yun ! Matagal na daw siyang patay ! Ano bah !

STUDENT 2 : Ah alam ko na , si  Bayani Casimiro !

STUDENT 1 : Waahhhhhh!!!!!  Suko na ako sa'yo

No comments:

Post a Comment