Tuesday, July 31, 2012

weird LPA

Marami ang nagulat sa biglaang paghagupit ng malakas na hangin at ulan nitong nakaraang Linggo , July 29 , 2012 , sa buong Kamaynilaan kasama na ang buong Gitnang Luzon at Timog Katagalugan.

Sa news report ng PAGASA bandang alas-sais ng gabi ng araw na iyon ay walang signal warning ng bagyo ang nakataas sa Kamaynilaan at mga karatig probinsya.

Ang bagyong Gener ay kasalukuyan nuong bumabayo ng kaniyang ngitngit at galit sa dulong Hilagang Luzon partikular sa mga lalawigan ng Batanes , Cagayan at Isabela .

Sa mga probinsyang ito nakataas ang typhoon signal warning number 1 hanggang 3.

Dito sa Maynila ay walang signal warning na itinaas dahil malayo ang sirkulasyon at mata ng bagyo dito .

Subalit bandang alas-onse ng gabi hanggang madaling araw kinabukasan ay nagulat ang lahat dahil biglaang bumuhos ang napakalakas na ulan at bumayo ang malalakas na hangin at ipo-ipo na naging sanhi pa ng malawakang brownout sa malaking bahagi ng Luzon .

Nang gabing iyon ay mahimbing akong natutulog  sa aming tindahan at hindi man lang nag-alala sa kung anong mga kaganapan dahil kampante ako sa pahayag ng PAGASA na walang signal warning sa buong Kamaynilaan at karatig probinsya.

Subalit kaginsa-ginsa ay ginising ako at naalimpungatan sa dis-oras ng gabi nung araw na iyon dahil sa malakas na paghampas ng tila ba isang mabigat na bakal sa loob ng aming tindahan .

Pagbangon ko ay tumambad sa akin ang eksenang pagkabuwal na pala ng napakalaking gate na bakal sa aming bakuran na sukat ikabagsak sa  loob ng aming tindahan .

Ganun kalakas ang hangin nuong gabing iyon !

So paanong nangyari na walang signal dito sa Maynila pero ang naranasang lakas ng ulan at hangin ay parang nasa ilalim ka ng isang typhoon signal ?

May paliwanag ang PAGASA tungkol diyan .

Maging ang mga beterenong meteorologist ng PAGASA ay nagulat sa hindi inaasahang pag-develop o pagbuo ng isang LPA sa isang lugar malapit sa Metro Manila .

Ang LPA na ito o low pressure area ay biglaang nabuo at umikot at umusad patungo sa Metro Manila at Rizal at tuluyang nalusaw sa Dagat Pasipiko pagkaraan lamang ng humigit kumulang tatlong oras .

Ang nasabing LPA umano ay may lakas ng hangin at ulan na katulad ng bagyong may signal numero 2.

First time daw itong nangyari sa history ng panahon dito sa Pilipinas.

It is unlikely na  biglaang mamuo ang isang LPA at pagkatapos ay malusaw kaagad sa loob lamang ng ilang oras .

Nakakatakot ito dahil hindi mo mapaghahandaan ang paglusob nito dahil biglaan nga ang pagkakabuo at pagkakakumpleto nito.

Talagang ibang -iba na ang panahon at klima  ngayon sa buong mundo at ang weird lang dahil may mga sumusulpot na ganitong phenomenon na hindi mo inaasahan.

Tunay nga yatang nagwawala na si Mother Earth dahil sa mga kagagahang ginagawa ng tao sa kaniyang kapaligiran .

Malalakas na mga pag-ulan . Pagbaha. Malalakas na hangin at bagyo.

Ipo-ipo. Tsunami. Lindol .

Mapaminsalang tagtuyot.

Sobrang lamig at pag-ulan ng yelo.

Ano pa bang mga kalamidad at mga sakuna ang naghihintay sa mundo sa darating pang mga taon ?

Ayoko nang isipin dahil nanghihilakbot ako sa maaaring mangyari at dumating sa susunod pang mga taon.

Nawa kapag dumating ang araw na tuluyan nang masira ang mundong ito ay matagal na rin akong nakahimlay sa ilalim ng lupa.

At naging alabok at sumanib na sa lupang aking pinagmulan.




Monday, July 30, 2012

Time and Karma

Facebook hirit ni  Alma Embestro Briones Ciron




Sunday, July 29, 2012

Ang Baka at Ang Palaka

Isang araw ay mayruong isang munting palaka ang masayang naglalaro sa damuhan.

Sa kaniyang paglundag-lundag ay nakarating siya sa kaparangan kung saan maraming baka ang nanginginain ng mga damo.

Namangha siya sa kaniyang nasaksihan .

Lalo na sa isang baka na ubod ng laki at taba.

Siya'y lubos na nanggilalas dahil hindi niya mawari kung anong uri ng hayop ito.

At ngayon lamang siya nakakita ng hayop na ganito kalaki at kataba .

Kaya't dagli-dagli siyang umuwi at lumapit sa kaniyang Amang palaka na nuo'y abalang naliligo malapit sa sapa.

Anak : " Ama , ama , dali kayo may nakita akong kakaibang hayop duon sa kaparangan . Ang laki at ang taba niya .

Dahil nakaramdam ng inggit ang ama sa tinuran ng anak at hindi makapaniwalang may mas lalaki pa sa kaniya , unti -unting pinalobo ng amang palaka ang kaniyang katawan upang mapantayan ang laki ng sinasabing hayop ng anak .

Ama: " Hmmm, ganito ba kalaki at kataba ang hayop na nakita mo anak ? "

Anak : " Aba , hindi po , Di hamak na mas malaki pa diyan . "

Dahil sa narinig ay muling pinalobo ng amang palaka ang sariling katawan upang mas lalo pa itong lumaki.

Ama : " Marahil ay ganito kalaki ang hayop na nakita mo anak ? "

Anak: " Ay hindi pa rin po . Sigurado po ako na mas malaki pa diyan ! "

Ama : " Letse ka . Anong gusto mong gawin ko , palobohin nang palobohin ang sarili ko hanggang sa pumutok ako? Anong palagay mo sa akin bubble gum? Eh kung pumutok ako sa kapapalobo ng katawan ko. Sobra kang ilusyunada. Eh papaanong hindi magiging malaki yun eh , mga baka yung mga hayup na nakita mo . Ano ka shunga . Baka lang hindi mo pa alam . Ngayon ka lang ba nakakita ng baka ha. Kung gusto mo ikaw ang gumaya dun at palakihin mo katawan mo . Kapag hindi ka sumabog at pumulandit ang mga laman-loob mo dito sa sapa , ewan ko na lang sayo ."

Anak : " Si tatay naman , para nagtatanong lang eh , masama na bang magtanong ngayon ? Hindi ko naman sinabing gayahin mo yung mga baka na yun eh di ba ? "

Ama : " Umuwi -uwi ka nga sa bahay damuho ka at baka di kita matantiya mahampas kita nitong palu-palo na dala ko . Uwi . "

At diyan nagtatapos ang isang modern day fable he he he .

Happy reading . 

Saturday, July 28, 2012

Ang piyansa , bow !



Bongga talaga itong si dating pangulo at ngayon ay Pampanga representative Gloria Macapagal Arroyo.

Aba , para lang pansamantalang makalaya at makalabas ng kulungan sa VMMC ay   nagpiyansa ng 1 million pesosesoses in cold cash huh .

Walang kahirap-hirap na binayaran ng cash ni madam ang kaniyang piyansa, samantalang yung ibang mga bilanggo  na inosente pa sa kasalanang ibinibintang sa kanila at nabubulok na sa bilangguan ay hindi pa makapag-piyansa dahil walang pera.

Oyyyy , hindi ko sinabing guilty si Madam Gloria huh !

Hmmmm , I just wonder kung saan napupunta ang mga piyansa na ganito kalaki ?

Meron bang auditing na ginagawa kung para saan at para kanino ito napupunta ?

Ikaw na Madam !

Ikaw na !



Friday, July 27, 2012

New Mr. Bean

Aliw na aliw ako kay Mr. Bean .

Kaya naman sinundan ko ang lahat ng episodes ng  TV show  niya nuong uso pa ito .

Sayang at hindi na siya " in " ngayon .

Kaya naman sobrang tawa ko dito sa Youtube video niya featuring him in many new faces .

Kumpletos rekados , merong Justine Bieber , Lady Gaga , Angelina Jolie , Osama Bin Laden and The Pope.

Saan ka pa !

Here are the videos :









Thursday, July 26, 2012

“Coming Home to Mandaue Foam”

Nuffnang Philippines and Mandaue Foam brings a free screening of  the movie The Bourne Legacy at Shangri-la Cineplex on August 10 , 2012.

Mandaue Foam is a furniture store with many branches scattered all over the country.

Visiting their website at Mandaue Foam will usher you to great buy finds .

Here are my top 3 choices :

1.)  3 Door Bookshelf w/ Glass - to stack-up my piles and collections of books in one place.


2.)  Dressing Table with Stool - for my bedroom .




3.) Seat Pad Fiber - for my sofa






These are all my great finds . And there's a lot more if you'll just visit their site.

Because Mandaue Foam is : Your home, your imagination"

Watch Mandaue Foam's newest TV commercial here :

 

 

 

 

 

Wednesday, July 25, 2012

Tuesday, July 24, 2012

Love Yourself Hub in Ermita

Sa pamamagitan ng kaibigang Migs ng blogsite na Manila Gay Guy ay aking nalaman na mayruon na palang sariling lugar ang organisasyong itinatag ng kaibigan kong ito .

Ito ay ang Love Yourself - isang samahan o grupo ng mga taong tumutulong upang impormahan , gumabay , umalalay at magbigay payo patungkol sa lumalaganap na sakit na partikular at karaniwang naaapektuhan ay ang mga taong nabibilang sa ikatlong kasarian, walang iba kundi ang AIDS .

Kaya naman hindi na nagpatumpik-tumpik pa at nagpadalus-dalos ang katotong si Migs upang maitayo agad ang sentrong ito ng kapatiran at bayanihan nang sa gayon ay maagapan ang patuloy at nakakaalarmang paglobo ng bilang ng mga taong naaapektuhan ng sakit na ito .

Kamakailan lamang ay ginanap ang opening ng sentrong ito ( July 08 , 2012 to be exact ) na nasa  Ermita ,Manila .

Welcome ang sinumang nagnanais magpunta dito whatever kind of people you are .

At kung nais mo rin ng libreng pagpapayo , paggabay at pati na rin pagsusuri ukol  sa nasabing karamdaman ay mangyaring magtungo lamang sa lugar na ito .

Makakaasa kayo na kompidensyal ang lahat ng bagay na mapag-uusapan sa sulok na ito ng magulong siyudad.

Kaya nagpapasalamat tayo sa kaibigang Migs dahil sa kaniyang makabuluhan at mabuting adhikaing ito at nawa ay patuloy na suportahan ng ating mga mamamayang may hangaring makatulong .

Para sa iba pang detalye tungkol sa naturang organisasyon ay pakibisita ang link ng website dito LOVE YOURSELF

At kasabay ng opening ay ang photo exhibit entitled " How Do I Love Thee ? " 

Tandaan : sa sama-samang pagtutulungan , walang problemang hindi kayang solusyunan .

Monday, July 23, 2012

James Holmes , Aurora shooter



Kalurkey naman itong si James Eagan Holmes , ang lone suspect sa mass shooting incident na nangyari sa loob ng isang moviehouse sa Aurora , Colorado USA .

At ang nakakapraning ay dahil nangyari ito habang ginaganap ang premiere night ng isang pelikula ; ang Batman : The Dark Knight Rises .

Truly , the dark rises inside the theater .

Ang sabi-sabi ay nag-ala The Joker daw ang praning na mama at pinagbabaril ang mga tao sa loob ng sinehan.



Ang resulta , nakapatay lang naman siya ng 12 katao at nakasugat ng halos mahigit sa 50 .

Aba , kahit pala sa loob ng sinehan ngayon ay hindi ka na rin safe .

Biro mo ay nagtungo ka sa isang sinehan to enjoy , sit back and relax to watch your favorite movie and also to see your movie idols in the flesh , tapos bigla ka palang pagbabarilin ng isang di kilalang tao .

Sa palagay ko ay isang kaso ito ng movie personification (?)

Pinortray ni James Holmes ang karakter ng isang villain sa pelikula and inadapt niya sa real world para maging mas makatotohanan.

Kaya mahirap kapag masyado kang nahu-hook sa mga karakter ng pelikulang pinanonood mo.

Mabuti kung yung bida ang laging gusto mong gayahin at kopyahin.

Eh paano kung tulad sa kaso nito na iyong kontrabida ang kinopya nung fan ?

Is this a kind of joke !!!???

Dyusko , wala naman sanang gumaya kina Darth Vader , Dr. Hannibal Lecter at Jason Voorhees noh !

Sunday, July 22, 2012

HIV home testing kit



Available na pala sa merkado ang HIV home testing kit .

Ito yung isinasagawang test para matukoy kung ikaw ay impektado na ng nakakahawang HIV disease .

Parang pregnancy tests lang ang peg nito na puwede nang isagawa sa bahay .

Dura lang ang kailangan at presto knows mo na kung ka-liga mo sila Dolzura Cortez , Sarah Jane Salazar , Rock Hudson , Magic Johnson , Freddie Mercury at marami pang iba.

At least maaga mong malalaman kung kailangan at dapat ka nang mag-ingat sa iyong mga sexual escapades na kaakibat ng sakit na ito

At makakapaghanda ka na rin kung saka-sakali .

Sa tumataas na bilang ng datos ng mga nagkakasakit  at nahahawa nitong sakit na AIDS na dulot nitong HIV ay marapat lamang ang ganitong madaliang paraan upang malaman agad ang resulta at sadyang makakatulong nang malaki upang maagapan ang patuloy pa na pagkalat ng epidemyang ito.

Subalit tila hinaharang pa ito sa merkado ng ating kagawaran sa kalusugan dahil hindi pa raw ito nasusuri ng sapat at wala pang pruweba kung ito ay tunay na mabisa at accurate ang resultang makukuha mula dito .

Subalit sa Amerika ay matagal na itong ibinebenta sa mga suking botika at parmasya.

Anu't anupaman ay aabangan natin ang kalalabasan ng bagong produktong ito.

At nawa'y makatulong nang malaki upang maibsan ang paghihirap na dulot ng sakit na AIDS.

Saturday, July 21, 2012

BanAnnabelle Rama

Sobrang over na sa kaepalan itong Annabelle Rama na ito .

Malapit nang dumama ang Rama na ito huh !

Dapat dito ipinapadala sa Roma para lektyuran ni Santo Papa ng good manners.

Dapat ding mag-enroll ito sa isang kurso ng right ettiquette ni Emily Post.

At kahit si Father dear ay imbyerna na rin sa mga kalurkihan ng Bisayang ito .

Pati ba naman sa burol ng pinagpipitaganang Dolphy ay umepal at umeksena ang bruha.

Ang daming kaaway ng babaeng ito huh ??!!

If  having many friends is an indication that you are well-loved and cared for and that you are kind-hearted and respected, in the same manner , lots of enemies and foes reveal that you have a problem with your attitude , hated by many and that you don't have respect on other people's feelings.

Simple lang naman.

Kapag marami kang kaibigan , marami ang nagmamahal sa iyo at gusto ang ugaling ipinapakita  mo .

Sa kabilang banda , kapag marami ka namang kaaway , ibig sabihin lang nun na masama ang ugali mo at marami ang may disgusto sa asal mo , ganun lang kasimple yun !

Saan ka nakakita ng talent manager na inaaway ng kaniyang mga talents huh!

At sa nangyaring kaguluhan sa lamay ni Comedy King Dolphy  , hindi rason ang provocation para umasta at umasal ka ng ganito lalo na kung nasa burol ka ng isang namayapang respetadong tao . Dapat lang na mamayani pa rin ang pasensya , lamig ng ulo at pagtitimpi lalo na at nasa gitna ka ng burol ng isang kagalang-galang na tao  .

Hindi naman siguro siya papatayin ni Chito Alcid at isusunod sa lamay ni Dolphy dahil nasa gitna sila ng kakapalan ng tao noh !

Dapat nga lang dito ay sampalan  ng lifetime ban ng PMPC at ng NPC !

At may balak pa iyang kumandidato sa susunod na taon huh.

Aba mga botante sa Kabisayaan , gamitin n'yo naman ang mga jutak n'yo please !

Baka kayong mga magiging constituents niya if ever , ang mismong banggain niya kapag nagkataon.

Tila hindi yata naipasa ni Mam Rama ang subject na GMRC dahil kulang na kulang siya nito .


Aba'y kung ako ang Pamilya Quizon  , idedeklara kong persona non grata ang babaeng ito sa aming pamilya.

Asal palengkera talaga.

At ano naman ang sey dito ng kaniyang dyowawa na si Eddie Gutierrez?

Pinababayaan na lamang niyang umalagwa at magwala nang ganun-ganun ang kaniyang waswit .

Andres de saya ba si Eddie at tila walang yagbols sa mga ikinikilos ng kaniyang esmi?

Nagtatanong lang po !

Hay naku , sa mga anak ni Rama na sina Rufing , Richard at Ateng Raymond , it's high time na pagsabihan na si madir sa kaniyang mga hindi kagandahang actuations bago pa mahuli ang lahat huh!

Bad bad bad!

Annabelle , you've been a bad person , dapat sa iyo i-paddle at i-spank  sa puwet para madala ! 

Friday, July 20, 2012

Bones - Hillsong United


LSS ko ngayon itong bagong worship song from Hillsong Ministry of Australia

Entitled Bones from the Aftermath album of Hillsong United Ministry .

May live version ito sa concert nila sa Miami , Florida at napakagaling din ng rendition nila dito .

Ang  ganda ng boses ng worship leader na si Jill Mc Cloghry.

" Ohhhh , Jesus , Alive In Me "

Here are the videos:




Thursday, July 19, 2012

Legends never die

Salamat kay Peter Basco para sa larawang ito :


Wednesday, July 18, 2012

25 Most Respected Gays In The Philippines?



Most respected gays nga daw sila in the whole of the Philippines.

Unang tanong : berdaderong bakla nga ba ang mga kasali sa listahang ito ?

Pangalawang tanong :  Respetado nga ba silang lahat ?

Pangatlong tanong : Sila lang bang 25 ? Wala na bang maidadagdag ?

Ha ha ha.

It's really more fun in the Philippines !



Tuesday, July 17, 2012

Benefits of having friends

From Jollibee Kids Workshop :
RENEWING BOND OF FREEDOM AND DEVELOPMENT (from newsflash)
The relationship between the Philippines and the United States began at the end of the 19th century, during the Spanish-American war, in which Filipino revolutionaries and American forces fought together to liberate the Philippines from colonial domination.

Today, the Philippines and the United States have developed a relationship that is mature and mutually beneficial.

Mabuhay ang pagkakaibigan ng Pilipinas at ng America!
The Benefits of having Friends:
from centreforconfidence
1) Friends are also there to reduce the stress and challenging developmental experiences that we are faced with particularly during adolescence and early adulthood.
2) Provides the social and emotional support necessary for successful transition into adulthood
3) Ellen Gold author of the article ‘Benefits of Social Interactions’, further argues that having friends and socialising is particularly important in modern society, because today’s households have become very small.
4) They found that among women who had experienced stressful life events, those without someone to talk to were ten times more likely to be depressed than those who had someone to confide in.
5) Having social networks separate from the family means that we can seek comfort and support in other equally rewarding networks, when life becomes difficult.

"Sharing with friends helps multiply the joys and divide the sorrows" -unknown.

Saturday, July 14, 2012

Friday, July 13, 2012

The 10 Most Iconic Hairstyle

Nais ko lang i-share itong article from Time Magazine US Edition

Tungkol sa Top 10 iconic hairstyle na tunay namang sumikat at nakilala sa buong mundo.

Heto sila :

1.)

ZELDA FITZGERALD'S BOB
2.)

VERONICA LAKE'S FINGER WAVES 



3.)

ELVIS PRESLEY'S POMPADOUR

4.)

THE BEATLES' MOP TOPS 
5.)

BRIGITTE BARDOT'S BEDROOM HAIR
6.)

MIA FARROW'S PIXIE CUT
7.)

PAM GRIER'S AFRO

8.)

BOB MARLEY'S DREADLOCKS
9.)

FARRAH FAWCETT'S LAYERS
10.)

JENNIFER ANISTON'S RACHEL 


Super agree naman ako sa artikulong ito .

They are all iconic in their own way .

Subalit nagtataka lang ako dahil kung bakit hindi nakasama sa listahan ang isang ito .

Para sa akin ay very iconic ang hairstyle na ito of our very own Madam Imelda Romualdez Marcos .

Davah naman !

IMELDA MARCOS' BOUFFANT

O ha , sinong kokontra ???!!!



Wednesday, July 11, 2012

R.I.P. Dolphy

Nagluluksa ang buong industriya ng pelikulang Pilipino at maging ang buong Pilipinas at ang mundo .

Ito ay dahil sa pagpanaw ng magaling at minamahal na Hari Ng Komedya na si Dolphy , Rodolfo Vera Quizon sa totoong buhay  , sa edad na 83 kahapon , July 10 , 2012.

Isa na namang dakilang haligi ng pelikulang Pilipino ang inagaw sa atin ni Kamatayan.

Nuong bata pa ako , ang akala ko sa mga sikat , mababait at magagaling na mga tao ay hindi namamatay .

Akala ko nuon ay invincible sila sa mga sakit at karamdaman dahil sa kanilang kabaitan at kagalingan .

Ang buong kainosentehan kong turan  nuon ay , "hindi sila kukunin ng Diyos kasi mababait sila at magagaling"

Ngunit ngayong dekadang ito ay ilan na ba ang mga magagaling,  mababait at sikat na tao ang kinuha sa ating kalagitnaan ni Lord ?

Nandiyan sina Mother Teresa , Pope John Paul II , Michael Jackson , Whitney Houston , Fernando Poe Junior at ngayon nga ay si Mang Dolphy .

Tandang tanda ko na ang unang pelikulang napanuod ko sa sinehan  ay isang pelikula ni Mang Dolphy ( hindi ko na maalala ang titulo nito dahil batang bata pa ako  nung unang makapasok sa sinehan )

At masugid ko ring sinubaybayan nuon ang  kaniyang TV show na John En Marsha opposite  another versatile and veteran actress Nida Blanca .

Nauna nang nagpaalam si Aling Marsha .

At ngayon naman ay si Mang John Puruntong  .

Dolphy , you will always be remembered .

You will never be forgotten .

You will always be in our hearts forever and ever.

Salamat sa isanlibo't isang tuwa at halakhak na walang halong pag-iimbot mong ipinagkaloob sa amin .

Kalungkutan man ang aming nadarama ngayon , alam naming sa piling ni Ama , ikaw ngayon ay maligaya.

DOLPHY ( 1928 - 2012 ) 


Tuesday, July 10, 2012

" Ang pag - aasawa ay parang softdrinks lang ... "

Gusto ko ito :

" Ang pag - aasawa ay parang softdrinks lang.

Masarap siya , malamig at nakapapawi ng uhaw .

Walang masama sa pag-inom ng softdrinks.

Perokung gagawin mo na uminom nito nang maagang-maaga , sisikmurain ka , sasaktan ng tiyan at masusuka"

Sabi ni Vice Ganda iyan sa Showtime .

Tama na naman si Petrang Kabayo.

Walang kauuwian ang maagang pag-aasawa.

Marami na ang sinikmura at isinuka ang pag-aasawa dahil maagang sinimulan.

Akala kasi nila ay ganun-ganun  lang ang pag-aasawa.

Dapat ang pag-aasawa ay pinaghahandaan at pinaplano .

Hindi iyong ura-urada na akala mo nakaisip lang na mangubeta .

Na matapos umebak at umihi ay tapos na .

Ang sabi nga " ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo , na kung mainit at mapaso ay puwedeng iluwa "

Kaya nga ako ay hindi nagso-softdrinks.

Lalo na sa umaga.

Dahil ayaw kong sikmurain at masuka kalaunan.

Puwedeng kape at tsokolate na lang sa umaga .

Mainit na , pampagana at masarap pa .

Pampaganda pa ng umaga .

Saka na lang ang softdrinks.

Puwedeng sa hapon o gabi .

Kapag handa na ang ating sikmurang tanggapin ang asim at asido na taglay ng carbonated soda na inuming ito .

Tulad din sa pag-aasawa.

Mas mainam kung mas matanda na .

At least handa na tayong harapin ang anumang pagsubok na idudulot na bunga ng pagsasamang ito .

Yun lang.

Salamat !



Saturday, July 7, 2012

Don Allado's tweet



Usap - usapan ang tweet nitong PBA  Barako Bull center na si Don Allado na may game fixing o rigged o benta ang laban na nagaganap sa PBA games .

Pinasinungalingan na ito ng pamunuan ng PBA partikular ni Commissioner Chito Salud.

Nakakaalarma din ang " bahong " ito na isinuplong ni Don Allado.

Marahil ay may pinaghuhugutan ito kaya niya nasabi ang ganuon.

He has a keen observation definitely.

Ikanga , kung may usok , may apoy.

At hindi ito dapat ipagsawalang-bahala.

Dahil all along pala ay moro-moro na lang ang mga nagaganap na sagupaan sa PBA arena.

Samantala , hindi rin naman makatwiran kung basta  na lang ito isiniwalat ni Don Allado nang walang kaukulang ebidensya .

Dapat sa bawat akusasyon na ating binibitawan ay laging may kalakip na ebidensya .

Sa pinakahuling balita , sinuspinde na ng isang conference si Don dahil sa iresponsable umano nitong mga pahayag.

At pinagmumulta pa siya ng kalahating milyong piso dahil dito.

At umamin na rin si Don na wala umanong basehan ang kaniyang mga ipinahayag at " there is no  game fixing in the PBA and there never was "

Hmmmmm , biglang natameme si Don .

Palyado na yata ito eh .

Ah ewan ko sa inyo.

Friday, July 6, 2012

Osang at X Factor Philippines

May bago na naman akong bet para dito sa X Factor Philippines show ng ABS CBN .

Walang iba kundi ang stand-up comedian na si Osang .

This surely states that bekis have rare talents indeed.

Aba kung maka-headbang at rumakenrol ang bruha ay daig pa ang tunay na lalaki huh.

At kung maka-Mr.Bombastic parang original Shaggy .

May standing ovation pa mula sa mga audience and judges themselves ang bakla.

Tunay na may laban ka Osang.

Let's all see him in the finals .

Wanna bet ?

Here's the video of  his audition performance aired last July 01 , 2012 .




Thursday, July 5, 2012

Safeguard Active

Likas akong pawisin .

Over ang aking mga sweat glands sa pagtatrabaho upang magkatas ng butil butil na pawis mula sa aking katawan .

Lalo na kapag tag-init , grabe , super overtime sa pagwo-work ang aking mga sweat glands.

Minsan ngang nagpunta akong Makati City ay todo hiya me dahil basang basa ang  likurang bahagi ng aking damit  dahil sa tagaktak ng pawis .

At dahil dito ay kaakibat din ang body odor na hatid nito.

Amoy pawis talaga .

Nakakahiya na .

Mahirap namang itago sa pabango dahil kapag pinaghalo ang dalawa - pawis at pabango - lalong mas maaskad ang amoy.

Kaya naman heaven sent ang Safeguard Active .

Simula nang gamitin ko ang sabong ito bilang panglinis sa aking katawan sa tuwing maliligo ay never na  akong nangamoy-pawis.

Ang pawis pala actually ay odorless o walang amoy.

At ang totoong nagpapabaho sa pawis ay kapag ito ay  binahayan at ginawang bahay-bakasyunan ng mga  pesteng bacteria na naa-attract sa ating pawis.

At kapag naghalo na ang asido ng pawis at asido na inilalabas ng mga bacteriang ito ay duon na sumisingaw at nanggagaling ang baho.

What Safeguard Active is doing ay pinapatay nito ang mga bacteriang nagdudulot ng masangsang na amoy .

Kaya naman, no more worries na mula sa masangsang at di kanais-nais na amoy pawis kahit maghapon akong magbilad at rumampa sa sikat ng araw.

Thank you Safeguard Active for finding a solution to my worrisome problem of  having a body odor .

Magmula ngayon , Safeguard Active na ang sabon ko !



Tuesday, July 3, 2012

Call Me , Maybe

Here's a hit song from Canadian Idol third placer Carly Rae Jepsen entitled " Call Me, Maybe " .

Hanep ang hit sa Youtube nito na nasa 118 million lang naman huh . And still growing.

Bongga!

Hindi kaya inuulit-ulit din lang ang mga views nito nang kaniyang mommy tulad sa PLDT Anna Banana commercial he he he.

In fairness , madaling maka-LSS ang kanta.

At ang cute and hot ng lead actor sa video na si Holden Nowell hmmmm.

Watch and listen to the video here:






Aba at pati si US President Barak Obama ay nagko-Call Me Maybe rin huh.

Monday, July 2, 2012

Young actor, mapagpanggap ang nipples

Ha ha ... ang kyut naman ng article na ito ni Allan Diones para sa Abante-Tonite . Blind Item tungkol sa young actor na may mapagpanggap na utong he he he .

Dapat ang title nito sa English ay  " The  Pretentious Nipples " he he he .

Type ko iyan !

Read on :



Young actor, mapagpanggap ang nipples
ALLAN DIONES





NATAWA kami sa narinig naming kuwento tungkol sa isang yummy young actor.
Hunky heartthrob at sarap-sarapang leading man ang imaheng ipino-project sa publiko ng nasabing young actor, pero ewan kung bakit marami ang may duda sa kanyang pagkalalaki.
‘Yung iba, sa pamamagitan lang ng kilos, galaw, pananalita at pagiging malamya ni yummy young actor ay nagagawa na kaagad mag­husga na beki ito.
Tiyak na mas mara­ming kilay ang magtitikwasan kapag narinig nila ang tsika tungkol sa katawa-tawang ginawa minsan ni yummy young actor sa taping ng programang kasali ito.
Napaka-conscious ni yummy young actor sa kanyang katawan.
In fairness ay panalo ang kanyang hunky body, pero tila hindi pa siya kuntento roon.
Nang minsang kailangan siyang mag-topless sa isang eksena sa kanilang teleserye, sobrang na-conscious si yummy young actor sa kanyang nipples.
Ang ginawa niya ay nilagyan niya ng Merthiolate ang kanyang mga utong para maging pinkish ang mga ito.
Merthiolate ang kila­lang gamot noong araw na ginagamit na panggamot sa mga sugat at gasgas sa katawan lalo na ng mga bata kapag nadadapa o nagagalusan.
May mga naglalagay rin nito sa kuko matapos magpa-manicure o pedi­cure para ma-pink-pink ang kulay ng mga kuko.
Naisipang pahiran ng ganito ni yummy young actor ang kanyang nipples para mas magandang tingnan dahil pinkish.
In fairness ay okey sana ang gimik niya na ‘yon, kaya lang ay biglang umulan sa set!
Dahil nabasa ng ulan ang katawan ni yummy young actor ay unti-un­ting humulas ang kulay ng Merthiolate mula sa kanyang mga utong.
Mistulang binanlawan ng tubig-ulan ang pulang gamot na nakalagay sa kanyang nipples na nagpapanggap na pink.
Bumalik sa dating kulay ang mga utong niya at natawa ang mga nakakita.
Si yummy young actor din ‘yung halatang pakitang-tao lang ang pagiging sweet sa kila­lang young actress na ipinapareha sa kanya.
Tanong niya sa mga kasamahan niya, dapat ba ay maging sweet siya sa kanyang ka-loveteam kapag may mga taong nakaharap, lalo na kapag mga press people?
Kaya ayun, nang may bumisitang press sa set ay swit-switan kuning-ku­ning si yummy young actor sa kilalang young actress alang-alang sa promo at good publicity.
Hirit tuloy ng mga nakakaalam ng kaeklayan na ito ni yummy young actor, wala siyang pinagkaiba sa kanyang nipples… pareho silang mapagpanggap!