Saturday, June 30, 2012

Bibit Falls tragedy

Mayruong isang falls o talon na malapit dito sa amin .

Ito ay ang Bibit Falls na nasa Sitio Pagrai , Antipolo City .

Ilang metrong lakaran lamang mula sa amin  ay mararating mo na ang (in)famous falls na ito .

Hindi man ito kasing ganda ng Pagsanjan Falls , o kasing taas ng Angel Falls sa Venezuela o kaya ay kasing-lawak at gara ng Niagara Falls sa Canada - mayruong sariling ganda at panghalina ang talon na ito kung kaya't dinarayo ng maraming tao  lalo na kapag panahon ng tag-init.

Madalas din kami dito nuong aming kabataan.

Kadalasan ay dito na kami nuon naglalaba at naliligo habang dala-dala ang ilang piraso ng pagkain at inumin para sa maghapong " picnic " sa lugar na ito.

Masaya ang bonding namin nuon na magpipinsan sa lugar na ito.

Madaling-araw pa lamang ay nagsisimula na kaming maglakad patungo sa nasabing talon upang duon ay magharutan at magkulitan  kasabay ng pagganap sa aming mga pakay na paglalaba at paliligo.

Subalit simula nang magkaruon ng quarry at paghuhukay sa isang bundok malapit dito ay tila ba humupa na rin ang dalas ng pagpunta namin sa lugar na ito.

Ang dati kasing malinaw at malinis na tubig na umaagos at bumabalisbis dito ay naging kulay tsokolate na sa pagdaan ng panahon .

Ang sabi nga nila ay para na daw Nescafe 3 in 1 o kaya ay Kopiko Brown ang kulay ng ng tubig na bumababa sa  talon .

Hindi na mainam paliguan at paglabahan.

Subalit kataka-taka na marami pa rin ang naeengganyong maligo dito at magtampisaw sa malamig niyang tubig lalo na kapag summer bilang pamatid-init sa sikat ng araw.

At kaakibat ng pagiging kilala ng talong ito bilang sangtuwaryo ng mga batang sabik na maligo sa" bumubuhos na tubig mula sa itaas" ay ang nakapanghihilakbot na mga kuwento tungkol sa mga nalulunod dito

Halos taun-taon , simula nang magisnan namin ang falls na ito , sabi nga ng iba , ay may " kinukuhang kaluluwa  ang mga sirena " na naninirahan dito.

Halos hindi nagmimintis na laging may kinukuhang katawan  ang talon na ito mula sa daigdig ng mga buhay.

Kamakailan lamang , nito lamang katatapos na Mahal na Araw ngayong taon ay may isang bata na namang
"kinuha" ang talong ito .

Karamihan ng mga biktima ay mga bata at kabataan na siyang mas maraming nagpupunta dito.

At nito lamang buwang ito ay ang balitang  gumimbal sa aming lahat kung saan ay isa na namang bata ang nalunod sa nasabing talon.

At ang mas nakakalungkot ay dahil kakilala at kapitbahay namin ang nasabing nalunod na bata.

Karamihan kasi ay hindi taga-sa amin o mula sa ibang lugar ang mga bata na nalulunod dito.

Subalit ngayon ay isang  kapitbahay namin ang naging biktima ng nasabing talon .

Ayon sa kuwento ay napagpasyahan ng tatlong magpipinsang mga babae na sila ay maligo sa talon .

At dahil sa mga biruan at tulakan na naganap sa pagitan ng tatlong magpipinsan  ay aksidenteng nahulog sila sa nasabing ilog .

Sa kabutihang palad ay nailigtas ang dalawa sa mga magpipinsan .

Subalit hindi ganuon kapalad na makuha at sagipin ang kanilang pinsan na si Kianna.

Linggo nang iyon ay mangyari .

Ni walang kalaam-alam ang kaniyang mga magulang na si Kianna pala ay sumamang maligo sa Bibit.

Nagsagawa agad nang puspusang paghahanap upang piliting sagipin pa ang bata.

Subalit lumipas ang mga araw na bigo ang mga rescuer na makita at masagip pa ang katawan ni Kianna.

Hanggang sa sumapit ang Miyerkules , tatlong araw nang siya ay mai-report na nawawala at malunod , nakita ang kaniyang bangkay sa  Floodway sa Taytay Rizal , ilang kilometro ang layo mula sa Bibit Falls.

Isang malungkot na kaganapan  para sa isang tahimik na sitio dito sa Antipoolo.

Aligaga din ang aking ama sa paghahanap at pag-aasikaso sa bata , simula nang ito ay mapabalitang nalunod , hanggang sa araw na marekober ang kaniyang bangkay sa Floodway.

Headline din sa tatlong nangungunang TV Stations ang balitang ito . GMA , ABS-CBN , TV5

At may interview portion si Father bilang Sitio Chairman ng aming lugar .



Sa ngayon ay na-cremate na ang katawan ng batang si  Kianna.

At sigurado ako na siya ay nasa kandungan na ng ating amang si Abraham.

Ang panalangin ko lang sana ay hindi na masundan pa ang "pagkuha ng mga sirena" ng buhay mula sa ating daigdig.

May you rest in peace .

Kianna Obleada

2000 - 2012
 

Friday, June 29, 2012

Sayonara , Direk Mario O'Hara

Nagpaalam na rin sa ating kalagitnaan ang beteranong direktor , aktor at manunulat sa pinilakang tabing na si Direk Mario O Hara  nitong June 26, 2012 dahil sa sakit na leukemia .

Isang magaling na direktor ( Babae sa Breakwater , Mortal , Condemned ) manunulat ( Tinimbang Ka Ngunit Kulang , ) at aktor ( Gabriela , Santiago , Halimaw ) , pumanaw ang pinagpipitaganan at minamahal na direktor sa edad na 68 .

At tulad ng kaliga niyang si Dolphy , inaasahan ding maitalaga bilang National Artist subalit nakamatayan na lamang niya ay wala pa ring nangyari.

Solohin ninyo na lang ang award ninyo !

Condolence to the family of  Direk Mario O'Hara .


Thursday, June 28, 2012

Gandang Gabi Vice

Aba , at  avid follower/fan na ako nitong programa ni Petrang Kabayo na Gandang Gabi Vice huh .

Tuwing Lingo ng gabi ay nakatutok na ako sa programang ito na tunay namang nakakaaliw kesehodang wala pa akong tulog o puyat .

Halos ayaw kong palagpasin ang palabas na ito every Sunday night.

Nakakaaliw naman kasi talagang mag-host itong si Vice .

Very kikay at maharot .

Pumi-PBB Teens he he he.

Kaya nga may rating na SPG ang show eh . Just like PBB Teens he he .

At least , mas swak sa reyalidad.

Kaysa naman sa iba na nagpapaka-plastik sa pagharap sa kamera.

Palung palo  ang SOH ( sense of humor  )  ng baklang ito .

Nang magsabog yata ng biro at tawa ang Diyos ay banyera ang sunong-sunong  ng bading na ito .

Kaya nasalo niya ang lahat ng tawa , hagalpak at halakhak ha ha ha .

Konting kibot ng labi ay tiyak na matatawa ka .

Mabisang pantanggal ng mga sakit at problema.

Very creative pa at spontaneous.

Ikaw na Vice .

Ikaw na ang Oprah ng Pilipinas .

Hindi masyadong bulgar , hindi rin naman boring .

Pero hindi ka puwede sa morning .

Panggabi ka lang talaga .

Parang si David Letterman lang ang peg .

Pero kahit na after ka pa ng PBB Teens.

GGV really wins !

Wednesday, June 27, 2012

National Artist Award for Dolphy


Kaisa ang espasyong sa ito sa panawagan upang ipagkaloob  kay Comedy King Dolphy ang nararapat na National Artist Award as soon as possible!

 Now na and make it quick !

Ano ba naman NCCA at CCP ang bagal bagal ninyong kumilos !

Natutulog ba kayo sa gotohan ? 

Kung kailan nakaratay na sa ospital ( or much worst , kung patay na ang isang tao ) ay saka bibigyan at aalayan ng post-humous award kung kailan hindi na niya maa-appreciate ang ganda nang pagkakahirang at pagpupugay sa kaniya bilang isang tunay na alagad ng sining .

Kung ganuon naman pala na matagal ang proseso bago hirangin ang isang tao bilang National Artist eh di sana nuon pang malakas na malakas pa si Dolphy ay pinag-isipan at iniakda na ang proseso nang sa ganun ay tamang tama na mailuklok na siya sa pedestal bago pa man siya tuluyang manghina at malagutan ng hininga.


Eh kaso kung kailan nanghihina na at maysakit ay saka lang aasikasuhin .

Watdapak !

Para bang , mamatay ka muna bago ka namin kilalanin !

Anak ng upo at patola !

National Artist Award for Dolphy , ngayon na!


Tuesday, June 26, 2012

The Top 10 Workout Songs of 2012

Here's a press release from Chris Lawhorn of RunHundred website:

The Top 10 Workout Songs of 2012...So Far

Fort Wayne, IN – June 10, 2012 – It's usually December, when folks take a look back at the year that's passed. But, with summer just around the corner—and plenty of opportunities to get back outdoors—it seemed like a great time to recap the best workout tracks from January through May.
Big beats continue to reign supreme in the gym. The workout music royalty—Pitbull, Flo Rida and Lady Gaga—make their customary appearances in the top ten. Additionally, as you might expect, the list features a handful of dance cuts—with Breathe Carolina, Rihanna, and Cobra Starship each getting the remix treatment. Lastly, adding a little variety, there are the crossover hits—both from club producers (like Avicii), rockers (like Linkin Park), or both (like the collaboration between DJ Steve Aoki and Weezer frontman Rivers Cuomo).

Here's the full list, according to votes placed at Run Hundred--the web's most popular workout music blog.


Breathe Carolina - Blackout (Wideboys Remix) - 128 BPM
Flo Rida & Sia - Wild Ones - 129 BPM
Lady GaGa - Marry The Night - 132 BPM
Linkin Park - Burn It Down - 111 BPM
Rihanna - We Found Love (Cahill Club Remix) - 128 BPM
Avicii - Levels - 126 BPM
Steve Aoki & Rivers Cuomo - Earthquakey People - 128 BPM
Pitbull - Back in Time - 126 BPM
The Wanted - Glad You Came - 127 BPM
Cobra Starship & Sabi - You Make Me Feel... (Felix Leiter Remix) - 127 BPM

To find more workout songs, folks can check out the free database at RunHundred.com. Visitors can browse the song selections there by genre, tempo, and era—to find the music that best fits with their particular workout routine.

Contact:
Chris Lawhorn
Run Hundred
Email: Admin@RunHundred.com

Monday, June 25, 2012

Mayaman ... Mahirap ...

Mula sa " Jokes Lang Po! " column ni Jerry Olea sa Abante-Tonite :


Mayaman: J&B, Black Label, Jack Daniels, Remy Martin, Bacardi, Chivas Regal
Mahirap: Gin, Empie Lights, Lambanog
Mayaman: Kinilaw na tanigue, sisig, lechon kawali, crispy pata
Mahirap: Singkamas, Indian mango, iodized salt
Mayaman: Kent, Lucky Strike, Dunhill, Benson and Hedges
Mahirap: Fortune
Mayaman: Bacon, ham, egg, croissant, brewed coffee
Mahirap: Kapeng barako’t panis na laway
Mayaman: Paella, kare-kare, relyenong bangus, pumpkin soup
Mahirap: NFA rice, alugbati soup, sauteed adidas
Mayaman: Leche flan, ice cream
Mahirap: Sundot-kulangot, candy
Mayaman: Home-made cake, baked mac, lasag­na, hamburger, fresh fruit juices
Mahirap: Iced water, binatog, linupak, karyoka
Mayaman: Liberated
Mahirap: Haliparot
Mayaman: Single mom
Mahirap: Naanakan
Mayaman: Legally sepa­rated
Mahirap: Nilayasan ng asawa
Mayaman: Teen-age mom
Mahirap: Maagang lumandi
Mayaman: Angels co­ming from a single parent
Mahirap: Bastardo’t bastarda
Mayaman: Polo, YSL, Ralph Lauren, Lacoste, Gap
Mahirap: Crispa
Mayaman: Limousine
Mahirap: Trolley with convoy courtesy of PNR train
Mayaman: Carribean cruise
Mahirap: Manila Bay Cruise
Mayaman: Special child
Mahirap: Mongoloid
Mayaman: Liberated
Mahirap: Manyak
Mayaman: Slow learner
Mahirap: Mapurol, bobo, tanga
Mayaman: Partygoers
Mahirap: Buraot
Mayaman: Bed-ridden
Mahirap:Nanganga­moy-sementeryo na
Mayaman: Drug & liquor rehabilitation
Mahirap: National Bilibid Prison
Mayaman: Cocaine, heroin, ecstasy
Mahirap: Talampunay, 7-up with dinikdik na Cortal

Sunday, June 24, 2012

The Bourne Legacy Official Trailer Number 2

Heto na.

Heto na ang pinaka-aabangang official trailer ( # 2 ) ng pelikulang Bourne Legacy na dili iba't i-shinooting dito sa ating bansa .

Starring Jeremy Renner , Rachel Weisz and Edward Norton on the lead .

Kitang kita sa trailer ang pabulosang pagbandera  ng maalamat na Philippine jeepney na very much highlighted sa kabuuan ng pelikula.

Trailer pa lang 'yan .

Eh paano na kapag buong pelikula na ang ating nasilayan!

Sure winner iyan siyempre!

Proud to be Pinoy .

I'm sure na maraming maeengganyong mga turista ang dadayo sa Pilipinas dahil sa pelikulang iyan .

Kaya't abangan na ang pelikula sa August 3 sa mga sinehan sa buong mundo !

Heto na ang teaser :



Wednesday, June 20, 2012

Mga uri ng tao ayon sa katayuan ng itsura

Mga uri ng tao ayon sa katayuan ng itsura.
HIPON
Patapon ang ulo. Maganda ang katawan. Marami neto sa lansangan!
 
LOLLIPOP
Tapon katawan. Ulo ang pakinabang.
BULALO
Pangit mukha, pangit pa katawan. Pero masebo ang utak, in short “ matalino ”!
BUKO
Pangit ang mukha, pangit rin ang katawan, wala ring utak. Pero malinis ang kalooban!
 
Yun lang !

Sunday, June 17, 2012

Don't Cry - Ken Laszlo

Nuong sumikat ito nuong Dekada 80 ay super like ko na ito .

At hanggang ngayon ay very vivid pa rin sa memory ( gap )  ko ang sound and melody ng awiting ito .

Actually , isa siyang Euro dance na sumikat nuong dekadang iyon .

Pinasikat siya ni Ken Laszlo who hails from Italy.

At kapag naririnig ko ito ay hindi ko mapigilang sumabay sa indak ng musika  at makisabay sa pag-awit ng liriko.

Actually , mainam siyang tipahin sa gitara na medyo marahan  lang ang pagkakaareglo.

Yung tipong slow jam.

Let's go back to the Euro music once again via this immortal classic entitled Don't Cry :

 

Friday, June 15, 2012

6 na bagay sa katawan na huwag na lang sana ...

Opo , ito yung mga bagay  sa aking katawang lupa na sana ay wala na lang o hindi na lang nagaganap o nangyayari  .

And I am speaking in behalf of myself .

Opo , sa ganang sariling kadramahan ko lang ito. 

Ngunit sa tingin ko , ang karamihan din sa aking mga kapwa ay ganito din ang  saloobin:

1.) Buhok sa ulo - sana hindi na lang humahaba at kumakapal ang buhok ko . Gusto ko ay lagi na lang maiksi at manipis ang aking hokbu sa anit . Mainit kaya sa ulo ang makapal at mahabang buhok . Kaya every 3 months halos ay obligado akong magpatabas kay Manong Barbers . Madali pa namang humaba ang aking hairlilet na parang laging binubuhusan ng hair grower.Hindi ko pinangarap na maging katulad ni Rapunzel na may extra long hair , there and everywhere. Mabuti kung aakyatin din ako ng aking prince charming sa aking tore he he .Hindi ko rin kailanman pinantasyang magpahaba ng hairlaloo kagaya ni Elvira noh .  Actually ayaw kong humaba ang aking hair . Ngunit ayaw ko din naman ng kalbo o panot . Basta ang wish ko lang ay isang clean cut and well-shaved hair sa ulo na never nang hahaba at lalago forever. Basta ganun na lang  siya magpakailanman .

 2.) Buhok sa katawan - hate ko rin ang mga buhok sa aking katawan like what I have in my underarms , at my shoulders and back , in my chest and also at my butt he he he . Kung bakit naman kasi itong si Motherly ay ipinaglihi pa naman ako sa balut penoy na sa dinami-dami naman ng mapagtritripan ay ito pa. Isali ko na din ang aking bigote at balbas na hassle ang halos araw-araw na paglago na parang damo na kahit hindi mo lagyan ng fertilizer ay kusang tumutubo . Kaya obligado ka tuloy mag-ahit din araw-araw. Kapag hindi mo naman inahit ay baka mapagkamalan kang galing sa Planet of The Apes o miyembro ka ng Taliban ni Osama Bin Laden  . Hindi pa naman bagay sa akin dahil nawawala ang aking mukhang pagiging inosente he he. Nagmumukha tuloy akong si Mr. Suave .Sana hindi na lang sila tumutubo at lumalago sa aking katawan . Hindi ko pa naman kayang magpa-permanent hair loss dahil Mahalia Jackson .

 3.) Taba - I am sure marami ang aagree sa akin kapag sinabi kong sana ay hindi na lang naimbento ang taba huh . Ang dami kayang ayaw sa taba na iyan noh especially ang mga bilbil sa tiyan hu hu hu .Kaya nga diyan yumaman si Mam Vicky Belo dahil ang daming nagpapatanggal ng kanilang sebo at taba . Eh bakit pa kasi kailangang ideposito ang mga taba na iyan sa katawan huh . Mabuti kung pera iyang nai-stock sa ating tiyan , mayaman na siguro ako  . Milyonaryo pa he he . At mabuti kung mapapakinabangang ibenta por kilo  . Hayzzz , Taba Taba , Paano Ka Ginawa ?

4.) Pawis - Isa pang likido sa katawan na ayokong ayoko . Sana hindi na lang pinapawisan ang tao dahil nangangamoy-pawis at alat . Malagkit pa sa katawan . Mabuti kung laging aircon ang haybol namin . Eh kung hindi , todo tagaktak like Pagsanjan Falls ang pawis ko lalo na sa bandang likod. Kaya naman todo kontra din  ako dito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga anti-perspirant cream na hassle naman sa kalagkitan . Gonna Make You Sweat at Sweat For My Sweat ang drama ng lolah n'yo ha ha ha.

5.) Kuko - bakit kailangan pang humaba ng kuko everyday . Kakaputol mo lang ngayon ang haba na naman kinabukasan . Bakit hindi na lang sila manatiling maiksi para hygienic . At hindi mo  na kailangang i-trim at i-nail file week after  week .Mabuti kung lagi kang may pera para magpa-manicure and pedicure sa David's Salon. 

6.) Oil - lalo na sa aking mukha . Baka nga kung lagyan mo ito ng galunggong ay maluluto ito sa ilalim ng sikat ng araw .Hyper ang aking mga sebaceous glands sa pagmamanufacture ng galon-galong oil everyday . May overtime pa sila at night shift na duty . Kung maiimbak ko nga lang ito ay baka naging milyonaryo na ako dahil puwede na akong magtayo ng oil refineries dahil dito. Sabi nga oiliness is next to ugliness ewww . Kaya naman kailangang tambakan ng tone-toneladang pulbos at oil-controlling powder ang aking fez para hindi magmukhang longganisa huh . Kung puwede lang itong ipunin at i-market bilang bagong cooking oil .



So there, iyan ang mga bagay sa aking katawan na sana hindi na lang nangyayari o nagaganap.

But then again , that is the design of our God sa ating katawan and I believe He knows what's best for us so who are we to argue .

Nangyayari ang mga iyan dahil hinayaan Niyang ganiyan ang kanilang konsepto . Ganiyan ang kanilang disenyo.

At ang lahat ay nangyayari nang may dahilan .

Makikipagtalo pa ba tayo sa Kaniya ?

So tanggapin na lang natin ang masaklap na katotohanan davah .

Anyways , lagi namang may paraan kung paano  maiibsan ang kanilang hatid na inconvenience sa ating buhay.

And so be it .  

Ang akin lang naman.

Sana lang , sana !

Thursday, June 14, 2012

What Makes You Beautiful - One Direction

May panibago na naman akong LSS ngayon .

Ang title nito ay " What Makes You Beautiful " courtesy of  " X Factor ( UK 7th Series )  " , 3rd Finalist na grupong One Direction.

Madaling kainlaban lalo na ang mga miyembro ng grupo na ubod ng mga guguwapo he he.



Pakinggan dito :

 

Wednesday, June 13, 2012

Pacquiao loses to Bradley

At natalo ang isang alamat .

Bagamat idineklarang talo ang ating Pambansang Kamao laban kay Timothy Bradley sa nakaraang laban ng dalawa nitong Linggo, still marami ang naniniwala na si Pacman ang tunay na panalo .

Maraming nagsasabi na lamang sa puntos sa kanilang mga scorecards kabilang na ang mga batikang sports analysts , personalities and celebrities na  nagsasabing karapat-dapat na manalo ay si Pacman .

But still , the fact remains that the judges decision is  final and irrevocable .

Kaya wala na tayong magagawa duon kundi tanggapin nang may kababaang-loob ang desisyong ito bilang isang sports na mga mamamayan. Katulad nang pagtanggap na ginawa ng ating Pambansang Kamao.

Anyway , I'm sure there's gonna be a rematch .

Aba , dapat lang .

Dahil ayaw ko namang mag-retire at matapos ang career ng ating bayani bilang isang talunan.

Dapat na mabawi niya ang korona ng WBO Welterweight Championship na inagaw sa kaniya sa pamamagitan ng isang malinaw na " pandaraya "

Marami ang nagsasabi na " scripted " o sinadya ang nasabing desisyon upang magkaruon ng rematch at posibleng trilogy match nang sa gayon ay mas maraming pera pa ang pumasok sa kaban ng yaman ng kung sino man. .

Sa madaling salita , benta ang laban.

" Rigged " , tweet nga ni Justine Timberlake.

Lutong Macao .

So, pera pera pa rin talaga ang labanan.

At ang sabi-sabi pa , ay may malaking kinalaman dito ang mismong promoter ng Top Rank na si Bob Arum.

At isa pang punto dahil ito daw ay ginanap sa lugar na binansagang Sin Capital of the World na lungsod ng Las Vegas.

At diumano ay ang pagbebenta ng score ng dalawang judges na naglaglag kay Pacman !

Anyway , ang lahat ng ito ay pawang haka-haka pa lamang at hindi pa napapatunayan.

Ngunit sino ba ang nakakaalam kung ano ang tunay na dahilan ng eskandalong ito sa laban ng ating Pambansang Kamao.

Tanging Diyos na lamang ang nakakaalam.

Subalit hindi na mahalaga  kung sino ang tunay na nanalo at natalo.

Ang mas mahalaga ay ang pagbangon mo mula sa iyong pagkadapa.

At muling maitayo ang bandera ng Pilipinas !

Kaya't nakikiisa ako sa panawagan para sa isang rematch sa lalong madaling panahon , nang sa gayon  ay magkaaalaman na kung sino ba talaga ang sino .

And still , idolo pa rin ng masa ang ating bayani .

Ang kaniyang buong tapang na pagtanggap sa resulta ng laban at sa desisyon ng mga inampalan  ay nagpapatunay lamang na dapat siyang hangaan dahil  sa pagiging sports sa tunggalian .

Kaya't dapat lamang ang isa pa ring hero's welcome para sa ating Pambansang Kamao !

Mabuhay ka , Pacman !

Ikaw pa rin ang tunay na panalo sa puso ng mga Pilipino at ng buong mundo!

Tuesday, June 12, 2012

114th Philippine Independence Day

Ika - 114 na taon na pala simula nang ating makamit ang ating kalayaan bilang isang bansang Pilipinas.

Ngunit nasaan na nga ba tayo sa mga panahong ito ?

Tunay na nga bang tayo ay malaya ?

O nananatili pa rin tayong alipin ng mga ganid at sakim na mga kapwa natin Pilipino?

Oo , nakalaya na nga tayo mula sa mapanupil na kamay at kuko ng mga dayuhan .

Ngunit tila nasadlak naman tayo sa kulungan at rehas ng mga gahamang  pulitiko na siyang naghahari-harian sa ating bansa.

Ah Pilipinas , nais kong masilayan ang iyong tunay na kalayaan sa darating pang mga panahon .

Kalayaan mula sa kahirapan .

Kalayaan mula sa kagutuman .

Kalayaan mula sa mga gahaman !

maligayang damahin ang bandera ng Pilipinas na pumapagaspas sa simoy at ihip ng malayang hangin

Monday, June 11, 2012

Mother Dear's Birthday

It's June 11 once again and our Mother dear had her birthday treat .

This time it's at Shakey's Marcos Highway Antipolo City .

Sarap talaga maka-bonding ang iyong mga mahal sa buhay especially with our dear mother whom we loved so much .

Super lakas pa at tatag despite her age.

Thank you God .

May you have more and more birthdays to come dear mother .

Para matagal pa tayong magkakasama at magkaka-bonding.

Here's some pictures to share :

our dear mother , lovely and beautiful

smiling mother Remy



Brother Louie and Sister In Law Liza

yours truly

Niece Christine

Nephew Christian

The mother and her daughter este son pala he he he ...

Sunday, June 10, 2012

at isa pang halimaw ...

at isa pang halimaw ang nasok sa aming pamamahay ...




Saturday, June 9, 2012

breakfast joy

Ang sarap pala paghalu-haluin sa isang baso ang mga ito :

Isang kutsarita ng mga sumusunod gaya ng Coffee Mate Creamer , Nescafe Coffee , Anlene Gold , Bear Brand Powdered Milk , Milo Chocolate Drink , Milo Overload Cereal Drink , Nescafe Sweet N Mild Mix at siyempre asukal .

Saka mo bubuhusan ng mainit at bagong kulong tubig .

Wagas ang lasa at panalo ang aking almusal.

Sabayan mo pa ng mainit na pandesal at palamang  Cheez Whiz .

You already .

Enjoy your breakfast !

Happy morning !


Thursday, June 7, 2012

kapag gutom na gutom ka na ....

Kapag GUTOM na GUTOM kana , kahit yung hindi mo gustong pagkain eh KAKAININ mo :)
 
Parang pag LIBOG na LIBOG ka , kahit yung hindi mo type , PAPATULAN mo ;)

#True?
HA HA HA HA .....

Saturday, June 2, 2012

Sinegwelas

Panahon na naman ng sinegwelas ngayon kaya nagkalat na naman ito sa mga pamilihan .

Spanish Plum sa English .

Paborito ko ang maliit na prutas na ito kahit nuong ako ay musmos pa lamang .

Natatandaan ko na may mataas na puno nito ang aking Uncle Ansing na nakatira sa probinsya ng aking mother sa La Union .

Kapag umuuwi kami duon ay hindi niya nakakalimutang ipanungkit kami ng prutas na ito mula sa matayog
nitong puno at sanga .



Mas masarap kapag hinog na ang kulay na violet o lila .



Na-sad lang ako dahil nitong pag-uwi namin sa probinsya lately  ay wala na ang nasabing puno .

Napalitan na ng mga pader ng kongkretong bahay !

: (

Friday, June 1, 2012

What is your sleeping position with your partner ?


Kami ? 

Minsan Honeymoon Hug

Minsan , Cliff Hanger 
He he he etchos !