Thursday, May 31, 2012

Somebody That I Used To Know

Ang cute naman ng kantang ito ni Gotye featuring Kimbra entitled " Somebody That I Used To Know "

Kakaiba ang beat at rhythm , not your usual sound you will hear in a recorded song.

Eh paano ba naman it comes from a Belgian/Australian singer named Gotye who are known for  their very distinct sound and melody when it comes to music.

Let's hear the sample sample :

Wednesday, May 30, 2012

the verdict !

At last  , after almost 5 months of publicity trial on TV  and much has been said and done , the verdict has arrived and it is GUILTY by the virtue of  20 to 3 votes .

Mabuti naman at natapos na ang ating kalbaryo patungkol kay Chief Justice  Renato Corona Impeachment Trial eklavu na ito dahil makahihinga na tayo ng mas maluwag-luwag ( kaya ? )

Sana naman ay wala nang appeal eklavu para umusad na nang husto ang gulong ng ating justice system nang mahusay .

Tama na ang mga salita, satsat at mga walang kapararakang haka-haka at suhestyon  ek ek dahil humatol na ang 23 na hukom/senador ng ating bansa which is final and executory and as far as my very own opinion is concern , I'm in favor of it .

Yun lang at pare-pareho na tayong manahimik.

Sa wakas ay may kinahantungan din ang ikalawang impeachment trial na naganap sa bansa matapos ang hindi naselyuhang impeachment trial kay dating Pangulong Joseph Estrada dahil sa pagwo-walk out din ng mga miyembro ng  taga-usig na hindi pumabor sa desisyon ng mga senador/huwes na buksan at tignan ang laman ng isang mahiwagang envelope .

Mabuti na lang at dito sa pangalawang impeachment trial na muntikan na ring mauwi sa pagwo-walkout ay hindi na pumayag at napigilan ng chairman na si JPE na makalabas sa vicinity ng husgado ang mismong witness na si CJ Corona upang umalis . ( Papalag ka ba kay Manong Enrile huh ? )

At yun na nga natapos din sa wakas .

Aba , ito lang ang trial na tinutukan ko mula umpisa hanggang wakas at never akong inantok ( kahit siesta time pa  ) dahil talagang nerve-wracking and heart -pounding kapag inaabangan mo ang resulta ng pagboto ng mga Senator/Judges .

Siyempre pinakawagas pa din sa lahat si Miriam Defensor-Santiago na umuusok pa rin ang tenga at ilong sa kapapaliwanag ng kaniyang verdict na " not guilty " vote . ( Putragis naman , hanggang sa pagbobotohan ba  eh mistula pa rin tayong mga batang sinesermunan nitong over- and super-clever na si Madam Miriam )


 At siyempre pinakakuwela naman ang " speech " ni Senator Lito Lapid kung saan sinabi  niyang kunsensya ang ginamit niya sa kaniyang  pagboto he he he.



Another history has been unfold before our very eyes !

May we all rest in peace now , amen !





Tuesday, May 29, 2012

5 reasons why you should ...

Share ko lang itong article from Younews.in


(5 Reasons why you should…)
Given our busy schedules, perhaps the time has come to enjoy solo sex. Remember, 94% men and 89% women still masturbate on a regular basis. Masturbation doesn't cause any harm to your body until and unless you overdo it.
Here, we give you five reasons why you should masturbate.
1.) Masturbation is healthy: Masturbation is one of the best ways to stay healthy and has many health benefits. It can cure diseases like insomnia, stress, anxiety, menstrual cramp,depression, and it can even stimulate your immune system. Some researches say it's also a form of exercise; it can burn a few calories even though it can't match up to gym workout.
2.) It feels really good: Fantasies make masturbating so much fun So, fantasize about having sex with celebrities, porn stars, strangers and what have you. By masturbating, you can have one of the greatest orgasms of your life.
3.) Masturbation is safe: What's the only 100% safe form of sex? It's masturbation. You don't need to worry about getting pregnant or getting an STD. Unlike sex, masturbation is free of cost. It's your own body, do whatever you want.
4.) Masturbation is natural: Masturbation is normal, and it's a natural act. It is a common form of autoeroticism. Forget the myths and misconceptions regarding masturbation. It will never lead to infertility, sexual weakness or loss of libido. Even animals like monkeys, dogs, and cats masturbate.
5.) Masturbation improves sexual relationship: You can learn many things from masturbation. It can improve your sexual relationships with your partner. Women can explore their own body through masturbation; they can determine what is erotically pleasing to them and can share this with their partners.
It's a fun experience.

Monday, May 28, 2012

How to use a useless man ?

Tawa much naman ako sa picture na itech wahahahaha .... lalo na sa number 2 at number 6 he he ...


Sunday, May 27, 2012

10 things I wanted to say about you ...

At dahil uso sa blogging world ang magsulat daw ng mga salita na gustong gusto mong sabihin sa iyong kapwa pero hindi mo masabi dahil sa kung anong kadahilanan ay mabuting  isulat mo na lang at dito mo daanin at ilabas ang iyong mga saloobin.

Para sa kahit na kanino at kahit papaano , ihiyaw mo dito , huwag mo lang papangalanan.

Siyempre , join din ako .

Noong una , parang wala naman akong maisip.

Ngunit , meron naman pala.

Marami.

Ngunit para lang sa isang tao .

Dahil ang dami-dami kong gustong sabihin at isigaw sa kaniya ngunit ni hindi ko naibuka ang aking bibig kapag nasa harapan niya .

10 lang muna dahil masyadong marami kapag 100 ha ha ha.

1.) Laging mainitin ang iyong jarhead. Alam kong high blood ka , pero puwede namang makontrol ang pagiging mainitin ng ulo kung hindi paaakyatin dito ang pagkulo nito.

2.) Lagi kang nakabulyaw . Konting kibot , sigaw ka kaagad. Tuloy pati mga kasambahay mo ay nahahawa na sa iyo. Pero kapag ibang tao ang sumisigaw , iritable ka agad .

3.) Feeling perfect ka . Lagi kang tama , ni minsan ay hindi ka yata naging mali .

4.) Ayaw na ayaw mo ng amoy na maantot , maanggo , maanta , makyoho at malansa . Pero ikaw mismo  ay hindi mo nasisisnghot ang sarili mong " pabango ".

5.) Laging mong sinasabi na magtipid sa kuryente at ilaw. Galit ka na agad kapag naabutan mong nakasindi ang ilaw na sabi mo ay walang gumagamit kahit na meron . Pero ikaw , aalis ka at iiwanan mo na nakabukas ang electric fan  at ang TV .

6.) You do not walk  your talk.

7.) May isyu ka nang pagiging " paboritismo " .

8.) Masyado kang mapagbigay sa iyong mga " bisita " kahit na ikaw mismo ay wala nang maibigay. Ultimo kakainin na lang ng iyong pamilya ay ipamimigay mo pa masabi  lang na hindi ka maramot.

9.) Marami kang disgusto sa buhay . Ayaw mo si ganito , ayaw mo ng ganiyan. Ang hindi mo  alam ay ang pagiging marunong makibagay at makisama sa kahit na sinong tao at kapwa mo ay isang bertud .

10.) Siguro kapag wala ka nang kasama sa bahay na mapag-uutusan mo ay madali itong magiging masukal na bahay na bato .

Yun lang !

Saturday, May 26, 2012

Music’s one name wonders revealed

Natuwa naman ako sa article na ito ng MSN Philippines tungkol sa mga musikerong sumikat sa buong mundo na iisa lang ang pangalang ginamit .

At bakit naman hindi eh nakasama ang ating one name wonder na si Charice sa listahan .

Here is the complete list :

Diddy 


Madonna
our very own Charice 

Eminem

Eve

who else but Cher

Prince

Adele
Bjork
Sting

Shakira
Beyonce

Bono
Jewel
Rihanna
Seal
Estelle
Fergie
Usher
Pink


Friday, May 25, 2012

Jessica Sanchez

After all the fuss , the result at last.

After Jasmine Trias , isa na namang Filipino blood ang nakipagsagupa for the top spot sa number 1 show na ito sa Tate which is American Idol Season 11 .

Patunay na iba talaga ang galing at husay ang mga Filipino pagdating sa kantahan .

Ang sabi nga ay kapapanganak pa lang ng isang sanggol na Pinoy ay kumakanta na .

At ang mga Filipino , kahit sintunado at wala sa tono ang hihilig pa ring kumanta .

Tama ba Anne Curtis at Empress Schuck he he he ?

But then , nabigo ngang makuha ng ating pambato ang titulo laban sa katunggali nitong si Phillip Phillips kagabi  who is equally  talented and impressive naman . In fairness , he deserves the title .

And tayong mga Pinoy ay kilala naman bilang mga sports sa ganitong klase ng mga labanan.

Win or lose , Jessica Sanchez will always be in our hearts .

Pakinggan ang video na nagpapakita kung gaano kahusay ang ating kababayang ito :



At ang showdown niya with Grammy Award winning singer Jennifer Holliday , bongga , nakikipagsabayan ang hitad na Jessica kay Mam Jennifer .

At ang bunganga  ni Madam Jennifer , parang may sariling buhay ha ha ha. Nganga kung nganga . Tabi tabi ka at baka ka malunok he he he .

Take a peek .



Thursday, May 24, 2012

Barak Obama and Manny Pacquiao on same-sex marriage issue

Paborable ang tugon ni US President Barak Obama patungkol sa same-sex marriage issue na tinatalakay sa Amerika .

Hmmmm ,mukhang nakakuha ng kakampi ang mga miyembro ng sangkabadingan dito kay Barak(la) he he he.

Hmmmm , politically , this is  a wise move dahil siguradong alam na alam ni Barak na maraming gay supports ang kailangan niya para sa kaniyang re-election bid kung saka-sakali .

Enter the dragon , Manny Pacquiao , na natanong naman ang kaniyang saloobin tungkol sa isyung ito .

May I sagot naman ang Pacman .

Ang problema , nang mai-print ang nilalaman ng kaniyang interview , iba  na ang resulta .

Tsismis na .

Kesyo may sinabi daw si Pacman na linyang  " patayin ang mga bakla "

Echosera naman kasi ang ilan nating kapatiran sa panulat .

Eksaherado magsulat nang hindi muna bine-verify ang nilalaman .

Ang totoong nagsabi pala ng nasabing mga kataga ay hindi si Pacman kundi iyong sumulat ng isang artikulo tungkol dito .

Sa kaniya pala galing ang Bible verse quotation mula sa Leviticus 20:13 

Ha ha ha .

Ibang klase talaga pumik-ap ng balita ang ating mga kapatid .

Hmmm , mukhang nagiging masyadong sensitve naman ang ating mga kapatiran sa Sangkabadingan .

Kaunting kibot , minamasama na agad .

Anti-gay na agad .

Eh ano kung gusto tayong murderin  ng mga alagad ng kabanalan na iyan .

Diyan lang naman sila magaling. 

On the other side , opinyon nila iyan , so kailangan nating igalang as much as we would like our opinions to be heard and respected  .

Ang mahalaga , hindi tayo ang nagkakasala ng panghuhusga kundi sila .

Sino ngayon ang mas makatuwiran sa paningin ng Maykapal ?



 



Wednesday, May 23, 2012

R.I.P. Robin Gibb

Kasunod ng pagpanaw ni gay icon Donna Summer ay isa pang idolo nuong Dekada 70 hanggang 80 ang nagpaalam .

Si Robin Gibb of the famous Bee Gees .

Nuong miyembro pa siya ng Bee Gees trio kasama ang kaniyang mga kapatid na sina Maurice Gibb , Barry Gibb at si Robin nga , siyempre , ayon nga sa isang artikulo ay pangalawa lamang sa pinakasikat na banda sa buong mundo , pagkatapos ng The Beatles .

Nauna nang pumanaw ang kanilang kapatid na si Maurice Gibb nuong January 12 , 2003 dahil sa mga komplikasyon dulot ng sakit na volvolus .

At ngayong taon naman ay si Robin Gibb ang sumunod dahil sa colorectal cancer .

At dahil dito ay si Barry Gibb na  lamang ang natitirang buhay na miyembro ng pamosong Bee Gees trio ( ang kanilang kapatid na si Andy Gibb na isa ring sikat na soloista ay hindi naging bahagi ng grupong Bee Gees )

Sumikat din si Robin Gibb bilang isang solong mang-aawit at dahil dito ay iniluwal ang kaniyang pinakasikat na kanta bilang soloista , ang awiting Boys Do Fall In Love .

Muli , isa  pang pagpapaalam mula sa isang magiting na nilalang :

ROBIN GIBB

(22 December 1949 – 20 May 2012)  




Tuesday, May 22, 2012

Fall of Summer

Farewell Summer .

Opo , sapagkat tapos na ang panahon ng tag-araw dito sa Pilipinas .

Dahil tuloy tuloy na ang buhos ng ulan .

At kasabay nito ay ang paglisan din ng isang nilalang na katulad ng panahon ng Tag-Araw ay punong-puno ng buhay , kasiyahan at kaliwanagan sa katauhan ni Ms. Donna Summer - the Queen of Disco .

Isa sa mga paborito kong mang-aawit lalo na sa mga klasikong disco music tulad ng Last Dance , Love To Love You Baby , Hot Stuff , No More Tears ( Enough Is Enough ) ,   She Works Hard For The Money , There Goes My Baby , Mac Arthur Park at marami pang iba .

Pumanaw siya dahil sa sakit na lung cancer .

Isa na namang kaluluwang tinitingala ng sangkatauhan at sangkabadingan ang pumanaw sa ating kalagitnaan.

Rest in Peace :

Donna Summer 

( December 31, 1948 - May 17, 2012 )


Monday, May 21, 2012

Stop Lady Gaga concert ?

At napakadali talaga sa tao ang mag-akusa sa kaniyang kapwa bilang  isang demonyo o diyablo.

Basta hindi pasado sa panlasa at akma sa kanilang kinagisnang katuruan , diyablo na agad .

Hindi ba puwedeng , may ka-weirduhan lang he he he.

As if naman na pagkabubuti at pagkababanal ng mga nag-aakusang ito .

Oh well , ganiyan talaga ang mga tao , mahirap i-please .

Kaya nga marami ang nagpapahinto sa concert ni Lady Gaga dito sa Pilipinas.

Ang problema kasi sa Relihiyon , kahit ano pang klase iyan , bubulagin ang pagtitiwala at pananalig mo sa iyong kapwa .

Kaya napakadali nating manghusga .

O baka naman talbog lang sila at ayaw masapawan ni Lady Gaga kaya nila ito ginagawa ha ha ha.

Oh well , to each his own na lang.

At any rate , heto ang collections ng mga outrageous , out of this world , fashionable , authentic and trendy attire ng ating prinsesita ng impyerno courtesy of  MSN Philippines. Ikaw na ang weirdo :