TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, January 15, 2013

Apophis asteroid will hit Earth in 2036?

Dumaan pala malapit na malapit sa ating mundo ang rogue asteroid named 99942 Apophis nitong January 09 , 2013 .

Wala man lang tayong kamalay-malay na muntik na palang madurog ang at least 1/8 na bahagi ng ating planeta kung saka-sakaling tumama ang nasabing ligaw na asteroid.


Ayon sa Wikipedia , " Apophis passed within 0.0966 AU (14,450,000 km; 8,980,000 mi) of the Earth on January 09 , 2013 " ay sobrang lapit na maaari itong makita in aid of a telescope.


Pero ang nakababahala ay ang darating pang mga taon , partikular ang year 2029 at year 2036 kung saan ay hinuhulaang mas lalapit pa ang orbit ng asteroid na ito papalapit sa ating daigdig .


At kapag nagkataon , sa susunod pang mga 30 taon ay maaaring mangyari ang impact ng nasabing asteroid na ito sa mundo kung saan ay maaaring mawipe-out ang ilang bahagi ng mundo na sinasabing kasing-laki ng isla ng Luzon sa ating bansa..


Huwag naman sana . 


Pero sa kabilang banda ay tila ba may katotohanan  ang prediskyong ito .


At science ang nagsasabi niyan ha , hindi lang basta hao-siao na mga pekeng manghuhula .


Base iyan sa kalkula at tantiya ng kanilang mga scientific instrument na ginagamit sa pagtantiya ng trajectory ng isang orbiting objects katulad nitong asteroid na ito.


Dagdag pang ulat ng Wikipedia ukol dito ay , "  As of the December 29, 2012 observation arc, the probability of an April 13, 2036 impact is considered to be 1 in 10,989,000 "


Well , ang lahat ng ito ay probability pa lang naman at walang makapagsasabi kung ito nga ay mangyayari.


At sino ba tayo upang makapag-hula kung ano ang mangyayari sa hinaharap.


Ngunit ang mahalaga ay mag-ingat at maghanda sakaling mangyari nga ang ganitong uri ng sakuna.


At dapat na matyagan ang kilos ng asteroid na ito upang ang lahat ay makapaghanda at kung hindi man ay lahat ng asteroid na nakikita sa ating kalawakan ay bantayan.


But then ,by that time na sinasabing mag-iimpact ang nasabing ligaw na asteroid , I'm sure , matagal na akong nakabaon sa hukay !


Ipag-adya nawa tayo ng ating Panginoon! 







No comments:

Post a Comment