TRAVELBOOK NOW!

Thursday, January 31, 2013

Healthy Weight


FROM : JOLLIBEE KIDS WORKSHOP



During Healthy Weight Week, people are encouraged to improve health habits in lasting ways and normalize their lives by eating well without dieting, living actively and feeling good about themselves and others.

5 Tips to Stay Healthy

Tip #1 Eat a Nutritious Breakfast
After a long night sleep it is important to refuel. It will help you do better in school. Some ideas for quick, healthy breakfast: Peanut butter on toasted whole-grain bread, Yogurt with fruit, cheese slices on toast, and Fruit on cereals.

Tip #2 Get moving....don’t be a couch potato
Walk, bike or jog when going somewhere. Climb stairs instead of taking an escalator. Try to do something active for a total of 30 minutes every day.

Tip #3 Participate in activities you enjoy
Always start with warm-ups to get the muscles going. Do 20 minutes of an aerobic activity followed by activities that will make you stronger like push-ups or sit-ups.

Tip #4 Drink Plenty of water
Your body is 65% water. That shows how important water is to your body. Make sure you drink a total of 8 glasses of water each day. That can include the water from foods such as fruits.

Tip #5 Watch out for portion distortion
Portion sizes are bigger than they used to be, and these extra calories contribute to obesity. Another key factor in weight gain is that more people drink sugary beverages, such as sodas, juice drinks, and sports drinks. So choose smaller portions (or share restaurant portions) and go for water or low-fat milk instead of soda.

Wouldn’t it be great if your friends and loved ones also knew about it? Share this to your friends right away! If you have loved it, Im sure they will love it too…

Wednesday, January 30, 2013

Mga Batang Lasenggero

Sino ba namang sira-ulong mga magulang at matatanda ( na walang pinagkatandaan ) ang pumayag na mag-inuman at maglasing ang mga batang ito ( as young as 6 to 10 year old kids ) na wala pang kamuwang-muwang kung gaano kadelikado ang ginagawa nilang paglalaklakan ?

Akala siguro nila ay tumutungga lang sila ng juice o drinks na walang masamang epekto sa kanilang mga murang katawan .

At may mga batang babae pa na kasama sa tagayan.

I'm sure heto yung mangyayari sa future na kung saan ay maga-gang rape ang mga babaeng ito kapag laki pa nila  dahil sumasamang makipag-tanggero sa mga lalaking kainuman.

At kababata pa ay bihasa na sa bisyong tunggaan.

Ang nakababahala ay may kunsinti at permiso mula sa mga matatandang nakatanghod lang  sa kanilang ginagawang seremonyas .

Hay naku , iba na talaga ang panahon ngayon .

Imbes na matatanda ang magsaway .

Mga matatanda pa yata ang nagtuturo ng kagaguhan sa mga dapat sana ay mga inosenteng bata .

Onli in da Pilipins nga !

Dito ang video:




Tuesday, January 29, 2013

Kawawang Tubbataha

Kawawa naman itong Tubbataha Reef na nasa Sulu Sea malapit sa Palawan at isang World Heritage Site ng UNESCO at protected marine sanctuary area dahil sa mga coral reefs at maraming mga nilalang na  nandirito.

Dahil sa kashungahan ng isang US naval minesweeper na nagngangalang USS Guardian ay sumadsad at nabalahaw sa mga reefs ng Tubbataha at ngayon ay unti-unting nada-damage dahil sa patuloy na pagdausdos dito ng nasabing naval vessel.

Paano ba  naman kasi nakapasok at pumalaot sa nasabing bahura ang sasakyang pandagat na ito kung hindi ba naman sa katangahan ng mga nagmamaneho nito .

Dapat ay papanagutin at pagbayarin ang Estados Unidos sa pinsalang idudulot nito sa yamang dagat natin na masisira at mapipinsala dulot ng kawalang-hiyaang ito .

At i-dismantle na agad ang barko na iyan nang sa gayon ay hindi na lumawak pa ang kasiraang idudulot ng nasabing insidente .

Now na !












Monday, January 28, 2013

Ricky Lo supalpal kay Anne Hathaway

Viral na ang video interview ni Philippine Star columinist at showbiz reporter Ricky Lo kay Anne Hathaway para sa bago nitong role bilang si Fantine para sa pelikulang Les Miserables .

Sukat ba namang laging isingit ang pangalan ni Lea Salonga sa interview niya dito eh wala namang kinalaman ang Filipinang aktres tungkol sa pelikula huh .

Halatang may nerbyos at tila hindi handa sa kaniyang mga tanong itong si Ricky para sa nasabing interview .

At isa pa ay hindi malinaw ang pagbigkas niya ng kaniyang mga salita kaya minsan ay tila ba naguguluhan si Anne kung ano ang ibig niyang ipahiwatig .

Hmmmmm , iyan tuloy nasopla ni bitchy Anne he he he.

Ba't kasi hindi na lang  si Sir Boy Abunda ang ipadala ha ha ha .

At least mas confident si Sir Boy with his magic mirror .

Ano kayang reaksyon ni Anne kapag sinabihan siya ni Tito Boy ng " this is a magic mirror and you can say whatever you wanna say to yourself ? " .

Dito ang video :

Sunday, January 27, 2013

Lola Biritera

Naging viral na ang Youtube video ng isang singing lola na bumibirit sa awiting Halik ng Aegis .

Presenting the 52 year old lola who goes by the name of Felicitas Garcia from Pasig City .

Birit kung birit huh .

Truly , success knows no age .

Kahit anong edad ka pa , kung talagang mahusay ka ay mapapansin at mapapansin ang talento mo kung hindi man ngayon ay balang araw.

At kuntodo emote at stage presence si Lola he he he.

Huwag ka , dahil na-feature na rin sa show na Kapuso Mo Jessica Soho si lola .

At naks-jamming pa niya ang iniidolo at hinahangaang grupo ng Aegis sa isang live concert .

Sa'n ka pa . Si lola , sikat na at lumelevel-up.

Laban ka ?

Clap , clap clap Lola Biritera.

Here are the two related videos :




Saturday, January 26, 2013

Paalam Pepe Pimentel


Pumanaw na ang beteranong TV game show host na si Pepe Pimentel sa edad na 82 dahil sa isang aksidente nitong nakaraang Huwebes January 24 , 2013 .

Ito ay nang matagpuan siyang nakahandusay at wala nang buhay sa loob ng kanilang banyo at hinihinalang siya ay nadulas at tumama ang ulo sa semento na naging dahilan ng pagkabagok nito sa ulo .

Isa sa mga kinikilalang nagpasimula ng game show hosting itong si Pepe Pimentel dahil sa kaniyang programang Kuwarta O Kahon na bentang benta nuong dekada 70 hangggang 90 . Naging host din siya sa mga programang Tawag Ng Tanghalan  at Student Canteen.

At lalong kilala din si Pepe sa mga running jokes at hirit niya tungkol sa kaniyang mga biyenan .

Bagamat inaalipusta at pinagtatawanan niya ang mga biyenan sa kaniyang mga biro at hirit , ngunit  sa totoong buhay ay kilalang mapagmahal at  mapag-aruga si Tito Pepe sa kaniyang mga biyenan.

Hanggang sa siya ay pumanaw ay patuloy pa rin siyang naglilingkod sa kaniyang mga kabarangay bilang  isang barangay chairman .

Rest in peace , Tito Pepe !





Friday, January 25, 2013

Stars ogling on cleavage part 2 ...

Heto na ang kasunod : From MSN

Woody Allen and Rachel McAdams

Woody Allen and Scarlett Johansson

Matthew McConaughey and Camila Alves

David Hasselhoff and Anouska De Georgiou

Hayden Panettiere and Wladimir Klitschko

Helena Bonham Carter and Colin Firth

Penelope Cruz and Pedro Almodovar

Robert De Niro and Rebecca Romijn

Kim Kardashian and Kanye West


Ryan Gosling and Patricia Clarkson

 


Thursday, January 24, 2013

Stars ogling on cleavage ...

Kakatuwa itong article from MSN.

Stars caught ogling on cleavage.

Bradley Cooper and Jennifer Lawrence

Halle Berry and Bruce Willis

Justin Bieber and Selena Gomez

Salma Hayek and Oliver Stone

Naomi Watts and Eva Mendes

Kristin Davis and Kim Cattrall

Simon Cowell and Paula Abdul

Drew Barrymore and Eric Bana


Reese Witherspoon and Robert Pattinson

Orlando Bloom and Molly Sims

 

May kasunod , part 2 ...  

 


Wednesday, January 23, 2013

..." I never broke my promise ... "

FROM : KRAM NIVREK NACH

BOY : Happy Birthday , Baby!
GIRL : Thank you, Baby!
BOY : I’ll be there in your house before 7 o’clock PM tonight.
GIRL : Promise?
BOY : Promise. Darating ako Baby. No matter what happens.
I love you so much 
GIRL: Ang sweet naman ng Baby ko. Sige, and I’ll cook for you a dinner.
BOY : Talaga? Sige Baby, I’ll promise pupunta ako. It’s your special day kaya dapat magkasama tayo.

(Excited na si GIRL habang hinihintay si BOY sa bahay niya. Exactly 7 o’clock in the evening nang dumating si BOY .)

GIRL : Baby I missed you! What took you so long?
BOY : Traffic kasi Baby I’m sorry. (she hugged him)
GIRL : It’s okay Baby. Tara kain na tayo, I know you’re hungry.

(They went to the dining room and they eat and talk together. Nang biglang nagbrown out!)

GIRL : Wait lang Baby kukuha lang ako ng kandila.
BOY : Ako na lang Baby. Saan ba nakalagay?
GIRL : Sa ibabaw ng kabinet.

Umalis si BOY upang kunin ang candle. Nang biglang nag-ring ang cellphone ni GIRL . It was the BOY’s mom calling.

GIRL : Hello Tita!
BOY'S MOM : (crying) Iha ! Pumunta ka ngayon dito sa hospital! Dali!
GIRL : Ha? Bakit po?
BOY'S MOM : Wala na ang anak ko. Nabangga siya kaninang papunta siya diyan sa bahay mo.

The GIRL was shocked and he saw the BOY in the dark holding the candle with light and saying…
“Baby, I never broke my promise. Pinuntahan pa rin kita kasi mahal na mahal kita " 



: (

Tuesday, January 22, 2013

Ilang puto ?

I-share ko lang itong prank jokes tungkol sa puto.

Nakakatawa kasi he he he.

At saka bagay sakin dahil gumagawa din ako ng puto .

Ikaw, ilang puto ba gusto mo ?





Monday, January 21, 2013

Jodie Foster - I'm A Lesbian



Jodie Foster joined the club .

Umamin na po ang The Accused and Silence Of The Lambs Oscar Best Actress  na isa siyang butchokoy.

At matagal na palang may karelasyong Venus .

Isa-isa na silang lumalantad.

Sino pa ang susunod ?







Sunday, January 20, 2013

BAYANI daw ...

STUDENT 1 : Ang hirap naman ng assignment ni Mam sa atin na tungkol sa mga bayani .

STUDENT 2 : Oo nga eh . Ano nga ba 'yung mga tanong  ni Mam tungkol sa mga bayani ?

STUDENT 1 : Sino daw ba 'yung bayaning magaling at mahusay ?

STUDENT 2 : Ah alam ko na  , si Tetchie Agbayani .

STUDENT 1 : Hindi ah . Lalaki 'yung tinutukoy niya eh .

STUDENT 2 : Ah baka si Bayani Agbayani

STUDENT 1 : Hindi rin . Hindi siya artista noh.

STUDENT 2 : Ah alam ko na , maaaring si Hero Angeles . 'Di ba hindi na artista 'yun ?

STUDENT 1 :  Hindi iyon . Matanda na raw iyon .

STUDENT 2 : Ah siguradong si Hero Bautista 'yan.

STUDENT 1 : Lalong hindi . Matanda na raw iyon pero hindi artista at tumutulong sa mga mahihirap .

STUDENT 2 : Ah tiyak na  si Bayani Fernando 'yun he he .

STUDENT 1 : Ngek . Hindi rin yun ! Matagal na daw siyang patay ! Ano bah !

STUDENT 2 : Ah alam ko na , si  Bayani Casimiro !

STUDENT 1 : Waahhhhhh!!!!!  Suko na ako sa'yo

Saturday, January 19, 2013

Hooray for Mondays

An announcement from Nuffnang and McDonalds:



Every Monday, McDonald’s will make you say “Hooray for Mondays” by giving customers a free cup of McCafe Premium Roast Coffee at ALL McDonald’s breakfast stores nationwide!
All you have to do is visit any McDonald’s store nationwide every Friday to Sunday to get your free coffee coupons. Present your coupons at any McDonald’s breakfast store on all Mondays of January and February from 4:00am to 10:30am to enjoy your free cup either dine-in, take out, or drive thru.
So if you’re a coffee lover, and you dread Mondays, start your day with the smooth and full-bodied taste of 100% premium Arabica beans in every cup of McCafe Premium Roast Coffee.
We’re definitely heading over to McDonald’s this Friday to get our hands on those coupons! See you there!
Oh, and don’t forget to like McDonald’s on Facebook or follow them via Twitter for more updates! #HoorayForMondays

Friday, January 18, 2013

Thesaurus Day

FROM : JOLLIBEE KIDS WORKSHOP




Today, 18th of January, let us reminisce those moments that we got lost for words. Instead of digging into your vocabulary and finding the expressions to utter, make the most out of today---Thesaurus Day. Do you know who created the very useful thesaurus that is part of our lives? Here is one insightful read we gathered from Altiusdirectory.com.
If you look carefully, there is always a reason to celebrate each day of the year. Do an extensive study and you will find out that each day of the year is special, - Awkward Moments Day to Zip Code Day, there is a day dedicated to almost everything under the earth.
Thesaurus Day is one significant day picked up from the bunch of those days. It is celebrated every year on January 18th, which is the birthday of the author of Roget's Thesaurus, Peter Roget. Peter Roget was born on January 18th in 1779.
Thesaurus Day is about appreciating and celebrating Thesaurus and the impact of it on our lives. However, there is no recorded origin date of the Thesaurus Day and the name of the originator. However, it may be one of those millions of fans of Thesaurus. There are also speculations that the day was first observed by the book company that publishes this handy reference guide.
Facts about Thesaurus
Thesaurus is the ultimate reference book and invaluable to students and writers given the fact that they always need to consult it to make their literary work improved. The book lists the synonyms (words with similar meaning) for words. Repeating the same words over and over again in a given piece spoils the literary artistry of it. So you can search for the synonyms of the words to avoid repetition in writing and speeches. Thesaurus also helps us to find antonyms, that is, words with opposite meanings.
Some more facts
Roget’s Thesaurus is known to have been compiled in 1805. It was published on 29 April 1852. The original edition was comprised of 15,000 words but it became larger with each edition. The original manuscript is still there preserved at the Karpeles Manuscript Library Museum. If we delve deep into the word "thesaurus", we can find that the word has been derived from the Latin thesaurus, which is the romanization of Greek θησαυρ?ς (thesauros). The word literally means "treasure store." However, a thesaurus should not be considered as a complete list that has all the synonyms under the earth for a particular word. It should also be noted that a thesaurus is not a dictionary and it does not explain the meanings of the words.
The forewords of Dr. Roget in his Thesaurus were:
"It is now nearly fifty years since I first projected a system of verbal classification similar to that on which the present work is founded. Conceiving that such a compilation might help to supply my own deficiencies, I had, in the year 1805, completed a classed catalogue of words on a small scale, but on the same principle, and nearly in the same form, as the Thesaurus now published."

Wouldn’t it be great if your friends and loved ones also knew about it? Share this to your friends right away! If you have loved it, Im sure they will love it too…

Thursday, January 17, 2013

Milo , Ovaltine

Isang eksena :

Bata : Meron po ba kayong Milo ?
Tindera : Meron .
Bata : Pabili nga pong isa ,  yung Ovaltine .

Ha ha ha.

Naalala ko tuloy ang eksenang ito sa aming tindahan :

Kostumer : Pabili nga po .
Tindero : Ano po 'yun ?
Kostumer : Isang Colgate , 'yung Close-Up ha .

He he he.

Yun na !!!!

Tuesday, January 15, 2013

Apophis asteroid will hit Earth in 2036?

Dumaan pala malapit na malapit sa ating mundo ang rogue asteroid named 99942 Apophis nitong January 09 , 2013 .

Wala man lang tayong kamalay-malay na muntik na palang madurog ang at least 1/8 na bahagi ng ating planeta kung saka-sakaling tumama ang nasabing ligaw na asteroid.


Ayon sa Wikipedia , " Apophis passed within 0.0966 AU (14,450,000 km; 8,980,000 mi) of the Earth on January 09 , 2013 " ay sobrang lapit na maaari itong makita in aid of a telescope.


Pero ang nakababahala ay ang darating pang mga taon , partikular ang year 2029 at year 2036 kung saan ay hinuhulaang mas lalapit pa ang orbit ng asteroid na ito papalapit sa ating daigdig .


At kapag nagkataon , sa susunod pang mga 30 taon ay maaaring mangyari ang impact ng nasabing asteroid na ito sa mundo kung saan ay maaaring mawipe-out ang ilang bahagi ng mundo na sinasabing kasing-laki ng isla ng Luzon sa ating bansa..


Huwag naman sana . 


Pero sa kabilang banda ay tila ba may katotohanan  ang prediskyong ito .


At science ang nagsasabi niyan ha , hindi lang basta hao-siao na mga pekeng manghuhula .


Base iyan sa kalkula at tantiya ng kanilang mga scientific instrument na ginagamit sa pagtantiya ng trajectory ng isang orbiting objects katulad nitong asteroid na ito.


Dagdag pang ulat ng Wikipedia ukol dito ay , "  As of the December 29, 2012 observation arc, the probability of an April 13, 2036 impact is considered to be 1 in 10,989,000 "


Well , ang lahat ng ito ay probability pa lang naman at walang makapagsasabi kung ito nga ay mangyayari.


At sino ba tayo upang makapag-hula kung ano ang mangyayari sa hinaharap.


Ngunit ang mahalaga ay mag-ingat at maghanda sakaling mangyari nga ang ganitong uri ng sakuna.


At dapat na matyagan ang kilos ng asteroid na ito upang ang lahat ay makapaghanda at kung hindi man ay lahat ng asteroid na nakikita sa ating kalawakan ay bantayan.


But then ,by that time na sinasabing mag-iimpact ang nasabing ligaw na asteroid , I'm sure , matagal na akong nakabaon sa hukay !


Ipag-adya nawa tayo ng ating Panginoon! 







Monday, January 14, 2013

What's up Tina ?

Anong nangyari dito kay Kristina Paner ?

Tila involve sa isang brouhaha about plane tickets  ang dating aktres at singer na sumikat nuong dekada 80 at isa sa paborito ko mula sa GMA 7 TV show na That's Entertainment alongside with her equally famous , talented and  fabulous Triplets sisters Manilyn Reynes and Sheryl Cruz .

Ang adoptive daughter nina veteran actress Daisy Romualdez at PBA basketball player Manny Paner ay naging rebelde na nga ba sa kasalukuyan ?

Anyway , wala pa namang mga confirmations or clarifications ukol sa kontrobersyang ito .

But I'm hoping na maipaliwanag ni Ms. Paner ng maayos ang isyung ito na kinasasangkutan niya  upang hindi tuluyang gumuho ang paghanga pa rin ng mga taong umiidolo pa rin sa kaniya .

As of latest news ay nandito na daw  sa bansa ang Tamis Ng Unang Halik singer na ito .

It's time to speak up and explain your side of the coin.

The public is waiting .  


Sunday, January 13, 2013

Cases of Indiscriminate Firing of Guns in the Philippines

Dapat na nga sigurong repasuhin o rebyuhin ang mga panukala ukol sa gun ban , kung hindi man total gun ban ay kahit selective gun ban man lamang .

Ito ay kaakibat ng sunud-sunod na insidente ng indiscriminate firing of gun na naganap sa bansa katulad nuong pagsalubong sa bagong taon kung saan ay naging biktima  ang isang pitong taong gulang na batang  si Stephanie Nicole Ella na natamaan ng ligaw na bala dahilan upang  ikamatay nito makalipas ang dalawang araw.

At sumunod ay ang pag-aamok ng isang sira-ulong nagngangalang Ronald Bae sa Kawit , Cavite na ikinasawi naman ng pito katao sa lugar na iyon . ( Sandy Hook shooter lang ang peg nito )

At ito ngang latest incident ng ambush (?) tungkol naman sa checkpoint sa Atimonan , Quezon Province kung saan ay labintatlo ang namatay sa sinasabing shootout ( o rubout? ) .

Hayzzzz , dapat ba ay gunless society na lamang tayo upang wala nang nakaambang panganib mula sa putok ng baril? ( tiyak aagree dito si Vice Ganda )

O baka naman mas lalong mapanganib kung hindi mo na aarmasan ang mga mamamayan upang panlaban o depensa laban sa mga walang puso at halimaw na mga tao ?

Ano ba talaga kuya ?

Tama nga ang narinig kong salita na  " an invention is not made to solve a problem , but instead to create another problem "

Waaaaahhhhh !!!





Saturday, January 12, 2013

pregnant doll

Aba at kumukuning -kuning itong mga pregnant doll na nauuso sa merkado huh.

Ito yung mga manika na nagpapakitang tesbun o preggy at may lamang bata-batuta ang kanilang mga sinapupunan.

At pati si Barbie , impernes ay mayruon na ring relic nito huh.

preggy na si Barbie , paano n'yo ginawa ni Ken ito huh ?
Peg lang nila si Mam Demi Moore sa pagpu-pose ng hitsurang nakalunok ng pakwan ,milon at suha at the same time.

Pero ayon sa mga eksperto at dalubhasa tungkol sa child psychology ay hindi daw mainam na ito ay ipalaro o ipabili sa mga tsikiting natin.

Maaga daw kasing nai-ingrain sa utak ng mga bulilit subconsciously ang pagkakaruon ng bata sa loob ng kanilang mga tiyanenat.

At samantalang sa mga iba naman ay trauma ang inihahatid dahil natatakot sila na makitang  may laman ang tiyan ng kanilang baby doll. ( kahit nga ako ay medyo kinikilabutan kapag nakakakita nito dahil may pagka-weird ang hitsura )

Akala nila ay may anak ni Janice sa tummy ng kanilang Dolly Ann Carvajal he he he .

Akala nila ay kinain na ng tiyanak ang kanilang mga Barbie ha ha ha .

Kaya kwidaw mga mommies sa pagbili ng laruang itetch.

It's your judgment mga parents .

Please be aware!







Friday, January 11, 2013

Narciso Varona - Terror Professor of Montessori Professional College

Kung ganito naman ang guro mo ay mas maigi pang huwag na lang mag-eskwela .

Ito ay kung guro pa nga bang maituturing ang ganitong klase ng halimaw (dahil hindi ka tao in the first place!)

Panuorin dito ang kamalasaduhan ni professor daw !


Thursday, January 10, 2013

Biglang Liko - Ron Henley featuring Pow Chavez

LSS ako sa kantang ito ni Ron Chavez entitled Biglang Liko.

Of course alam na kung para saan at para kanino ang kantang ito .

Sa mga bumibiglang liko para bumembang at kumandirit ng patiwarik he he.

Love na love ko ang melody at lyrics na din siyempre.

Feel good ang vibes ko .

" Tara tara sumama ka sa 'kin
Hawakan ang aking kamay
Tayo ay maglalakbay
Patungo sa lugar kung saan tayo lang ang may alam / lamang ang laman "

Dito ang video :