Sunday, September 30, 2012

Happy Birthday to me ...

Ganiyan lang ka-simple .

Walang masyadong fanfare .

Dahil ganito ka-simple ang birthday celebration ko ngayon !

HAPPY BIRTHDAY NA LANG TO ME !!!

( Pictures to follow na lang )


Saturday, September 29, 2012

FLY - Nicki Minaj featuring Rihanna

Ito ang motto ko ngayon .

Nasa chorus ng kantang FLY ni ateng Nicki at Rihanna .

" I came to win, to fight, to conquer, to thrive
I came to win, to survive, to prosper, to rise
To fly, to fly "

O debah naman .

Bonggang palaban .

Dito ang video :


Friday, September 28, 2012

May naglalaro pa ba ng mga ito ?



OMG , sobrang na-miss ko ang mga sinaunang larong ito.

Sinauna talaga eh noh.

Hindi naman,slight lang he he he.

Halos lahat ng mga ito ay nilalaro ko nuong ako ay musmos pa lamang ( maliban sa saranggola at turumpo huh )

Nakaka-miss talaga .

Ngayon ay mga robot na kasi ang mga bata .

Mga mechanical human kids .

Hayzzz , those were the days.

Thursday, September 27, 2012

Life is like a dick ...


LIFE IS LIKE A DICK, , SOMETIMES IT GETS HARD FOR NO REASON AT ALL.


Wednesday, September 26, 2012

You Da One - Rihanna

Isa pang LSS please .

This time ay ang sa paborito kong Barbadian singer na si Rihanna.

You Da One ang pamagat na may himig na galing sa kaniyang pinagmulang Caribbean music sa bandang chorus nito.

Tamang tama ang incorporation at infusion ng Caribbean sound sa kantang ito .

Pakinggan dito :


Tuesday, September 25, 2012

Back In Time - Pitbull

May bago na naman akong LSS .

Ito ay ang theme song para sa pelikulang Men In Black III nina Will Smith at Tommy Lee Jones na pinamagatang Back In Time.

Masayang umindak sa nakakasayaw na tugtog ni Pitbull .

May chorus pa na rip-off mula sa awiting Love Is Strange nina Mickey And Sylvia na sumikat nuong Dekada 50 .

Type ko rin ang choreo niya huh.

Panuorin ang video dito :


Monday, September 24, 2012

Famealy Day 2012

I support this advocacy of Lucky Me called the Famealy Day 2012 which is gonna happen today .

Tara nang magsama-sama at magsalo-salo ng kainan sa harap ng isang lamesa at pag-usapan ang maraming bagay na may kinalaman  sa ating mahal na pamilya  .

Because the family that eats together , stays together.

And type na type ko yung commercial ng Lucky Me to promote this event .

Havey na havey  ang linya ni girl :  " Hindi ba ibibigay ko lang iyon sa lalaking pakakasalan ko "

10 thumbs up ka dahil jan gurl !

Sana tularan ka pa ng maraming girlalu diyan at nang hindi na tayo mag-population explosion noh !

Visit this site for more information about this event : LUCKY ME


Sunday, September 23, 2012

Kasambahay Bill

Sa wakas at pumasa na sa Kongreso ang House Bill 6144 o mas lalong kilala bilang Kasambahay Bill .

Kaunting hilot na lamang at plantsa ay ganap nang magiging batas ang panukalang ito .

Ayon sa batas , ang magiging minimum salary na ng ating mga magigiting na kasambahay ay P3,000 per month, P2,000 in chartered cities and first class municipalities and P1,000 in other municipalities .

At bukod pa rito ay entitled din sila para sa  " 13th month pay and should be covered by the Social Security System and all the benefits provided under Republic Act No. 8282, as amended."

My heart goes out with our kasambahays .

Tama lamang at panahon na upang maisa-batas ito upang maprotektahan laban sa mga pang-aabuso at pananamantala ng mga abusado at hindi -makatwirang mga employers ang ating mga kasambahay.

Ngunit sana ay may mga provisions din laban sa mga pananamantala at pananakit.

Ewan ko ba kung bakit maliit o mababa ang tingin ng ilang mga tao sa mga kasambahay kung kaya't nagiging biktima sila ng mga pagmamaltrato..

Kung kayat ganuon na  lang kung maltratuhin nila at pagmalupitan ang mga ito .

Katulad nang nangyari kay Bonita Baran na binugbog, minaltrato , plinantsa pa ang mukha na naging resulta ng kaniyang pagkabulag . ( Sa pinakahuling balita ay itinanggi ng kaniyang mag-asawang mga amo na sina Annaliza at Reynold Marzan ang paratang na ito ni Bonita at sinabing si Bonita ang nananakit sa kaniyang sarili mismo . Mga buwang na yata talaga ang mga among ito ! )

Dapat sa mga ganiyang mga amo ay ipinapako sa krus nang nakatiwarik.

Hayop  ang tingin nila sa kanilang mga kasambahay na sila na nga ang pinagsisilbihan para sa kakarampot na suweldo.

Kung hindi nga nakatakas ang nasabing kawawang kasambahay ay baka isa na itong malamig na bangkay sa kalaunan sa loob ng tahanan ng mga hayup na amo!

Mayruon din kaming kasambahay .

At salamat sa Diyos , dahil nasusunod naman namin ang mga isinasaad sa batas na ito tungkol sa minimum na pasahod , mas mataas pa nga.

At huwag ka , hindi lang twice a month ang day-off na naaayon sa batas , kundi , every Sunday huh ! ( dahil Christian siya at nagsisimba kapag Linggo )

Hindi rin naman siya pagod sa pagtatrabaho at mayruon ding  sapat na pahinga .

Mabait din naman kasi ang aming kasambahay na ito kaya't hindi na namin itinuring na iba .

Sana ay ganito lagi ang pagtrato natin sa ating mga kasambahay.

Lalo na iyong mga mababait , maaasahan , mapagkakatiwalaan at masisipag.

Para tayong nakahukay ng isang balong ginto kapag sila ay ating pinakitaan ng mabuting asal at pakikitungo.

Dahil tiyak na ibabalik nila sa atin bilang ganti ang pagmamahal at pangangalaga na ibinibigay at ipinapakita natin sa kanila.

Mabuhay ang mga kasambahay !



Saturday, September 22, 2012

Enrile versus Trillanes : Ang pinakamatanda at ang pinakabata

At nagbangayan ang pinakamatanda at ang pinakabata ha ha ha.

Parang magkapatid lang ang peg .

Panganay versus bunso huh .

Ganiyan din kami nuon ng aking kapatid .

Ako ang panganay , siya ang bunso .

Batuhan ng mga masasakit at maaanghang na salita .

Balyahan .

Suntukan .

Sakitan .

Pero nag-mature na kami ngayon.

Hindi na kami ganiyan ngayon ( minsan na lang he he )

Pero katulad din ng magkakapatid , magkakaayos din iyang dalawang iyan .

Ikanga , time will heal 

But only God knows when !

Iyon ay kung hindi pa abutan ng  k____________n  si matanda he he he.

Ah ewan , bahala na nga sila.

Tutal pareho naman silang magagaling at matatalino !

Daw!




Friday, September 21, 2012

International Day Of Peace

From : JOLLIBEE KIDS WORKSHOP



Could we mere lay mortals really make a contribution towards World Peace Now? Why don't we have peace yet despite the numerous efforts throughout the history on this planet? We need to be proactive in this world to make things happen.

There can be no sustainable future without a sustainable peace. Sustainable peace must be built on sustainable development.
On the International Day of Peace, also known as Peace Day, people around the world take part in various activities and organize events centered on the theme “peace”. It is in the context of the Rio+20 Conference that “Sustainable Peace for a Sustainable Future” is the theme chosen for this year's observance of the International day of Peace.
The key to have a peaceful world and surroundings is to understand the following behaviors:
(1) Understanding: Once people start understanding each other, they would begin developing high viewpoints about the others. Respect and non-interference usually come automatically through understanding.
(2) Respect: Respecting other people includes respecting their nature and culture too. The popular belief says if you respect others, others will respect you back. Being patient and understanding every situation in life are the main aspects you should consider to develop maturity in your behavior. This maturity will definitely bring self-respect and will make you value other individuals too.
(3) Non-aggression: Keeping your attitude calm and peaceful helps, you maintain that composure which turns your decision making into extremely non-aggressive. It is crystal clear that harsh speech and insulting words always bring quarrels and conflicts. To reduce such conditions, people should avoid anger and hatred towards other religions, cultures, civilizations, states and countries.
(4) Non-interference: “Mind your own business” just suits this topic. It does not mean that you should not help others in their difficulties and keep yourself tied to your environment. Everybody should mix up with the world, but at the same time, it is vital not to interfere into others’ work, cultural habits, religious matters, properties and daily life.
(5) Equality: This is the most important thing to understand. Being polite and behaving well with others never hurts. Considering everyone equal should be the main aspect explained in a Peace Essay. God is one and all religions preach the same.
(by essaychampions)
Wouldn’t it be great if your siblings, cousins and friends know about this?
Be the first to remind your relatives and friends about this special day!
Share this to them right away.
If you have loved it, I’m sure they will love it too!

Thursday, September 20, 2012

“I can exceed my limitations!”

I'm a very busy and active person.

Sa dami nang aking mga aktibidades at seremonyang tinatapos sa araw araw na ginawa ng Diyos , ni halos wala na akong time para sa aking sarili .

Madaling araw pa lamang ng alas-kuwatro ay gising na ako upang mag-asikaso para sa pamamalengke para sa mga kakailanganing sangkap para sa aking munting karinderya .

Pagkagaling sa pamilihan ay mag-uumpisa na akong magluto , maglinis at magtinda.

Bukod pa sa ilang mga tungkulin bilang isang real estate agent, writer  , blogger , tutor , sales agent at kung anu-ano pang raket na sadyang kailangan upang mabuhay nang maalwan at maligaya sa panig na ito ng mundo.

Kadalasan pagkatapos nang halos maghapong gawain ay umuuwi akong pagod , nanghihina , stressed at  .... mabaho!

Opo , mabaho dahil sa pinagsama-samang amoy ng pawis , polusyon at dumi na aking nakuha mula sa maghapong paggagala sa kalsada.

Kaya pagdating ng gabi ay nahihiya na akong makihalubilo sa mga kaibigan at kakilala dahil sa aking kakaibang amoy .

Wala na tuloy akong lifestyle pagsapit ng gabi.

Ang ending , salpak agad at hilata sa kama para lang gumising sa panibagong umaga kinabukasan.

Dahil dito ay kinakailangan kong gawin ang mga sumusunod upang manatiling mabango at may kaaya-ayang pang-amoy.

1.) Mag-spray ng sangkatutak na pabango upang hindi maamoy ang aking pagkakyoho .

2.) Magpalit nang magpalit ng damit at kasuotan upang mapanatiling presko ang aking amoy.

3.) Maglagay ng ibat-ibang pamahid upang matanggal ang sobrang pagpapawis.

4.)  Lumayo at umiwas na lamang sa mga kakilala upang hindi mapansin at mapintasan ang aking amoy.


Subalit nang aking mapanuod mula sa isang patalastas sa TV ang tungkol sa Safeguard Active na siguradong nagtatanggal daw  ng hindi kaaya-ayang amoy pagkatapos mong maligo , bigla akong nabuhayan ng loob.

Ang sabi ko ay may pag-asa pa yata.

Dagli -dagli akong nagtungo ng pamilihan at bumili ng isang pakete ng Safeguard Active.

Tuwang tuwa akong ipinangligo at ipinang-sabon ang naturang bareta .

Amoy pa lamang ng sabon ay mabango na .

Pagkatapos kong maligo, pakiramdam ko ay ang bango bango at ang linis linis ko na.

At pagkatapos ay muli kong ginampanan ang mga tungkuling nakaatang sa akin sa buong maghapon .

Ngunit isang himala !

Dahil lumipas ang buong maghapon ay nanatiling mabango at presko ang aking amoy.

Wala na ang dating antak, panis , asim , lansa at kung anu-ano pang klase ng amoy na dati'y kumukulapol sa aking buong pagkatao ( naks ) matapos ang maghapong gawain .

Nanatili akong presko at sariwa kahit sangkaterba ang aking trinabaho sa buong maghapon.

Himala ng mga himala!

Sa aking katuwaan ay nakapag-blog pa ako ng isang entry para dito .

Para sa mga karagdagang pang detalye kung paano akong nain-love sa produktong ito heto ang link sa nasabing blog entry ko : SAFEGUARD ACTIVE

Magmula nuon , Safegurad Active na ang sabon ko!

Kailangang manatili kang presko at mabango sa anumang gawain , sports o anumang mga kaabalahan  upang mapanatili ang iyong bango.

Kaya naman tumugon ako sa panawagang ito.

Panuorin ang video dito at i-share :




Tandaan :

Safeguard Active won’t let bad hygiene distract you from exceeding your athletic limitations and in beating your personal best!

Wednesday, September 19, 2012

Tuesday, September 18, 2012

At bumukadkad muli ang aking orchids

Hayzzz , ang sarap namang tingnan at pagmasdan ang muling pamumukadkad ng aking alagang orkidyas .

Nakakatanggal ng pagod at stress , hayzzz.


Monday, September 17, 2012

Listado de Razas de Perros y Gatos

Nakatanggap ako ng liham mula sa isang nagpakilalang blogger din daw  .

At ito ang nilalaman ng liham niya :

Hola amigos

Me llamo Juan Ramón y soy el administrador del blog "Razas de Perros y Gatos". He estado visitando vuestro blog y me parece muy interesante, muy buen trabajo. Si no es mucha molestia me gustaría pediros un intercambio de enlaces, de esta forma mejoraríamos la posición en los buscadores de nuestros blogs.
Aquí os envío los datos de mi blog.
Titulo: Razas de Perros y Gatos
Enviádme los datos de vuestros blog para incluiros en mi sección de enlaces amigos.
Gracias de antemano y un saludo,
Juanra

Hindi ko siya maintindihan  kaya't kinailangan ko ang serbisyo ng translate.google.com
Hello , hindi naman ako Espanyola chica huh !
At nang maisalin ko na ang mensahe sa wikang Inggles ay ito pala ang ibig niyang ipahiwatig :
 Hello friends

My name is Juan Ramon and I am the administrator of the blog "Breeds of Dogs and Cats". I've been visiting your blog and I find it very interesting, very good job. If you do not mind I would like to ask for a link exchange, thus could improve the search engine ranking of our blogs.

Here I send data from my blog.

Title: Dog and Cat Breeds
URL: http://listadoderazasdeperrosygatos.blogspot.com.es

Send your blog data to include you in my friends links section.

Thanks in advance and best regards,
Juanra


Ah okay naman pala .
  
Exchange links lang pala naman .
Subalit nagdududa pa rin ako at ayaw kong i-click ang link dahil baka ikako ay spam email lang at ma-virus ako at ma-hack kapag aking in-open.
Subalit nang aking lakas-loob na i-click ang link ay aking napagtanto na legal naman pala ang laman ng exchange link .
 Ang isang blogsite para sa mga aso at pusa .
Kaaliw naman!   

O visit n'yo na rin ang kaniyang site dito. Lalo na kung mahilig kayo sa mga aso at pusa . Iyon nga lang, kung hindi ninyo maintindihan ang Mexican words na ginagamit sa buong blog , ipa-translate ninyo na lang kay Google he he he : Listado de Razas de Perros y Gatos

Sunday, September 16, 2012

Ang Abogado at ang Huwes

I-share ko lang ang sermon na ito ng aming pastor :

Mayruong isang ama na may isang anak ang nagkaruon ng malaking pagkakasala sa batas .

Dahil dito ay namemeligro na ang kaniyang anak ay mahatulan ng habambuhay na pagkakakulong sa pambansang bilangguan at posibleng kamatayan sa kalaunan.

Nagdulot ito nang sobrang pangamba para sa ama.

Siyempre , ayaw niyang humantong sa ganitong kalagayan ang kaniyang nag-iisang anak.

Kaya't nagpasya siyang humanap ng isang magaling na abogadong magtatanggol para sa kaniyang anak.

Isang abogado na tutulong sa kaniyang anak upang ito ay mapawalang-sala gaano man ito ka-guilty  sa kasalanang ginawa.

At hindi naman siya nabigo dahil nakahanap siya nang nasabing abogado .

Isang magaling at bihasang abodago na nakahandang ipagtanggol sa hukuman ang nasabing nasasakdal.

Lumipas ang mga panahon ng paglilitis hanggang sa makamit ng ama ang inaasahang tagumpay para sa nasabing kaso ng kaniyang anak .

Napawalaang-sala ang kaniyang anak dahil na rin sa matalino at mahusay na  pagtatanggol ng nasabing abogado na ginawa ang lahat  upang maabsuwelto sa pagkakasala ang kaniyang kliyente .

Tuwang-tuwa ang naturang ama dahil sa ipinakitang galing at gilas ng abogadong kaniyang kinuha upang ang kaniyang anak ay maipanalo ang kaso.

Hindi siya nabigo.

Mabilis na lumipas pa ang maraming oras at taon

Naharap muli sa panibagong kaso ang nasabing nag-iisang anak .

At dahil dito ay muling hinanap ng ama ang abogado na una nang nagtanggol para sa kaniyang anak . 

Subalit kahit anong paghahanap ang kaniyang gawin ay nabigo siyang makita ang pakay na abogado.

Walang nagawa ang ama kundi ang kumuha ng panibagong abodago para sa kaniyang anak na muling nagkasala.

Hanggang sa dumating na ang araw ng paghuhukom .

Nagulat ang ama sa kaniyang nakita .

Dahil ang huwes pala na magdedesisyon para sa kaso ng kaniyang anak ay ang dating abogado na kinuha niya upang ipagtanggol ang kaniyang anak .

Ama - " salamat sa Diyos at muling natagpuan kita. Kaytagal kitang hinanap at dito lamang pala kita  matatagpuan. Muli ay mayruon akong ipakikiusap sa iyo . Nahaharap sa panibagong kaso ang aking anak at nais kong iabswelto mo siya dahil dito. Isa ka na ngayong ganap na huwes at maaari  mo itong gawin para sa kaniya nang sa ganuon ay hindi siya maparusahan ng batas. "

Huwes - " naiintindihan ko ang iyong nararamdaman para sa iyong anak . Subalit ikinalulungkot kong sabihin na iba na ang katayuan ko nuon kaysa sa ngayon . Tulad nga ng sinabi mo ako ay isa nang ganap na huwes para sa kasong ito . Kung nuon ako ay isang abogado ay ginawa ko ang aking makakaya upang ipagtanggol ang iyong anak gaano man kabigat ang kaniyang pagkakasala sa batas , iyon ay sapagkat ito ang aking trabaho - ang ipagtanggol ang mga nasasakdal .

Subalit ngayon ako ay isa nang huwes . Hindi na ako ngayon nagtatanggol para sa isang tao lamang. Bagkus ay kailangan ko nang maingat na timbangin ang katotohanan at mga ebidensyang ipiprisinta sa hukumang ito  nang sa gayon ay maparusahan  ang dapat na maparusahan at mailigtas naman mula sa kapahamakan ang dapat na mailigtas . Ako ngayon ay isang huwes na magdedesisiyon upang manaig ang katarungan "



Sa ganitong paraan ay katulad din nito ang ating Panginoon sa atin .

Sa ngayon ay Siya ang ating dakilang abogado na pilit na nagtatanggol sa atin gaano man tayo ka-guilty sa mga kasalanang ibinibintang sa atin ng ating kalabang diyablo.

Subalit darating ang panahon na hindi na siya tatayong abogado o tagapagtanggol natin.

Bagkus ay isang huwes na siyang huhusga kung karapat-dapat nga ba tayong pumasok sa Kaniyang kaharian o maparusahan sa lungga ng ating kalaban!

Amen !



Saturday, September 15, 2012

SheWee

From: Charlton Bluemax

SheWee: The Portable Urinating Device for Women

Shewee is the award winning portable urinating device for women. Shewee allows women to urinate whilst standing.
 
 
O mga girls , kung gusto n'yong ma-feel kung paano umihi ang mga lalaki , bili na ng produktong ito ,okie?
At sa mga lesbyana o butch na nagpapakalalaki , ito ang gadget na bagay sa inyo he he he.
At para hindi na rin mahaba ang pila sa CR ng mga babae , aba , ito ang para sa inyo .
Ano pang hinihintay , mabibili na sa suki ninyong palengke.
 
 


Friday, September 14, 2012

Ang kaibigan ay parang gamit ...

Ang kaibigan ay parang gamit .

Iyong iba ay parang " PAYONG "

panangga sa pangit na panahon .
 
Ang iba ay parang " RULER "
nagtutuwid ng baluktot .

Samantalang ang iba naman ay tulad ng " PAMBURA "

tumutulong makalimot sa nakaraang ayaw nang
balikan pa.
 
Habang ang  iba pa rin ay gaya ng '' TSINELAS ''
sinasalo lahat ng bubog huwag ka lamang masaktan.

Subalit hindi mo man makita ang sarili mo sa mga iyan.

Huwag kang mag-alala dahil may natitira pa.

Ang mga  " KAHOY "
   .... simple lang at least walang halong ka-plastikan.

Thursday, September 13, 2012

Wednesday, September 12, 2012

Ang aking panata ...

Matagal ko nang nakikita ang matandang bulag na lalaking ito na namamalimos sa tuwing ako'y mapapadaan sa isang overpass diyan sa Marcos Highway sa Pasig City.

Naawa ako sa kaniya dahil sa kahit na siya ay kulang sa paningin ay pinipilit pa rin niyang mabuhay ng patas at matino.

Dahil diyan ay ginawa kong panata na bigyan siya ng kaunting baryang limos sa tuwing ako ay mapapadaan sa lugar na iyon.

At hindi nga pumapalyang namimigay ako ng limos sa matandang bulag sa tuwing siya'y aking makikita.

Sa isang banda ng aking isip ay ang swerteng hatid ng ugaling  ito .

Dahil sabi ng iba ay naghahatid daw ng swerteng balik ang pagtulong at paglilimos sa iyong kapwa na kapus-palad.

Subalit nang dumating ang kabi-kabilang problema na may kinalaman sa kakapusang pinansyal o pera , bigla akong nagulumihanan.

Akala ko ba maswerte kapag naglilimos ka at tumutulong ???!!!

Iyon pala ay lalo pa akong nabaon sa kumunoy ng kamalasan .

Kaya't nagpasya akong  itigil ang paglilimos ng barya sa kaawa-awang mamang bulag .

Ngunit isang araw habang  tinititigan ko siya  sa kaniyang tila walang kapagurang paghiyaw habang nakaluhod sa mga taong dumaraan na siya ay limusan ng kaunting barya , napagtanto ko ito .

Kailangan lang ba akong tumulong dahil may ine-expect akong kapalit na swerte in return ?

Hindi ba puwedeng tumulong ako kahit na walang kapalit na inaasahan ?

Kahit walang swerteng balik ?

Kaya't nuong araw na iyon ay nag-desisyon ako .

Magpapatuloy pa rin akong maglimos kay manong na bulag at tutulong kahit na walang swerteng bumalik para sa akin.

Dahil kaya ako tumulong ay dahil ginusto ko .

Mula sa puso .

At kaluluwa.

Kaya naman tuloy ang panata , anuman ang mangyari !!!







Tuesday, September 11, 2012

Sirena - Gloc 9

Heto na naman ang isang awiting sadyang nilikha para sa mga taong espesyal na katulad ko.

Ang mga sirena he he he.

Nope , hindi po katulad ni Aryana o Dyesebel o Marina na may buntot at pagkaminsan ay nagkakapaa kapag bilog ang buwan .

Nakaka-relate much me sa kantang ito dahil pareho kami ng sentimyento .

Hindi nga lang ako nilulunod sa isang drum ng tubig literally , but just the same , nilulunod ako sa drum na puno ng masasakit na salitang nagpapahirap sa aking huminga.

Kung hindi n'yo pa ma-gets , panuorin na lang ang video dito . Parental Guidance is strictly advised :




Monday, September 10, 2012

Congratulations , Paralympian Raymond Martin

Kitam at mas nag-excel pa  nga tayo sa London Summer Paralympics 2012 .

Aba at dito pa pala tayo makakasungkit ng pinakaaasam-asam na gintong medalya huh.

Not once but twice!

Para sa kategoryang " Men's T-52 100 meters "

Opo , dalawang gintong medalya lang naman po ang nasungkit nitong si Raymond Martin para sa kategoryang " Men's T-52 100 meters " kaya't dapat natin siyang ipagbunyi at parangalan.

The track and field hero was born with a congenital deformity called Freeman Sheldon Syndrome.

Minsan mas able pa nga talaga ang mga disable.

Mas may ibubuga pa silang mga kinulang kesa sa ating mga kumpleto nga ngunit para ding walang silbi.

Hayzzz  , what an ironic life !

Congratulations Raymond Martin .

You make the Filipino nation proud !


Sunday, September 9, 2012

Gangnam Style - PSY

Ang sarap ngang pakingggan at maka-dance move nitong bagong song na kinahuhumalingan ng  " lovers at noontime " na sina Vice Ganda at Jhong Hilario .

Ang " Gangnam Style " na hitsong ng kababayan ni Ryan Bang na si PSY .

Ang lakas lang makahirit .

Kwela rin ang video nito pati na ang dance steps .

Kakaloka .

Narito ang video :



At siyempre , papakabog ba naman ang Vice Ganda ng Pilipinas ?

Siyempre may sariling version ang bakla ng sayaw para sa kanta .

Sabi nga niya , " Dougie is out , Gangnam Style is in! "

Panuorin dito :


Saturday, September 8, 2012

World Literacy Day

From : Jollibee Kids Workshop




Children today were getting much more involved with different activities. This behavior also includes the unnecessary habits and activities such as online gaming and many more. Because of these, your child may tend to lose their focus toward schooling and related matters.

For a long time, people working on literacy and education were mostly looking at enrollment rates; the emphasis was on getting more and more kids into school. Recently, a big question has risen, which is: Are they learning?
Studies have shown that many children are going through the school system but still cannot read.
For example, a 2007 study in 4 sub-Saharan African countries showed that the percentage of children in Grade 2 (aged 7 or 8) that had achieved basic reading comprehension was 0%, 4%, 11% and 11%. Pretty disturbing, right? According to youthink worldbank.

YOU HAVE TO ACT NOW! We know how much you value your Child’s education and you should be the first person to pursue your child’s learning’s.

Here are your 5 Tips to help your child love reading (by Samantha):

(1) The Early Bird. The love of reading needs to be learned. To this end, start them early. Even before they can read, read to them. No child is too small to be read to.
(2) Time and Space. What do the experts say? Location, location, location. Set up a special “Reading Nook” for your junior reader to make the activity one that is seen as both fun and exciting. It doesn’t have to be fancy: it can be a selected corner in the living or family room, or a spot in the child’s bedroom. Try adding a special comfy chair, a small table and a lamp. Watch your child take to their space with a good book and a vivid imagination!
(3) Make it Fun. There are some great reading-related games and activities that you can provide for your kids. Some examples include reading-related board games (e.g. junior Scrabble, Boggle), age-appropriate crossword puzzles and word-searches. Online and digital options are available as well (think apps, kids reading sites, etc.). Explore the landscape and when you’ve found some options, share them with your children and watch them flourish!
(4) Support their Habit: Kids need to feel the support of their interests from the ones they care about most: their parents. Show the love and show them how important you feel about reading. Give books as gifts, give your kids their own reading lamp or book light clip, start a child-focused book club with your child and their friends. They will be so much more likely to embrace reading if they feel that their parents are behind them 100 per cent.
(5) Technology is Your Friend. If your kids play on the computer, why not use it to your advantage? There are some great reading programs and activities online. Do some research and allow your child another method of reading, as an added option. If you use an e-reader or iPad, let them use it sometimes as well, by loading on some age-appropriate content for them to explore.

Wouldn’t it be great if others parents like you know about this?
Make these tips more possible by having a companion in acquiring this!
You too can share this to your co parents and friends!
If you have loved it, I’m sure they will love it too!

Friday, September 7, 2012

Thursday, September 6, 2012

Roxas Boulevard ... then and now

Ang Dewey Boulevard nuon ay sobrang ganda at linis

Ang Roxas Boulevard ngayon na sobra nang dumi at binabaha pa , hayzzzz ...
wala na ang dating ganda at kinang

Wednesday, September 5, 2012

R.I.P. Michael Clarke Duncan

Namatay nitong nakaraang Lunes , Setyembre 3 , 2012 ang isa sa paborito kong aktor na si Michael Clarke Duncan dahil sa heart attack .

Maraming pelikulang nagawa si Michael pero ang pinaka-tumatak sa akin ay ang karakter niya sa isa sa mga paborito kong pelikulang The Green Mile na mula sa serye ng nobela ni Stephen King.

Hindi ko malilimutan ang karakter niya bilang si John Coffey - isang malaki at dambuhalang mama na napagbintangang nanggahasa at pumatay sa dalawang batang babae.

Nahatulang makulong sa loob ng Cold Mountain Penitentiary sa isang pasilyo nitong tinatawag na The Green Mile  .

Nakapiling niya duon ang iba pang mga kapwa preso at bantay sa pangunguna ni  Paul Edgecomb na mahusay ding ginampanan ni Tom Hanks.

Nagmarka sa akin ang role na ito ni Michael Clarke Duncan dahil hinusgahan siya base sa kaniyang panlabas na kaanyuan subalit sa totoo  ay isa palang napakaamo , matulungin , mabait at mapagmahal at mapagkakatiwalaang tao na marunong ding manggamot ng iba't ibang klase ng sakit  dahil sa kaniyang angking supernatural power ng pagpapagaling.

Simula nuon ay naging sunod-sunod na ang mga pelikulang nagawa niya sa Hollywood katulad sa Planet Of The Apes bilang si Attar , Daredevil bilang si Wilson Fisk/ Kingpin , The Island bilang si Starkweather at marami pang iba.

May your soul rest in peace Michael Clarke Duncan .

December 10, 1957 – September 3, 2012

Monday, September 3, 2012

Eastern Visayas earthquake


Nilindol nga ang Silangang Kabisayaan nitong nakaraang Sabado na may lakas na intensity 7.6 sa Richter Scale .

Partikular na grabeng tinamaan ay ang mga isla ng Samar at Leyte pati na ang probinsya ng Surigao at Agusan sa Mindanao.

Malakas ang intensity na ito ng lindol at sabi nga ng isang spokesman ng Phivolcs ay katumbas ng 1,000 Hiroshima Bombs ang lakas ng nasabing lindol na puwedeng sumira ng maraming ari-arian at buhay.

Subalit masuwerte at sadyang iniadya ng Panginoon ang bansang Pilipinas mula sa malaking pinsala ng nasabing lindol dahil  sa malalim na bahagi ng dagat nagsimula ang paggalaw ng lupa kung kaya't hindi ito masyadong naramdaman sa lupa at nakapagdulot lamang ng minor na pinsala  at nagtala lamang ng maliit na tsunami sa baybayin ng Pilipinas at mga karatig bansa.

Salamat sa Panginoon at lagi niya tayong ginagabayan  at iniingatan .

Ang sabi nga ng mga taga Phivolcs ay kung sa Metro Manila ito nangyari ay siguradong malakihang kapinsalaan ang mangyayari  at malamang na mapupulbos ang buong  Metro Manila .

Kaya salamat talaga ng marami sa Diyos dahil hindi Niya pinahintulutan na tumama dito sa ating lungsod ang ganiyan kalakas na intensity ng lindol.


Gayunpaman ay manatili tayong laging handa sa anumang oras at panahon dahil hindi pa rin tayo nakasisiguro kung kailan tayo tatamaan ng tinatawag na Super Lindol na maaaring yumanig sa Kamaynilaan dahil hinog na nga daw ito sa paggalaw anumang oras mula ngayon.

Ingatan nawa tayo ng Maykapal .




Saturday, September 1, 2012

titi , titi kayo riyan ....

Ha ha , sobrang naloka ako sa larawang itech na nakita ko mula sa blogsite na Haymen: Ang blog ng mga tunay na lalake

Nakakatanggal ng pagod at antok ha ha ha.

Share ko lang huh :